"Sige coach uuwe muna po ako bago ako pumunta sa hospital." sabe ni Jin saka nagpaalam na kay coach Takato.
"Hay naku ang batang yun."
Pag dating ni Jin bumungad sa kanya ang seryosong mukha ng mga magulang nya. "Ginabe ka ata ng uwi? nasaan si Shen?" seryosong tanong ng Mommy ni Jin.
"Nasa hospital po." sagot ni Jin na hindi makatingin ng diretso sa mga magulang nya.
"At anong ginagawa nya sa hospital?" masungit na tanong naman ng Daddy ni Jin.
"For sure tito lumalandi yun sa mga doctor." sabat ni Steff ang pinsan ni Shen at Jin na lumaki sa america.
"Hindi totoo yan. Pwede ba kung wala kang alam wag kang sumagot." inis na turan ni Jin sa pinsan nya.
"Malamang tito pagtatakpan nya si Shen dahil close sila. Hindi nyo nga pala ako tinuring na pinsan kahit kailan dahil si Shen lang ang mabait sayo hindi ba Jin." sabat ulet ni Steff.
"Oo dahil ang sama ng ugali mo. Hindi ba ikaw rin ang dahilan kung bakit naospital si Shen dati dahil hinulog mo sya sa hagdan kaya nga nasa america ang mga magulang nya di ba dahil sayo." sabe ni Jin na hindi mapigilan ilabas lahat ng sama ng loob nya kay Steff.
"Tama na yan." saway ng Mommy ni Jin.
"Totoo ba na hindi kana nakakapasok dahil sa babae?" tanong ng Daddy ni Jin.
"Dad hindi basta babae lang si Amber mahal ko po sya." paliwanag ni Jin at nagulat sya ng sampalin sya ng Daddy nya.
"Pinag aaral kita tapos babae lang ang aatupagin mo? Gumagaya kana rin ba sa mga basketball player na walang pangarap sa buhay." bulyaw ng Daddy ni Jin.
"Hindi lahat ng basketball player walang pangarap sa buhay. Dad sana bago nyo ko sinampal hinayaan nyo muna akong magpaliwanag. Pasensya na dad kung diko kayang higitan kayo, kundi ko kayang maging katulad nyo hindi ako robot dad na susunod sa lahat ng gusto nyo at sana makita nyong pagod na ako pagod na pagod na." umiiyak na lumabas si Jin.
Pumunta si Jin sa hospital para makita si Amber pero laking gulat nya ng makitang nag iiyakan ang team. "Anong nangyare?" tanong ni Jin.
"Critical ang lagay ni Amber but dont worry Jin may awa ang diyos." sagot ni Satomi
"Uuwi na ako gusto kong matulog." sabe nalang ni Jin saka umalis at nagulat sila ng suntukin sya ni Minami.
"Aalis ka alam mong critical si Amber. Akala ko ba mahal mo sya? Wala kana man pala. Ano mas importante paba sayo ang aaral kesa sa buhay ng babaeng mahal mo." galit na bulyaw ni Minami.
"Wala kang alam sa nararamdaman ko Minami hayaan mo nalang muna ako." pakiusap ni Jin.
"Hayaan? Alam mong ikaw ang kailangan ni Amber ngayon tapos aalis ka. Wala kang kwenta Jin mabuti nga namatay si Giezel dahil di mo sya kayang panindigan." sabe ni Minami at sinuntok naman sya ni Jin.
"Wala kang alam nung nagkasakit si Giezel hindi mo alam kung gaano ko sya kamahal tapos sasabihin mo yan. Sana nga ako na lang at hindi silang dalawa pagod na ako Minami hindi ko na alam kung ano uunahin ko pagod na pagod na ako." sabe ni Jin habang umiiyak.
"Pinangarap ko makatapos ng pag aaral, pangarap ko din maging doctor para bigyan lunas yung sakit ni Giezel at Amber. Hindi ako selfish na tao Minami hindi dahil kahit napapagod na ako nandito parin ako kaya sana kahit ngayon lang." sabe ni Jin saka umalis.
"Wala ka nga naman alam." sabat ni Eiji
"Hindi mo dapat ginawa yun lalo na kundi mo kilala kung ano ugali ni Jin." sabe naman ni Sendoh saka umalis.
"Hindi lahat kasing bait ni Jin." seryosong sabe ni Moroboshi kay Minami.
Hindi na lang nag salita sila Sakuragi at Rukawa ganun din si Fujima at Maki. Hinanap naman ni Kiyota at Moroboshi si Jin kasama si Shen at Sendoh.
BINABASA MO ANG
✅ 𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐂𝐀𝐒𝐓'𝐬 𝐎𝐔𝐓 𝐅𝐄𝐀𝐑
FanfictionAmber Mimoto comes from a rich family who grew up with kind and loving parents, but she is also afraid to fall in love again since her boyfriend Vlademir died.... Is she ready to be inlove again?... Jin is admired by many women because of his abil...