Nakatulog sila Sendoh, Fujima at Maki sa bahay nila Amber dahil sa kalasingan. "Sige na nga dyan na kayo matulog hay baka magalit sakin ang mga girlfriend nila." sabe ni Amber at kinumutan ang tatlo.
Nine o'clock ng umaga...
"Good morning." bati ni Maki...
"Teka bakit magkakasama tayo?" takang tanong ni Fujima.
"Ang lupet nyo pinag samantalahan nyo ko paano na lang ang puri ko." natatawang sabe ni Sendoh.
"Kanino bang bahay to sakit ng ulo ko." sambit ni Maki at tumayo
"Good morning nagluto ako ng soup para mawala yang hang over nyo. Pasensya na kayo dito ko na kayo pinatulog hindi ko rin kasi alam ang bahay nyo isa pa diko rin kaya kayong tatlo dahil lasing kayo." paliwanag ni Amber.
"Naalala ko na hinatid ka namin. May nangyare ba satin?" tanong ni Sendoh..
"Loko ka hindi ka papatulan nyan si Amber pa para kay Jin lang yan di ba Amber." ngiting sabe ni Maki.
"Kumain na kayo para makapasok na kayo kasi need ko pumasok ng maaga baka magalit si coach at Jin sakin." utos ni Amber sa tatlo.
"Wag ka mag alala kay coach at Jin ako bahala sayo." sabe ni Maki.
Nang matapos kumain sabay sabay silang pumunta sa school para ihatid si Amber. "Bakit kasama ni Maki si Amber." tanong ni Kiyota kay Jin.
Hindi naman sumagot si Jin at nagtaka sya ng makita na kasama rin si Sendoh at Fujima. "Good morning pasensya na kung na late ako hindi na maulit." hinging paumanhin ni Amber.
"Okay lang naman yun Jin diba natulog kasi kami sa bahay ni Amber nalasing kaming tatlo kaya di na kami nakauwi." seryosong paliwanag ni Maki.
"Okay." sagot na lang ni Jin at nagtungo sa locker room..
"Galit ata." bulong ni Sendoh.
"Sinabe mo pa kasi Maki na dun tayo natulog baka nagselos." sabe naman ni Fujima.
"Okay lang yun mas maganda ng malaman nya. Si Jin ang taong matured mag isip." wika ni Maki at nagpaalam na sa team..
"Amber totoo ba dun sila Maki natulog sa inyo?" tanong ni Kiyota.
"Oo Kiyota kasi nag inuman sila hindi ko naman akalain na malalasing sila." sagot ni Amber.
"Practice na Kiyota mamaya kana makipag daldalan." seryosong sabe ni Jin at masamang tinignan si Amber.
"Oo pre. Sige Amber practice lang ako maya usap tayo." ngiting sabe ni Kiyota.
Tumango na lang si Amber habang nakatingin kay Jin. "Mukhang di maganda ang gising nya bakit kaya." tanong ni Amber...
Nang matapos ang practice kinausap ni coach Takato ang mga players habang nagsusulat naman si Amber. "Sa susunod na linggo may laban kayo sa NISHA HIGH." seryosong sabe ni coach Takato.
"Sus wala naman sinabe yung mga yun makikita nila kung gaano kagaling ang super rookie ng KAINAN." pagyayabang ni Kiyota.
Pagkatapos kausapin ni coach Takato ang team agad na itong nagpaalam. Dire-diretso naman si Jin na lumabas ng gym. "Jin." pagtawag ni Amber...
"Bakit may kailangan kaba?" tanong ni Jin.
"Wala naman gusto ko lang sabihin na galingan mo."
"Thank you." sagot nalang ni Jin saka naglakad...
"Okay ka lang ba Amber?" tanong ni Miyamasu...
"Ganyan talaga si Jin masanay kana Amber pero mabait yan di ba pre." anya ni Kiyota.
"Oo mabait yan si Jin." sang ayon naman ni Miyamasu..
"Masungit ba talaga sya? Bakit ganun? kayo naman kinakausap nya pero ako parang di nya madalas kausapin." napapaisip ni Amber.
"Baka nahihiya sayo malay mo type ka ni Jin." kantiyaw ni Kiyota.
Hindi na lang kumibo si Amber at nagpaalam na sya kay Kiyota at Miyamasu. Pag labas nya nakita nya si Jin na nakatambay sa labas ng gate. "Hinihintay nya siguro girlfriend nya." napapaisip na tanong ni Amber saka naglakad.
"Uuwi kana ba?" tanong ni Jin habang naka pikit.
"Hah ako ba?" tanong naman ni Amber.
"May iba pabang Amber dito." ngiting sagot ni Jin saka dumilat.
"Oo uuwi na ako ikaw ba?" tanong ni Amber.
"Uuwi na kaso hinihintay kita." sagot ni Jin.
"Hinihintay mo ko? Bakit?" takang tanong ni Amber.
"Kasi ayoko umuwi ka mag isa. Halika dun tayo ayoko may makakita sakin nakakapagod ngumiti sa ibang tao." seryosong sabe ni Jin at hinawakan ang kamay ni Amber.
Hindi maintindihan ni Amber ang ibig sabihin ni Jin kaya sumama na lang sya. "Gusto mo?" alok ni Jin at binigay kay Amber ang tinapay nya.
"Para sayo to bakit mo binibigay sakin." tanong ni Amber.
"Kamusta naman ang pagtulog nila Maki sa bahay mo? Mabuti pa sila nakatulog sa bahay mo." sabe ni Jin na hindi maiwasan mag selos.
"Nalasing kasi sila. Ahhm galit kaba?" tanong ni Amber.
"Hindi naman bakit naman ako magagalit...
"Hindi ka galit pero di mo ko matignan. Kundi ka galit ano lang?" tanong ulit ni Amber.
"Ang sarap ng tinapay noh gawa yan ng pinsan ko." sabe ni Jin.
"Oo masarap." sagot na lang ni Amber dahil binago ni Jin ang usapan.
"Bakit mo minahal si Vladimir?" seryosong tanong ni Jin.
Nalungkot naman si Amber dahil naalala nanaman nya ang ex nyang si Vladimir. "Minahal ko sya kasi mabait sya wala syang nakikitang ibang babae kundi ako. Walang maganda para sa kanya kundi ako kahit na minsan ang childish ko." kwento ni Amber.
"Kung sakali ba na mabubuhay sya ulit sasaya kaba?" tanong ni Jin.
"Oo naman sobra." sagot naman ni Amber.
"Sana nabuhay na lang sya para makita ko na masaya ka." seryosong sabe ni Jin.
"Hala masaya naman ako at tanggap ko na Jin masaya ako dahil nakilala ko ang team at ikaw." sagot ni Amber.
Ngumiti na lang si Jin at tinitigan si Amber. "Ang ganda mo first time ko pumuri ng babae hindi ko rin kasi nasabe kay Giezel kung gaano sya kaganda." sabe ni Jin.
"Thank you. Alam mo ang swerte nung Giezel kasi mahal na mahal mo sya sana nga noh nabuhay na lang sya para makita ko rin ang ngiti sa mukha mo....
"Masaya naman ako kasi may isang taong nagpapasaya sakin. May dahilan siguro si God kung bakit sya kinuha sakin hindi man naging kami masaya na ako dahil alam kong masaya na rin si Giezel ngayon. Alam mo Amber itinadhana siguro tayo na magkakilala....
"Dahil pareho tayo ng pinag dadaanan? Jin handa kabang magmahal ulit?" tanong ni Amber.
"Oo naman masarap magmahal lalo na kapag alam mong mahal ka rin ng taong mahal mo." sagot ni Jin.
"Tama ka magmamahal naba ako." sabe naman ni Amber sabay ngiti kay Jin.
"Sino naman kung sakali siguro si Sendoh ang type mo o si Fujima sabagay gwapo rin yung mga yun magaling pa maglaro....
"Hindi sila." nakasimangot na turan ni Amber.
"Hindi sila edi ibig sabihin meron nga? Akala ko nagbibiro ka lang sino bang crush mo?" tanong ni Jin.
"Basketball player din sya mabait gwapo tska....
"Tsaka ano?" tanong ni Jin.
"Uwi na tayo naalala ko may gagawin pala ako." pagsisinungaling ni Amber saka naglakad.
Napapakamot na lang si Jin saka naglakad din para sabayan si Amber. "Sino kaya crush nya." napapatanong ni Jin sa isip nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/261107309-288-k909824.jpg)
BINABASA MO ANG
✅ 𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐂𝐀𝐒𝐓'𝐬 𝐎𝐔𝐓 𝐅𝐄𝐀𝐑
FanfictionAmber Mimoto comes from a rich family who grew up with kind and loving parents, but she is also afraid to fall in love again since her boyfriend Vlademir died.... Is she ready to be inlove again?... Jin is admired by many women because of his abil...