CHAPTER 24

514 103 12
                                    

Kinabukasan pumunta si Jin sa school para kausapin ang principal sinamahan naman sya ni Maki at Kiyota. "Good morning po madam principal." bati ni Kiyota at masama naman syang tinignan ng principal na si Mam Cora.

"Magandang umaga naman." mataray na bati ni Cora kanila Kiyota.

"Ang panget ng principal na to kaya siguro tumandang dalaga." bulong ni Kiyota at siniko naman sya ni Maki

"Ah mam tungkol po sana sa grades ko hindi na po ba ako pwedeng makabawi sa mga bagsak ko?" tanong ni Jin at napatingin naman ang adviser ni Jin na si Mam lucy.

"Mam pwede bang kausapin ko muna si Jin." seryosong sabe ni lucy at pumayag naman ang principal.

"Mam sorry po." hinging paumanhin ni Jin sa adviser nya.

"Alam kong hindi mo gusto at naiintindihan ko yun pwede kapang makabawi pero kailangan mong pumasok para maipasa lahat ng subject na naibagsak mo. Alam ko ang nangyare kay Amber pero hindi mo pwedeng idahilan sa school yun kung bakit di ka nakakapasok. Jin ikaw ang pinaka masipag na estudyante ko kaya laking pagtataka ko ng makitang bagsak ka hindi ko lubos maisip na pababayaan mo ang pag aaral." sabe ng adviser nito.

"Wala na po bang ibang paraan Mam? Pwede naman syang mag exam habang nasa hospital tapos online na lang mam ang turo." sabe ni Maki.

"Pasensya na pero hindi pwede kasi unfair yun sa ibang estudyante lalo na yung iba malalayo pa. Jin I hope na pag isipan mo yung sinabe ko gusto kong makita ka na gagrudauate sayang ang talino mo kung hindi mangyayare yun." seryosong sabe ni Mam lucy saka nagpaalam at naiyak naman si Jin.

"Paano yan pre. May paraan para makahabol ka yun nga lang hindi muna mababantayan araw araw si Amber." sabe ni Kiyota na hindi maiwasan maawa sa kaibigan.

"Kailangan mong pag isipan ang sinabe ni Mam lucy Jin pero kung ano yung tama yun ang sundin mo nandito lang kami." sabe ni Maki.

Walang magawa si Jin kundi umiyak. "Insan." pag tawag ni Shen.

"Bakit nandito ka?" tanong ni Jin.

"Nag aalala kasi ako sayo. Anong sabe ng principal?" tanong agad ni Shen.

"Pumayag ba?" tanong naman ni Moroboshi.

"Hindi pumayag. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko ayokong mamatay si Amber katulad ni Giezel dahil wala ako sa tabe nya para alagaan sya pero ayoko naman bumagsak at hindi maka graduate." sabe ni Jin habang umiiyak.

"Ang hirap naman ng sitwasyon mo." nasabe na lang ni Moroboshi 

"Insan patawad hah wala rin akong magawa para sayo. Hayaan mo pag ako naging principal lahat ng teacher na hindi pumayag tatanggalin ko." sabe ni Shen at natawa naman si Moroboshi.

"Tapang kaya love kita eh." ngiting bulong ni Moroboshi.

"Sige na mauna na kayo. Dito  lang muna ako kakausapin ko lang si coach Takato." sabe ni Jin saka nagpaalam na kanila Maki at Shen para pumunta sa gym.

Pag dating ni Jin sa gym nakita nya si coach Takato na nagsusulat. "Hi coach." bati ni Jin.

"Oh ikaw pala kamusta na si Amber?" tanong ni coach Takato.

"Hindi parin sya okay coach. Anong ginagawa nyo coach gusto nyo po bang tulungan ko kayo." sabe ni Jin..

Kitang kita ni coach Takato na malaki ang problema ni Jin. "Anong problema Jin? Wag kang mahiya magsabe sakin para muna akong tatay."

"Coach hindi ko na po alam kung anong gagawin ko." maya maya'y sabe ni Jin na hindi na napigilan maiyak.

"Ngayon ko na lang ulit nakita ang lungkot sa mga mata mo mula ng mamatay si Giezel. Tungkol ba ito sa grades mo?" tanong ni coach Takato.

"Opo coach baka hindi ako maka graduate kasi hindi ko po kayang iwan si Amber." sagot ni Jin.

"Sa tingin mo ikatutuwa ni Amber na bumagsak ka at hindi maka graduate? Alam mo Jin hindi magiging masaya si Amber oras na magising sya dahil alam mo kung bakit? dahil hindi mo natupad yung pangarap nya para sayo na sabay kayong mag tatapos. Kung  mahal mo sya gagawin mo yun para sa kanya maniwala ka anak pag gising ni Amber magiging masaya sya para sayo kasi natupad mo yung pangarap na gusto nya. Mabait na bata si Amber at alam kong lalaban sya para sa team at para sayo." seryosong sabe ni coach Takato.

"Salamat po coach." sabe ni Jin at niyakap si coach Takato.

"Tahan na anak. Magiging okay din ang lahat basta piliin mo ang tama nandito lang si coach....

Samantala hindi naman mapalagay sila Mitsui at Sakuragi dahil nag aalala sila para kay Jin. "Pumayag kaya." tanong ni Mitsui.

"Kanina kapa ikot ng ikot Mitchi hilong hilo na ako." sabe ni Sakuragi.

"Kamusta na kaya si Jin." nag alala naman na tanong ni Fujima.

"Ang lupet ng tadhana sa kanya biruin mo una si Giezel ngayon si Amber pagkatapos yung pag aaral nya." sabe naman ni Sendoh.

"Alam kong kaya ni Jin strong yun parang si Shen." sabat ni Satomi.

"Wow close kayo ni Shen?" tanong ni Mitsui.

"Oo bakit." mataray na sagot naman ni Satomi.

Nagulat silang lahat ng tumakbo ang nurse at doctor papunta sa room ni Amber. "Doc bakit po. Ano pong nangyare?" tanong ni Hanagata.

"Sumusuka ng dugo si Amber baka hindi na sya mag tagal." sagot ng doctor.

"Wag naman po Doc gawin nyo lahat para kay Amber." sabe ng team.

"Gagawin namin ang makakaya namin wag na kayong pumasok." sabe ni doc

Hindi alam ng team kung tatawagan ba nila si Jin tungkol sa nangyare kay Amber o hindi dahil wala naman silang magawa kundi umiyak na lang at mag dasal para sa kaibigan.

 ✅ 𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐂𝐀𝐒𝐓'𝐬 𝐎𝐔𝐓 𝐅𝐄𝐀𝐑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon