Masayang naglalakad ang dalawa ng may tumawag sa pangalan ni Jin. "Jin." pagtawag ni Shen..
"Oh ikaw pala pauwi kana rin ba?" tanong ni Jin.
"Hindi pa. Uyyy sino yang magandang dilag na kasama mo beke nemen gusto mo ko pakilala." ngiting sabe ni Shen sabay tingin kay Amber.
"Ah Shen si Amber ahm Amber si Shen pinsan ko." pagpapakilala ni Jin.
"Hi nice meeting you. Alam mo may kamukha kang artista di ko lang mawari kung sino pero teka single kaba? Alam mo kasi itong pinsan ko single din." madaldal na kwento ni Shen at natawa naman si Amber.
"Shen ano kaba naman nakakahiya kay Amber." inis na bulong ni Jin sa pinsan nya.
"Nice meeting you din magpinsan pala kayo dont worry single ako." ngiting sagot ni Amber.
"Yun naman pala. Alam mo ba tong pinsan ko never nakipag flirt yan sa mga babae si Giezel nga lang pinapansin nya tama ba insan." natatawang turan ni Shen habang naiinis naman si Jin.
"Oo na pwede ba hahatid na kita baka mamaya kung ano pa masabe mo kay Amber." seryosong sabe ni Jin at hinawakan ang pinsan nya.
"Sandali nakikipag kwentuhan pa ako kay Amber eh. Bakit nga pala single ka Amber ang ganda ganda mo tapos mukha kapang mabait wala kabang crush?" tanong ni Shen habang nakatingin kay Jin.
"Meron akong crush kaso di ko lang alam kung crush din nya ako lage kasi sya masungit sakin pero minsan mabait naman." sagot ni Amber.
"Wag mo sabihin si insan yun? Alam mo kasi ganyan talaga yan kapag may crush susungitan nya sa umpisa tapos lalambingin sa huli pero mabait to." kwento ni Shen.
"Pwede ba Shen wag kang madaldal." naiinis na pakiusap ni Jin.
"Talaga ba Jin ganun ka? Kaya pala masungit ka sakin." ngiting sabe ni Amber.
"Alam nyo may masarap na pagkain dito kain tayo gutom na ako." sabe nalang ni Jin saka naglakad mag isa.
Natatawa nalang si Shen at Amber kay Jin dahil kitang kita ng dalawa ang pamumula ng mukha nito. "Naku nahihiya sayo yan Amber sana nga si insan nalang ang crush mo bagay kayo." sabe ni Shen at humawak sa braso ni Amber.
"Gusto mo ba ako para sa pinsan mo?" tanong ni Amber.
"Aba oo naman and for sure magugustuhan ka rin nila tito at tita. Simula kasi ng pumunta sa states ang pamilya ni Jin lage na lang itong mag isa sabagay di nga naman masaya kapag di mo kasama ang parents mo hanggang sa sumali sya ng basketball dun sya nagkaroon ng mga kaibigan. Hindi kasi talaga yan nakikipag kaibigan lalo na sa mga babae pero ng makilala nya si Giezel ayun nainlove sya kaso naman iniwan sya. May sakit kasi si Giezel sayang nga eh minsan nalang magmahal si insan namatay pa pero ayos lang yun nandyan kana man." masayang kwento ni Shen.
Ngumiti nalang si Amber pero natutuwa sya dahil madali nyang nakapalagayan ng loob ang pinsan ni Jin na si Shen. "Oh order na kayo libre ko." sabe ni Jin.
"Ako na taya insan treat ko na to dahil nakilala ko si Amber ang super duper pretty na kaibigan ni insan." natutuwang sabe ni Shen.
"Sobra kana man super na duper pa thank you Shen." anya ni Amber sabay ngiti sa dalawa.
Umorder si Shen habang hinihintay ng dalawa ang order tumabi naman si Jin kay Amber. "Pasensya kana sa pinsan ko ang daldal ganyan talaga sya friendly na tao." nahihiyang sabe Jin.
"Okay lang masaya nga ako sa kanya kasi hindi sya boring kausap." sagot ni Amber.
"Aray boring ba ako." tanong ni Jin.
BINABASA MO ANG
✅ 𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐂𝐀𝐒𝐓'𝐬 𝐎𝐔𝐓 𝐅𝐄𝐀𝐑
FanfictionAmber Mimoto comes from a rich family who grew up with kind and loving parents, but she is also afraid to fall in love again since her boyfriend Vlademir died.... Is she ready to be inlove again?... Jin is admired by many women because of his abil...