AMBER Point Of View...
Hindi ko alam kung anong naghihintay sakin sa KANAGAWA basta ang alam ko lang sikat ang school na papasukan ko at yun ay ang KAINAN...
Ang totoo hindi ako masaya dahil mula ng mamatay si Vladimir nawalan ako ng ganang mabuhay sa mundo mabuti na lang at lageng nandyan ang parents ko....
Pagbaba ko ng tren nakita ko agad ang mga estudyante. Hindi ko alam kung sino ang kakausapin ko dahil unang una wala naman akong kilala dito sa KANAGAWA nahihiya naman akong mag tanong...
"Iha anong problema?" tanong ng matandang lalaki sakin na nakasalamin...
"Teacher po ba kayo? Pasensya na po bago lang po kasi ako dito sa KANAGAWA at wala rin po akong kilala dito sa KAINAN." sabe ko na hindi maiwasan mahiya
"Ah ganun ba. Wag kang mag alala sasamahan kita sa Office pero bago yun pumunta muna tayo sa gym ayos lang ba sayo iha?" tanong nya sakin..
"Sige po wala pong problema." sagot ko.
"Ako nga pala si coach Takato ang coach ng basketball. Ikaw Iha anong pangalan mo?" tanong ni coach sakin...
"Amber po. Coach po pala kayo ng basketball. Naalala ko po dati nung naglalaro pa ako ng basketball kasali rin po ako sa team nakakamiss po mag laro kapag matagal kanang di naglalaro." kwento ko.
Hindi ko alam kung bakit magaan ang loob ko kay coach Takato gayong first time ko lang syang makausap siguro dahil naalala ko yung coach ko dati sa kanya. "Talaga iha basketball player ka pala dati. Alam mo naghahanap ako ng manager pwede kabang maging manager ng KAINAN?" nakangiting tanong ni coach Takato sakin..
Hindi ko alam kung anong isasagot ko para kasing ang bilis. Sa dami ng estudyante dito bakit kaya ako yung napili nyang maging manager ng KAINAN. "Pag iisipan ko po coach." nasabe ko na lang...
Pag dating namin sa gym nakita ko ang players ng KAINAN na busy sa pagpa-practice. Nagulat na lang ako ng may lumapit na lalaki sakin long hair ang buhok at naka headband pa. "Hi anong name mo? Ako nga pala si Nobunaga Kiyota ang ganda mo naman." pagpapacute ni Kiyota sakin..
"Amber ang name ko." sagot ko naman..
Tinawag ni coach Takato ang players at nahook ng atensyon ko ang lalaking kalalabas lang ng locker room. Napaka gwapo nya kamukha rin nya si Vladimir. "Good morning coach." bati nilang lahat kay coach Takato
"Good morning. Ito nga pala si Amber sya ang gusto ko sana maging manager dahil may experience na sya sa pagbabasketball ang kaso pag iisipan pa nya." seryosong sabe ni coach.
"Bakit pag iisipan mo pa? Ikaw na lang maganda na magaling pa sigurado gaganahan ako maglaro." ngiting sabe ni Kiyota.
"Hi ako nga pala si Soichiro Jin." pagpapakilala nya saka ngumiti sakin..
Bakit kaya napaka lakas ng tibok ng puso ko ng makita ko ang ngiti nya para talaga syang si Vladimir at napaka bait pa. "Amber." pakilala ko naman na hindi maiwasan mahiya.
"Yun ohh iba mga titigan." pang aasar ni Kiyota samin ni Jin..
Yumuko na lang ako para di ako asarin dahil nahihiya ako kay Jin. Lumapit sya sakin at tumabi. "Sana ikaw na lang ang maging manager namin tutulungan naman kita kung sakaling papayag ka." seryosong sabe ni Jin sakin.
"Sige ako na magiging manager nyo." sagot ko na lang..
Natuwa naman sila ng pumayag ako na maging manager nila ganun din si coach Takato.
"Aalis na po ako coach." pagpapaalam ko..
"Jin samahan mo si Amber sa Office." utos ni coach Takato.
"Hindi na po coach nakakahiya may practice pa sila." sabe ko..
"Ayos lang Amber samahan na kita." ngiting sabe nya saka kinuha ang dala dala kong gamit..
"Captain loves Manager ayieh." kinikilig na kantiyaw ni Kiyota habang nakatingin samin ni Jin.
Sinamahan ako ni Jin sa Office para ipasa ang mga requirements ko. Hindi kami nag uusap dalawa habang nag lalakad hindi ko alam bakit ako nahihiya sa kanya. "Alam mo Amber problema namin ang manager dahil wala kami makita, mabuti na lang dumating ka." maya maya'y kwento nya habang naglalakad kami.
"Wag ka mag alala hindi ko ipapahiya si coach Takato pati na rin ikaw." sabe ko at ngumiti sya sakin.
"Salamat hah hindi naman kita bibigyan ng sakit ng ulo promise yan...
Ewan ko ba bakit lalong lumalakas ang pintig ng puso ko nakakatunaw ang ngiti ni Jin. "Sige mauna na ako Amber punta kana lang sa gym mamaya hintayin kita." pagpapaalam nya saka umalis.
Tumango na lang ako bilang sagot dahil nahihiya talaga ako sa kanya. Nang matapos kong ipasa lahat ng requirements ko pumunta muna ako sa library para maghanap ng books na pwedeng basahin...
"Ikaw si Amber?" tanong ng matangkad na lalaki na medyo maitim..
"Ako nga po." sagot ko..
"Ganda naman nya Maki sya pala ang bagong manager ng KAINAN parang gusto ko mag transfer....
"Wag ka maingay Mitsui." utos naman ng kulot na lalaki..
"Ako nga pala si Shinichi Maki at ito naman si Mitsui at Ryota. Wag kang matakot di kami masamang tao napag alaman ko lang kasi kay Kiyota na may nahanap na nga daw na manager at Amber ang pangalan so ikaw pala yun." seryosong sabe ni Maki
"Oo." tipid kong sagot..
"Napaka ganda mo naman tapos ang ganda pa ng name mo. Habang maaga pa pwede kapa mag transfer sa SHOHOKU." pagpapacute ni Mitsui.
"Wag ka makinig dito Amber sira na tuktok nito. Sa SHOHOKU pala kami nag aaral at itong si Maki naman dating captain ng KAINAN na pinalitan ni Jin." sabat ni Ryota.
Ngayon alam ko na kung bakit mabilis kumalat ang balita dahil si Maki pala ang dating captain ng KAINAN. "Nice meeting you sa inyo.....
"Since first time magkaroon ng manager sa KAINAN maari ba naming malaman ang background mo?" tanong ni Maki na parang iniinterview ako..
Mas nakakatakot sya kay coach Takato mabuti na lang at hindi sya ang captain kundi baka umayaw ako ng wala sa oras. "Ano bang gusto mong malaman tungkol sakin?" tanong ko kay Maki.
"May boyfriend kana ba Amber?" diretsang tanong ni Mitsui..
"Loko ka hindi yan ang gusto kong malaman. Naglalaro kaba ng basketball?" tanong ni Maki.
"Oo. Kasali ako dati sa team pati na rin ang ex ko kaso patay na sya." sagot ko na hindi maiwasan malungkot.
"I'm sorry Amber." hinging paumanhin ni Maki..
"Condolence." sabe naman ni Ryota at Mitsui.
"Pwede bang kumain tayo sa labas kasama ang team ng KAINAN, RYONAN, SHOYO at SHOHOKU dahil ipapakilala ka namin sa kanila." seryosong sabe ni Maki.
Bigla akong kinabahan dahil hindi lang sa SHOHOKU kundi sa RYONAN at sa SHOYO nya ako ipapakilala lalo na wala akong kilala sa kanila "Sige." sagot ko na lang...
![](https://img.wattpad.com/cover/261107309-288-k909824.jpg)
BINABASA MO ANG
✅ 𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐂𝐀𝐒𝐓'𝐬 𝐎𝐔𝐓 𝐅𝐄𝐀𝐑
FanfictionAmber Mimoto comes from a rich family who grew up with kind and loving parents, but she is also afraid to fall in love again since her boyfriend Vlademir died.... Is she ready to be inlove again?... Jin is admired by many women because of his abil...