Mula ng mag retiro si SHINICHI MAKI sa KAINAN napili ni coach Takato na gawing captain si Jin naisipan rin nyang maghanap ng manager na makakatulong nito.
"Aba pre ikaw na bagong captain." natutuwang bati ni Kiyota.
Hindi naman masaya si Jin kahit na sya ang napiling bagong captain ng KAINAN dahil iniisip parin nya ang pagkawala ni Giezel. "Salamat Kiyota." tipid na sagot nalang ni Jin.
"Pre wag muna isipin si Giezel wala na sya. Gusto mo hanapan na lang kita ng mga magagandang babae." suggest ni Kiyota sabay ngiti.
"Hindi na Kiyota. Ayoko na rin muna isipin yang love focus na lang muna ako sa laro lalo na ako na yung bagong captain hindi ako pwede maging kampante. Dahil pinangako ko kay Maki na gagawin ko lahat para maging number one parin tayo sa distrito." seryosong sabe ni Jin.
"Tama ka dyan pre. Bakit kaya naisipan pa ni coach Takato maghanap ng manager siguro nainggit sya dahil may manager ang SHOHOKU." napapaisip ni Kiyota na hindi maiwasang matawa.
Nagsimula ng mag practice ang team at marami rami rin ang sumali sa kanila kaya naman natutuwa si coach Takato ganun na rin si Jin dahil halos lahat ng sumali may experience sa paglalaro ng basketball....
OSAKA JAPAN....
"Amber anak pasensya kana kung mag ta-transfer ka sa KANAGAWA. Naisipan namin ng papa mo na ipasok ka sa KAINAN dahil sikat na sikat yung school na yun para naman makalimutan muna si Vladimir." sabe ng mama ni Amber.
Mula ng mamatayan ng boyfriend si Amber naging malungkutin na ito at hindi na rin masyadong nakikihalubilo sa tao. "Ayos lang mama kung saan po kayo masaya masaya na rin po ako." sagot nalang ni Amber..
"Anak gusto namin ng papa mo na kalimutan muna si Vladimir. Hindi na sya babalik pa kaya sana wag mong isarado ang puso mo sa mga lalaking nagbabalak ligawan ka. Nalulungkot kami ng papa mo kapag nakikita namin na nagkaka ganyan ka....
"Mama alam ko naman na di na sya babalik kasi iniwan na nya ako. Hindi ko kayang magmahal ng iba mama si Vladimir lang ang gusto ko kahit alam kong patay na sya." naiiyak na umalis si Amber para puntahan ang puntod ng ex nya..
"Bakit mo ko iniwan Vladimir. Ang sabe mo sabay tayong magtatapos napaka daya mo hindi ko alam paano pa ako magmamahal kung hanggang ngayon ikaw parin ang gusto ko. Vladimir alam ko naririnig mo ko alam ko rin masaya kana dyan sana tulungan mo ko na makapag move on sayo dahil hindi ko alam kung paano ko gagawin yun." umiiyak si Amber habang nakatingin sa puntod ni Vladimir.
Walang syang ginawa kundi umiyak. Naisipan nyang doon matulog dahil di na nya ulit madadalaw pa ang ex nya oras na lumipat na sya ng KANAGAWA.
KANAGAWA (KAINAN)
Nang matapos ang practice sabay na lumabas si Kiyota at Jin ng gym. Laking tuwa nila ng makita si Maki sa labas. "Kamusta na?" tanong ni Maki.
Agad na niyakap ni Kiyota si Maki. "Namiss kita Maki nakilala mo lang si Satomi hindi kana pumupunta rito." nagtatampong turan ni Kiyota.
"Pasensya na hindi ko kasi maiwan si Satomi. Wag kana malungkot Kiyota sigurado naman akong magiging mabait na captain yang si Jin." ngiting sabe ni Maki sabay tingin kay Jin.
"Hindi ko parin kaya ang ginagawa mo Maki nakakamiss kapa rin." seryosong sabe naman ni Jin.
"Nabalitaan ko kay coach na naghahanap daw sya ng bagong manager na makakatulong mo? May nahanap na ba?" tanong ni Maki.
"Wala pa nga eh. Sana maganda yung mahanap na manager ni coach para lage akong ganahan mag practice." natatawang sambit ni Kiyota kaya nakatikim sya ng umbag kay Maki.
"Kiyota ikaw wag kang pasaway hindi porket mabait tong si Jin aabusuhin muna at wag mo rin bibigyan ng sakit ng ulo ang magiging manager nyo baka imbes na magtagal yun mag quit pa." sabe ni Maki at hindi naiwasan ni Kiyota na mainis.
"Hindi na pasaway si Kiyota sana lang yung magiging manager namin mabait mahirap kasi kapag masungit baka di ko makasundo." anya ni Jin.
"Eh paano kung maganda at mabait." nakakalokong ngiti ni Kiyota.
"Kiyota tumigil kana nga balak mo pang ireto tong si Jin." saway ni Maki.
"Hindi naman. Gusto ko lang naman makalimutan nya si Giezel." nakangusong paliwanag ni Kiyota.
Biglang nalungkot si Jin at tumingin naman si Maki na animoy alam na kung bakit malungkot ito. "Gusto nyo kumain? Libre ko." yaya ni Maki.
Nilibre nga ni Maki si Jin at Kiyota at nakita naman sila ng team ng SHOHOKU at team ng RYONAN. "Aba long time no see balita ko ikaw na bagong captain ng KAINAN?" tanong ni Mitsui.
"Oo." tipid na sagot ni Jin.
"Aba akalain mong hindi napili ang unggoy." pang aasar ni Sakuragi kay Kiyota.
"Tumahimik ka dyan panget." inis na sabat ni Kiyota.
"Totoo ba na naghahanap ng manager si coach Takato?" tanong ni Miyagi
"Oo para daw makatulong ko. Bakit may kilala kaba?" biglang tanong naman ni Jin.
"Wala eh." napapakamot na sagot nalang ni Miyagi.
"Unggoy kailan ka magreretiro?" tanong ni Sakuragi kay Kiyota.
"Paano yan magreretiro hindi pa naman graduate yan gung gung ka talaga Hanamichi." pasigaw ni Ryota.
Tahimik na lang na kumain si Jin habang masaya namang nagkukwentuhan ang team.
BINABASA MO ANG
✅ 𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐂𝐀𝐒𝐓'𝐬 𝐎𝐔𝐓 𝐅𝐄𝐀𝐑
FanfictionAmber Mimoto comes from a rich family who grew up with kind and loving parents, but she is also afraid to fall in love again since her boyfriend Vlademir died.... Is she ready to be inlove again?... Jin is admired by many women because of his abil...