CHAPTER 22

582 103 6
                                    

7 o'clock ng umaga sa KITAMURA GENERAL HOSPITAL...

Halos lahat ng team at girls pumunta sa hospital dahil ngayong araw isasagawa ang chemotherapy kay Amber. "Kinakabahan ako." sabe ni Haruko na hindi mapalagay.

"Ako rin. Sana kayanin ni Amber." sabe naman ni Sasaki.

"Babe kaya ni Amber yun wag kana mag alala." anya ni Fujima sa girlfriend nya.

"Insan." pag tawag ni Shen ng makitang nakayuko si Jin.

"Wag ka mag alala Jin kaya ni Amber yun strong yun tulad mo." seryosong sabe ni Moroboshi.

"Salamat hindi ko maiwasan mag alala para sa kanya. Sana ako nalang yung nagkasakit at hindi sya para di ko nakikita na nahihirapan sya."

"Sabe sakin ni Amber kakain daw kami sa labas pag galing nya kaya for sure magpapagaling yun." sabat ni Kiyota.

"Bakit ba kayo umiiyak. Alam nyo hindi kayo dapat pang hinaan ng loob maging positive kayo dahil si Amber lumalaban sa sakit nya kung yan ang ipapakita nyo sa kanya sa tingin nyo magiging okay sya? lalo kana Jin." singit ni Satomi sa usapan.

"Tama sya." sang ayon ni Maki at Sendoh.

"Eh sa nakakaiyak." sagot naman ni Kiyota.

"Ang babaw ng luha ng unggoy na to." bulong ni Sakuragi.

"Parang ikaw hindi hah." pang iinis naman ni Rukawa

"I'm sorry." sabe na lang ni Jin saka lumabas.

"Sundan mo." utos ni Minami kay Eiji.

"Ayoko." sagot naman ni Eiji.

"Ako na." wika ni Moroboshi saka tumakbo para sundan si Jin.

"Nagpapalakas talaga naman." naiinis na sambit ni Fukatsu.

Kinausap ni Moroboshi si Jin sa labas habang umiiyak ito. "Ang hirap pala magpanggap na strong ka sa harap ng marami kahit na ang totoo mahina ka." sabe ni Jin habang umiiyak.

"Di naman masama maging mahina minsan. Lalo na kapag pagod kana pero kailangan mong maging strong para sa taong mahal mo." seryosong sabe ni Moroboshi.

"Bakit si Amber pa bakit sya pa." tanong ni Jin sa sarili nya.

"Kasi may purpose si God kung bakit sya. Hindi man natin alam kung ano purpose nya pero mag tiwala ka sa kanya." sagot ni Moroboshi.

"Nagmahal kana ba?" tanong ni Jin.

"Oo dati pero hindi naging kami malupet ang tadhana sakin. Mas pinili kong masaktan kesa maging masaya para sa bestfriend ko." kwento ni Moroboshi.

"Si Marco sya yung bestfriend mo di ba? Bakit hinayaan mo na mapunta sa kanya si Maxine?" tanong ni Jin.

"Mahal nya eh. Nakakatawa nga sabe nya wag ko daw liligawan pero sya pala tong nanligaw kay Maxine pero okay na sakin yun dahil sa love willing akong mag risk." naiiyak na kwento ni Moroboshi.

"Hindi ko alam na ganyan ka pala kabait." sabe ni Jin at ngumiti naman si Moroboshi.

"Pwede bang mag kwento ka about kay Shen. Alam mo Jin ngayon lang ako naging masaya dahil sa pinsan mo." sabe nito at napangiti naman si Jin.

"Alam mo si Shen simpleng babae lang yan walang arte sa katawan hindi nga yan maluho kahit na nasa ibang bansa magulang nya." kwento ni Jin.

"Talaga? Nung una ko syang makita sa bahay nila Maki nagandahan agad ako sa kanya paano ba naman kasi sya lang yung nag iisang babae na nakapalumbaba." natatawang sabe ni Moroboshi.

"Habit nya kasi yun malakas rin mag hilik yun at malikot matulog kaya nga pag katabe ko yun masakit lage katawan ko." kwento ni Jin at tumawa naman si Moroboshi.

"Hindi mo naman sinisiraan ang pinsan mo sakin?" tanong ni Moroboshi.

"Sabe mo mag kwento ako yun ang totoo Moroboshi ano gusto mo paba sya?" tanong naman ni Jin.

"Hindi ko sya gusto kasi gustong gusto ko sya. Jin wala akong pakialam kung malakas sya maghilik pwede naman ako mag takip ng tenga, wala rin akong pakialam kong malikot sya matulog pwede ko naman syang yakapin kasi kung talagang mahal mo ang isang tao tanggap mo kung ano sya at kung sino sya." seryosong sabe ni Moroboshi..

"Tama ka dyan ipapasa na ba kita?" ngiting tanong ni Jin.

"Ikaw basta ba bukal sa puso mo yan." sabe ni Moroboshi at nagtawanan ang dalawa.

"Aba mukhang nagkakasiyahan kayo dyan." bungad ng team.

"Ano Jin okay kana ba?" tanong ni Fujima.

"Oo okay na ako thanks kay Moroboshi." ngiting sagot ni Jin.

"Bakit si Moroboshi?" tanong ni Shen.

"Wala insan masaya lang kausap si Dai." sagot ni Jin.

"Pasok na kayo sa loob." utos ni Maki sa team.

"Alagaan mo sya hah tulad ng pag aalaga ko sa kanya." bulong ni Jin kay Moroboshi...

"Makakaasa ka." sagot naman nito at ngumiti kay Shen.

"Ano kayang nangyayare?" napapatanong na lang si Shen ng makitang nagbubulungan ang dalawa.

Natutuwa si Moroboshi dahil nakuha nya ang respeto ni Jin. "Bakit ka nakangiti?" tanong ni Minami kay Moroboshi.

"Wala." sagot ni Moroboshi saka pumasok sa loob.

"Wala daw pero kung makangiti abot hanggang langit.

"Baka dahil kay Shen?" usisa naman ni Sendoh.

"Baka dahil sakin." sagot ni Rukawa at nagtawanan ang team.

Pumasok sila sa loob at naisipan nilang lahat na mag pray para kay Amber...

 ✅ 𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐂𝐀𝐒𝐓'𝐬 𝐎𝐔𝐓 𝐅𝐄𝐀𝐑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon