Chapter 32

781 38 3
                                    

Chapter 32

 
"Excuse me? Ito ba ang classroom ng section 13?" mabilis na natauhan ang dalaga atsaka natatarantang tumango.

"A-ah hehehe yes! What can I do for you ma'am?" pilit na ngiti ni Alex. Tinignan ni Alex ang buong section 13 at ayun, ang kaninang atat nang mag break time ay tila nadikit ang mga pwet sa silya at na glue na ang ga mata sa bagong dating. Kita niya sa peripheral vision ang pag iling ni Jun ngunit hindi niya na pinansin pa iyon.

"Ahm.. ikaw po ba ang adviser ng kapatid ko?" mahinhin na tanong ng dalaga sa kaniya. Nakangiti namang tumango si Alex atsaka tinanong ang dalaga.

"T-teka, ikaw po ba ang kapatid ni Roigie?" takang tanong niya. tumango naman ang dalaga. "ako ang ate ni Roigie."

"EHHH?!" nagulat naman ang dalawa sa biglaang pag sigaw ng section 13.

"Ate ka ni Roigie?!"

"Dre ang gandaaa!!!"

"Para siyang anghel na bumaba mula sa langit!"

"Ang bilis ng tibok ng puso ko brad!!!"

"Natagpuan ko na ang destiny ko!!!" kunot noong tiningnan ni Alex ang klase. At doon ay nag simula nanaman silang mag ingay habang ninanakawan ng tingin ang ate ni Roigie na pilit namang ngumingiti sa kabila ng pag kailang.

"Ang mabuti pa ho, sa office nalang ho tayo mag usap. Hehehe halika na po?" ilang na tumango naman ang kapatid ni Roigie at nauna nang lumabas ng classroom. Tiningnan pa muna ni Alex ang mga estudyante niyang animo'y nagayuma atsaka umiling bago iwan ang mga ito. sinamahan ni Alex ang dalaga patungong principal's office kung saan naroon na ang kapatid nitong si Allen.

"Alam na ho ba ng mga magulang niyo ang nangyari sa kapatid niyo?" tanong ni Allen. Kasalukuyan silang nag uusap tungkol sa sitwasyon ng binata. Nakayuko ang dalaga marahil sa kahihiyan na nararamdaman. Maging si Alex ay ramdam ang nararamdaman ng kapatid ni Roigie sapagkat hindi inaasahan ang nangyari.
"Dalawa nalang po kaming mag kapatid ang nabubuhay sa pamilya naming. Namatay ang mga magulang naming noong bata pa kami. Kaya naman ako nalang ang inaasahan ni Roigie sa buhay." Bahagyang nagulat ang mag kapatid sa sinabi ng dalaga at nag patuloy na nakinig sa kuwento nito.

"Lumaking matino at maayos ang kapatid ko. Pero tampulan siya ng mga bully noong mga bata pa kami dahil wala na kaming mga magulang. Pero noong mag high school siya ay hindi ko na nakitaan ng kahinaan ang kapatid ko. Ang akala ko ay maaayos na siyang nakakapag aral dahil wala nang bumubully sa kaniya pero... may isang araw na ipinatawag ako dito noong second year high school siya.. umulit siya sa second year nang malaman niyang bumagsak siya sa halos lahat nang subject niya." nakaramdam ng awa ang mag kapatid sa kaharap. Kita nila ang lungot at hiya sa mga mata ng dalaga habang nag kukwento ito.

"Kasalanan ko kung bakit nag kaganon si Roigie, hindi ko siya nabantayan at naalagaan nang maayos dahil sa pagiging busy ko sa trabaho..." umiiyak na sabi pa ng kapatid ni Roigie dhilan para lapitan ni Alex ang dalaga at aluhin.

"Wala kang kasalanan. Sinamahan mo sa pag laki ang kapatid mo, at nainiwala akong napalaki mo siya nang maayos dahil mabuti iyang tao." Tumingin ang dalaga kay Alex. Nginitian niya ito at nag patuloy sa pag sasalita.

"Isa ako sa kakaunting mga tao na nakasaksi kung gaano kabuting tao ang kapatid mo Reign, hindi man niya ipakita sa lahat ng tao iyon pero makikita mo sa kaniya ang determinasyon para makapag tapos ng pag-aaral. Hindi man halata dahil madalas talaga ay matigas ang ulo niya pero, napakalambot ng puso niya lalo na sa mga nangangailangan ng tulong." Muling inalala ni Alex ang nakita niya noon na pag tulong ni Roigie sa isang matanda na tinangkang pag nakawan ng mga batang kalye.

"Hindi man halata sa itsura niya pero, masasabi kong lumaki siya nang may paninindigan sa kung ano man ang tama at ang pag tatanggol niya sa mga inaapi o binubully rin gaya niya noong bata pa siya." Naalala rin nito ang lahat ng away kung saan ipinag tanggol ni Roigie ang mga kaklase niya at ang buong section 13 laban sa mga guro na halos itapon sila sa kawalan.

"Kaya naniniwala akong hindi niya magagawa ang bagay na ito." dagdag pa ni Alex dahilan para mapatingin sa kaniya ang kapatid.

"Naniniwala rin akong hindi magagawa ng kapatid ko ang mag tulak ng droga sa paaralang ito. alam kong marami na siyang nagawang hindi maganda rito pero hindi ako naniniwalang magagawa niya ang bagay na iyon. Paki usap.." tumingin si Reign sa dalaga atsaka hinawakan ito sa kamay dahilan ng pag kagulat ni Alex.
"Huwag niyo pong i kick out ang kapatid ko. Paki usap Ms. Nivera. Tulungan niyo po akong mapatunayan na inosente ang kapatid ko." Lumuluhang pakiusap pa ng dalaga dahilan para makaramdam ng pag ka habag ang mag kapatid.


"Alex... Alex..." nabalik lamang sa ulirat ang dalaga nang tapikin siya ng kapatid sa balikat. Tumingin siya rito nang may pag tataka.

"What?" tanong niya sa kapatid. Nag pakawala si Allen ng malalim na hininga atsaka tumayo at hinarap ang kapatid.

"Do you really want to help your student?" diretsong tanong nito. Agad namang nanlaki ang mga mata ni Alex at walang alinlangang tumango.

"OO naman! Walang kasalanan si Roigie sa droga na iyan sigurado ako!" sigaw niya sa kapatid. Napapikit naman ito atsaka kunot-noong tiningnan ang dalaga.

"Alright, alright, I will let you..."  nag liwanag naman ang mukha ng dalaga nang marinig iyon mula sa kuya  niya.

"BUT! Make sure na walang makakaalam na you're moving secretly huh? This is your last chance kaya huwag kang gagawa ng ikapapahamak mo at ng mga estudyante mo! kung hindi, hindi lang ikaw ang mawawala sa school na ito maliwanag?" mabilis na tumango si Alex atsaka niyakap ang kapatid.

"Thank you so much kuya! I owe you a lot!!" humalik pa ito sa pisngi ng kuya niya bago tuluyang lumabas ng office. Nakangiting umiling na lamang si Allen nang muling masilayan ang ngiti sa mukha ng kapatid.

***

"Kumusta? Dumalaw daw kahapon ang kapatid mo rito, na kausap na ba kayo?" tanong ni Alex sa binata. Kasama niya ang mga kaibigan nito na nag punta sa prisinto. Nang matapos ang klase mag hapon ay agad silang dumiretso dito dala ang ilang damit ni Roigie. Binilhan na rin ni Jun ng pag kain ang kaibigan bago dumiretso sa prisinto.


"Oo. Ang sabi niya ay babalik siya bukas para makipag usap" tipid na sagot ni Roigie. Mababakas sa itsura nito ang walang tulog at parang pagod na pago sa dami ng ginawa. Dalawang araw na siya sa prisinto at hanggang ngayon ay wala pa ring napaoatunayan ang mga pulis sa kaso.

"Kumusta?" tanong ni Ren sa kaibigan. Bahagya namang ngumiti ang binata sa kanila.

"Alam ko iyang mg tinging 'yan. Ayos lang ako dito." Nakangiting sabi ng binata nag pakawala ng buntong hininga.

"Sira. Nag aalala kami sayo tuleg, grabe, minsan ka nalang kapitan ng malas, yung sobrang lala pa." pag bibiro ni Niccolo dahilan para mag tawanan silang lahat. Nakangiti namang pinag masdan ni Alex ang mga binata na masayang nag uusap. Ramdam niya ang tatag ng pag kakaibigan nina Ren, Roigie, Niccolo, Justin at Josh sa paraan ng kanilang pag uusap.

"Oi..." hindi namamalayan ni Alex na masiyado siyang dinala ng malikot na isipan tungo saan at nabalik lamang siya sa ulirat nang tusukin siya sa pisngi ni Jun.

"Nanishiteruno? (what are you doing?)" Tanong nito sa kaniya. Napunta rin ang atensyon sa kaniya ng lima kaya naman agad siyang  umiling at pilit na ngumiri.

"A-ah ano hehehe huwag niyo akong isipin. Hehehehe" inismiran naman siya ni Jun ganun din ang lima pa at nag tuloy tuloy sila sa pag uusap.  Habang nakikinig ay hindi maiwasang isipin ni Alex ang kung ano mang mangyayari at kung ano ang gagawin niya. Hindi niya malaman kung paanong hahanapan ng matibay na ebidensya ang grupo ni Kevin at ng BSG. Ang nasa isipan niya lamang ngayon ay kailangan niyang harapin ang BSG at kausapin ang mga ito gayong sigurado siyang sila ang nasa likod ng lahat ng ito.

"Makakalaya ako diba?" natahimik ang lahat sa biglang tanong ni Roigie. Ang kaninang puno ng tawanan ay biglang nawala dahil sa tanong ng binata. Tiningnan ni Alex ang binata atsaka nginitian ito.

"Of course/oo naman!" sabay na sagot nina Jun at Alex na bahagyang ikinagulat nilang dalawa at sabay ding nag iwas ng tingin.

"Oo naman! Makakakabas ka rito, hindi ka mag tatagal dito at nasisiguro kong gagraduate kayong lahat" nakangiti at puno ng sinseridad na saad ni Alex habang diretsong nakatingin sa mata ni Roigie.

'pananagutin ko ang lahat ng nasa likod ng kahangalan na ito.'

Kinagabihan ay agd na kumilos si Alex upang haraoin ang BSG. Buo na ang pasya niya sa gagawing pag kausap sa mga ito at handang handa na siya sa kung anuman ang mangyari.

"Sigurado kabang makikipag usap kalang sa kanila Alex? Eh halos kargahan mo na ng bala iyang tatlong baril na hawak mo eh." Nag aalalang sabi ni Sab habang tinutulungang mag handa ang kaibigan sa mga gamit na idadala ng dalaga. Inaayos ni Alex ang mga tatlong baril na hawak niya habang si Sab naman ay inaayos ang mga kunai (throwing knives) na dadalhin din ng dalaga.

"Atsaka kagagaling mo lang, baka mapano ka nanaman, baka bumuka iyang tahi sa likod mo kung sakali." Imbis na pansinin ay paruloy pa rin si Alex sa pag aayos ng mga gamit.

"Alex..." humarao ang dalaga rito atsaka ibinigay ang isang papel kung saan nakalagay ang address ng lugar na pupuntahan niya.

"I have a tracking device with me. Kapag nawala iyan, go to this place.." seryosong sabi ng dalaga atsaka isa isang inilalagay ang mga gamit sa bulsa ng black leather jacket na suot niya. Isinisik ng dalaga ang hindi bababa sa sampung kunai sa mga secret pocket na nasa leather jecket niya at ang tatlong baril sa kabilang bulsa.

"Mag iingat ka Alex.." nag aalalang sabi ni Sab. Nginitian naman siya ng dalaga at muling bumalik sa pagiging seryoso atsaka sumakay sa kaniyang black Ducati Monster 821 motorcycle. Ngumiti pa muna siya sa kaibigan atsaka mabilis na pinaharurot ang sasakyan paalis. 

***

"Oh, we have a visitor.." nakangiting bungad ni Viper (Brian) atsaka tinapon ang sigarilyong hawak sa kung saan.

"What an unexpected visitor. What can I help you, kohi?" nakangiti, ngunit may bahid ng oang aasar na tanong ni death (Dexter). Tahimik na pinag masdan naman ni Alex ang mga ito. Tahimik rin niyang pinakiramdaman ang paligid at hindi nga siya nag kamali ng hinala. Maraming tao ang nanonood sa kanila at hinihintay kung kailan susugod ang mga ito.

"I have a question that you're the only one have the answer.." panimula ni Alex at tsaka taimtim na nakiramdam. Tumayo naman sina Hades (Ryuu) at Storm (Nikki) sa kanilang kinauupuan atsaka seryosong tiningnan ang dalaga.

"Are you the one who put my student in jail?" diretsong tanong ng dalaga. Ngunit imbis na sagutin ay tinawanan lamang siya ng mga ito.

"That's an odd question, kohi, we don't even know where'd you get that.." natatawang sabi ni Viper.

"Maybe she was just make fun of us.." nakangising sabi naman ni Storm.

"And we didn't even know that you're teaching! That's shocking indeed" nakangisi ring saad ni Light (Mike). Naiinis na tiningnan sila ni Alex atsaka bumuntong hininga.

"Come on guys, stop this bullshit and just answer my question. I know you are behind my student's set up And I know everything about you, and that Kevin of Section A." natahimik at nag katinginan ang BSG sa sinabi ni Alex. Walang nag salita ni isa matapos iyon.

"I am not here to pick a fight , just please answer my question.." seryoso ngunit mababakas ang pag mamaka awa sa tono ng pananalita ng dalaga habang nakaharap sa kanila.

"Are you guys the one who put my student in that situa----" hindi na naituloy ni Alex ang kaniyang sasabihin nang mabilis na kumilos si Nikki atsaka hinagis ang isang dagger patungo sa direksyon niya na mabilis niyang nailagan.

"What are you guys doing! Attack her!" malakas na sigaw ng babae. Mabilis na naging alerto si Alex at hinintay ang kung sino mang aatake mula sa itaas. Hindi siya nag kamali sapagkat tatlong dagger nanaman ang ibinato ng ilan sa mga tauhan ng BSG patungo sa direkssyon niya. Mabilis niyang nailagan ang mga dagger at gamit ang mga kunai na nakatago sa secret pocket ay pinatamaan niya ang mga nasa itaas dahilan ng isa-isang pag bagsak ng mga ito sa sahig at ang sabay sabay na pag daing nila sa sakit nang tamaan sila sa hita at balikat.

"B*tch.." bulong ni Alex atsaka tiningnan ng masama ang grupo nina Brian.

"You forgot that you're in my territory kohi,"

"I know, kaya nga nag ready ako eh.. BAKAYEROU!" Inilabas ni Alex ang mga baril sa pocket niya atsaka itinutok iyon sa kanila.

"Now tell me, are you the one who did that to my student?" seryoso, puno ng awtoridad na tanong ni Alex sa kanila. Bagamat tahimik ay mababakas ang inis at takot sa mga mukha ng BSG. Hindi nila matanggap na nagiging talunan at mga utusan nanaman sila ng dalaga.

"I am telling you, Alex, we don't have something to do with that matter. Maybe he's really a drug addict.." nakangising sabi ni Mike dahilan para patamaan siya ni Alex sa mag kabilang hita nang dalawang beses.

"Light!" sigaw ng mga kasamahan nito. Muling sumenyas si Nikki dahilan para mag labasan ang napakaraming underlings nila at sabay sabay na sumugod kay Alex.

"Kill her! Bring her head to me!" galit na utos ni Brian sa mga ito. isa-isa nilang sinugod si Alex.

Hindi pa man nababawasan halos ang mga ito nang maubusan si Alex ng bala at mga throwing knife. Napamura ang dalaga sa pag aakalang hindi ganito karami ang baon ng BSG.

"Mga duwag...." Bulong niya atsaka pinag tatadyakan ang sinumang lalat at mag tatangkang lapitan siya. Maya't maya ang pag sugod ng mga gangster sa kaniya at may mga pag kakataong may nakakapasok na suntok at tadyak sa iba't  ibang parte ng katawan nya. Hingal na napa atras siya nang tamaan siya sa mukha.

"Kuso...." Mahinang mura nia atsaka pinunasan ang dugo sa gilid ng labi niya. bagamat hingal na hingal na ay nag patuloy parin sa pakikipag laban si Alex. Suntok, sipa, at haggis ang ginagawa niya sa mga gangster na sumusugod sa kaniya at maririnig sa buong building ang mga ungol at daing ng mga ito sa sakit.

"Ahh!" daing niya nang tumalsik siya dala ng ipa ng isang gangster. Hindi niya namalayan ang isang iyon dahilan para tamaan siya nang malakas na sipa sa sikmura. nang makabawi ay agad siyang bumangon at hinarap ang gangster na iyon atsaka binigyan ng flying kick dahilan para tumalsik ito at bmagsak sa kalayuan. Ngunit pag harap ni Alex ay agad siyang tinamaan ng isa rin flying kick na galing kay Death dahilan para tumalsik siya sa ilang mga karton.

"What happened to you Kohi? You became weak after entering to your brother's almost abandoned school? how sad it was.." at muling sinikmuraan ni Death ang dalaga dahilan para humagis muli ito. napamura sa isipan si Alex habang iniinda ang sakit sa sikmura at hilong hinarap ang lalaki.

"Tsss... baka.." nakangisi niyang pinnasan ang dugo sa kilay habang nakatingin na parang nang aasar pa sa bnata.

"What are you waiting for death? Finis her.." sabi ni Brian atsaka umalis kasama sina Light at Hades. Natira sina Storm at  Death na ngayo'y nakaharap sa nakaluhod na si Alex at binabawi ang pag kahilo. Marami pa ring nakatayong mga gangster habang

"You're gonna die here, btch..." akmang hahampasin na ni Nikki si Alex nang may pumigil na tubo rito.

"You'll go first, slut.." Nakangising sabi ni Sab atsaka malakas na sinipa si Nikki dahilan para mapa atras ito. Agad namang dinamba ni Sho si Death atsaka sinuntok nang malakas. At doon mling nag kagulo ang lahat nang sumugod sina Taki, Yuta, Justin, Ren, Josh, Niccolo at Jun. ang hindi bababa sa singkwentang underlings ng BSG ay walang takot na sinugod ng mag kakaibigan.

"Weak," prenteng saad ni Jun atsaka sinipa ang isang gangster na sumugod sa gawi niya. ganon din ang ginawa nina Justin na tila nag eenjoy pa sa ginagawa.

"Naks! Ang tagal ko ring nahinto sa ganito!" masiglang saad ni Justin habang nakikipag bugbugan sa mga gangster na hindi niya alintala ang tangkad at laki ng mga ito.

"T**g*na, mga mahina!" sigaw ni Ren atsaka sinuntk ng mlakas ang sinumang sumusugod sa kaniya.

Bagmat gulat ay, dali daling tumayo si Alex atsaka sumugod sa direksyon nina Death at Sho. bawat gangster na mag tatangkang lumapit sa dalaga ay parang damit lang niyang hinahagis patungo sa kawalan habang lumalapt sa direksyon nina Sho.

Nang makitang medyo dehado si Sho a nag mamadali siyang sumugod atsaka sinipa nang malakas si Death dahilan para humagis ito sa di kalayuan.

"ARRGH!!!!" pag daing nito nang tamaan ito sa tagiliran. Tinulungan namang bumangon ni Alex ang kasama atsaka mag ka talikurang hinarap ang mga gangster na nag tatangkang sugudin sila.

"Woah! Ang astig ni Stella at Sho!"  Namamanghang sigaw pa ni Josh habang nakikipag suntukan sa kalaban at tumitingin sa gawi nila Alex. Dahilan iyon upang hindi mamalayan ni Jun ang isang gangster na may hawak na tubo at hampasin siya sa likuran.

"F*ck!" sigaw nito at tumumbwang sa lapag habang namimilipit sa sakit.

"Jun!" sigaw ni Ren atsaka nag mamadaling sinugod ang gangster atsaka pinaulanan ng suntok.

"T*r*nt*do!" mura niya ditoatsaka sinipa nang malaks ang gangster. Agad niyang tinulungang makatayo si Jun

"Ano, ayos kalang?!" nag aalalang tanong niya sa kaibigan. Dumura ng dugo ang binata at tumango atsaka galit na sumugod sa nga gangster.

"Daijoubu? (Are you okay?)" nag aalalang tanong ni Yuta sa binata ngunit imbis na pansinin ay tahimik na nakipag laban lamang ito.  hanggang sa maubos ang mga nakatayong gangster.

Samantala, sabay na hinarap nina Sho at Alex si Dexter. Mabilis silang nag papalitan ng mga sunto at sipa  sa isa't isa. Nang tamaan ni Sho ang kalaban ay agad itong tumumba.

"I repeat, I went here to ask you, but look what you did. You're just digging your own grave!" sigw ni Alex habang hawak sa kwelyo ang duguan nang si Dexter. Hindi na rin nito maidilat pa ang kaliwang mata sa tindi ng mga suntok ng dalaga at ni Sho. sa halip na sagutin ay ngumisi lang ang binata sa dalaga.

"I am telling you, you'll get nothing to us, and your student will be buried there forever.." nag pantig at nag dilim ang paningin ng dalaga dahilan para ulit ulit niyang suntukin sa mukha ang binata. Hanggang sa mawalan ito nang malay ay walang humpay ang dalaga sa pag suntok dito.

Natitigilan namang tiningnan ng lahat ang ginawa ni Alex. Gulat ang remehistro sa kanilang lahat. ang lima'y hindi makilala ang dalaga sa ginagawa nito. Sa ganoong pag kakataon a binalot ng takot ang mag kakaibigan sa katotohanang ipinakikita ng kanilang guro. ang kakayahan nitong pumatay ng tao. Dalidaling lumapit sina Taki, Yuta, at Sab sa dalaga ngunit agad na tiningnan sila nito nang masama.

"Hey, Kohi, yamete kudasai, you're killing him!" pag pigil ni Sho sa ginagawa ng dalaga. Ngunit parang wala itong naririnig at sige pa rin sa pag suntok sa wala nang malay na si Death.

"I'll kill you! I'll kill all of you!!" sigaw pa nito at akmang sisikuhin ang binata nang may pumigil sa kaniya.

"Yamete.. kudasai... (Please.. stop..)" bulong ni Jun habang yakap ang dalaga at hawak ang braso niya dahilan para bumalik sa katinuan si Alex.

END OF CHAPTER 32

Ang Teacher ng Section 13Where stories live. Discover now