CHAPTER 32

822 107 24
                                    

FINALE

Masayang masaya si Jin dahil ang buong akala nya hindi na babalik pa si Amber pero dahil sa tulong ni Moroboshi, Eiji, Fukatsu at Morishige kung bakit nya ngayon kasama ang babaeng mahal nya..

"Maraming salamat sa inyo. Alam kong hindi tayo magkaka team pero pinakita nyo sakin na hindi lang sa team makikita ang tunay na kaibigan kundi nasa ibang school din. Moroboshi ingatan mo ang pinsan ko mahal ko yan. Maling mali ako sa part na hindi kita pinagkatiwalaan dahil napakalaki ng puso mo lalo na sa mga taong mahal mo. Salamat sa lahat ng tulong mo para sakin hindi ko man yun masuklian pinapangako ko sayo na mananatili akong mabuting kaibigan sayo thank you." seryosong sabe ni Jin at niyakap sya ni Moroboshi.

"Wala yun kahit na man hindi mo pinsan si Shen tutulong parin ako dahil gusto ko makita na masaya si Amber at ikaw. Sabe ko nga di ba kung para sa kanila wala kayong happy ending bakit hindi ko gawin happy ending ang story na to. Isa pa nakita ko sayo kung gaano mo kamahal si Amber at walang dahilan para hindi ka maging masaya dahil deserve mo yun Jin." sabe ni Moroboshi at naiyak naman si Shen at ang team.

"Ang bait talaga nyang si Dai." bulong ni Mitsui.

"Hindi mo tularan." sagot ni Rukawa at nagtawanan sila Maki at Sendoh.

Lumapit naman si Jin kay Steff at kinausap ito. "Simula pagkabata lumaki tayong magkakasama pero nung mag aral ako dito sa KANAGAWA at si Shen naiwan ka sa america. Sorry Steff hindi ka naprotektahan ni pinsan, sorry kung wala ako sa tabe mo kapag kailangan mo ko at si Shen. Kung gaano ko kamahal si Shen ganun din kita kamahal Steff kaya wag mong iisipin na hindi ka mahal ni pinsan hah. Thank you sa lahat dahil pinasaya mo ko babawi ako sayo pangako yan I love you." naiiyak na sabe ni Jin at niyakap si Steff.

"Kulang pa yun sa lahat ng kabutihan nyo ni Shen sa akin. I love you sa inyo ni Shen mahal ko kayo." mahinang sabe ni Steff at hinalikan sya ni Jin sa noo..

"Sana lahat ng pinsan ganyan." bulong ni Sakuragi.

"Bakit Sakuragi hindi ba ganyan pinsan mo sayo?" tanong ni Hikoichi.

Tumawa lang si Sakuragi bilang sagot sa tanong ni Hikoichi. Nilapitan din ni Jin si Shen na tinuring nyang kapatid dahil sila ang araw araw na magkasama. "Hindi ko na siguro kailangan mag speech dahil lage naman tayo magkasama." natatawang sabe ni Jin at hinampas sya ni Shen.

"Kakainis ka." nakasimangot na turan ni Shen..

"Biro lang. Alam mo sobrang saya ko dahil ikaw ang pinsan ko marame ka man kalokohan sa katawan na kung minsan hindi ko na masakyan pero wala eh pinsan kita, minsan nga naisip ko bakit kaya may pinsan akong hindi matino pero ang totoo araw araw mo kong napapasaya Shen walang araw na hindi mo ko inaasar nakakainis lang kasi hindi ka napipikon samantalang ako lageng asar talo sayo.

"Shen sorry kung nag higpit ako sayo pero naiintindihan mo naman yun kung bakit ko yun ginawa diba. Mahal kita at ayoko na masasaktan ka dahil oras na mangyare yun mas masasaktan ako pero ngayon alam kong nasa tamang lalaki kana. Mag behave kana hah nagiging aso kapa naman sa gabe." pang aasar Jin at niyakap nya si Shen.

"Hindi ko alam kong iiyak ako o maiinis sa mga sinabe mo. Thank you insan mahal na mahal kita basta lage mo tatandaan na lage lang ako nandito para sayo para asarin ka este para patawanin ka." ngiting sabe ni Shen..

Nagulat sila ng lapitan ni Jin si Kiyota. "Bakit pre?" tanong ni Kiyota.

"Ako nga ang captain ng team pero mas matured kapa pala mag isip sakin. Akala ko ng mawala si Maki may dahilan na ako para umalis, nagkamali ako dahil mas may dahilan pala ako para mag stay dahil nandyan kayo. Kiyota pagka graduate ko ikaw ang gagawin kong captain ng team okay lang ba yun sayo?" tanong ni Jin at naiyak si Kiyota sa tuwa.

 ✅ 𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐂𝐀𝐒𝐓'𝐬 𝐎𝐔𝐓 𝐅𝐄𝐀𝐑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon