CHAPTER 10

743 105 7
                                    

Pag gising ni Amber nagtaka sya ng wala na ang team. "Nasaan na sila....

"Maaga silang umalis hindi na sila nagpaalam sayo dahil ayaw nila istorbohin ang tulog mo." sagot ni Jin.

"Ah ganun ba sige magluluto lang ako ng almusal natin....

"Ah Amber ano kasi." halos hindi makatingin si Jin kay Amber.

"Bakit may problema ba?" tanong ni Amber.

"Pwede bang mag bra ka muna." utos ni Jin habang nakayuko.

Napansin naman ni Amber na wala nga syang bra. "Sorry." nasabe nalang nya saka nagmamadaling pumasok sa loob ng kwarto.

"Ano ba yan nakakahiya si Jin pa talaga nakakita na wala akong bra." sambit ni Amber.

Pag labas nya nakita nyang nag titimpla na ng kape si Jin. "May creamer ba ang coffee mo?" tanong nito.

"Oo." sagot nya na hindi makatingin kay Jin.

"Ako na lang magluluto ng almusal natin dont worry hindi ako nakakasunog....

Habang nagluluto si Jin hindi maiwasan ni Amber na tignan ito. "Napaka gwapo nya para syang si Vladimir."

"Pwede bang paabot nun." utos ni Jin.

Inabot naman ni Amber ang sausage kay Jin at ngumiti naman ito. "Thank you..

Nang matapos mag luto sabay silang kumain. "Alam mo pinagluluto rin ako ni Vladimir para syang ikaw tapos ang sarap mo pa mag timpla ng kape." seryosong sabe ni Amber.

"Talaga pwede na pala ako maging si Vladimir." biro ni Jin at natawa naman si Amber.

"Ahhm Jin kung patay na si Giezel magmamahal kapa ba? Ibig ko sabihin may crush kaba? pasensya kana kung natanong ko maswerte lang kasi yung babaeng mamahalin mo....

"Hindi ko parin naman nakalimutan si Giezel pero may isang tao na nagpapasaya sakin ngayon kaya lang malabo rin na magustuhan ako nun kaya hanggang tingin na lang." sagot ni Jin.

"Sino naman?" tanong ni Amber.

"Sasabihin ko sayo kung sasabihin mo rin sakin kung sino crush mo." sabe ni Jin at napasimangot naman si Amber.

"Ang daya mo sige ganito sabay tayo okay....

"Okay sige sabay tayo....

" 1
" 2
" 3

"IKAW." sagot ng dalawa.

Nagulat si Amber pati si Jin dahil pareho pala nilang crush ang isat isa. "Ako?" tanong ni Jin.

"Ako rin?" tanong naman ni Amber.

Natawa sila pareho at ipinagpatuloy ang pagkain. Pareho silang walang imikan habang naglalakad papuntang school.  "Bhie." pagtawag ni Minami.

"Minami. Anong ginagawa mo rito?" takang tanong ni Amber.

"Nalaman ko kay tita at tito na sa KANAGAWA kana daw nag aaral bakit di mo manlang ako sinabihan." sabe ni Minami at niyakap si Amber.

Nakaramdam naman ng inis si Jin dahil sa ginawa ni Minami. "Ahm Minami sandali....

"Hindi mo ba ako namiss. Alam mo bang nag tatampo ako sayo ni hindi mo manlang ako tinawagan o tinext." turan ni Minami.

"Sorry na biglaan kasi ayoko naman talaga umalis ng OSAKA kaya lang yun yung gusto nila Mama. Ahm Minami si Jin nga pala." pagpapakilala ni Amber.

"Kilala ko na yan. Okay naba yang puso mo?" tanong ni Minami kay Amber.

 ✅ 𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐂𝐀𝐒𝐓'𝐬 𝐎𝐔𝐓 𝐅𝐄𝐀𝐑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon