SUNDAY....
Maagang nagising si Amber dahil ngayong araw sya pupunta sa OSAKA para dalawin ang mga magulang nya. Pag labas nya nakita nya si Jin na naka sumbrero at naka t-shirt..
"Ang gwapo naman nya." bulong ni Amber.
"Good morning pasensya kana sa suot ko hindi pa kasi ako nakakapag laba." nahihiyang bati ni Jin.
"Ano kaba okay lang gwapo kana man sa suot mo." puri ni Amber at ngumiti naman si Jin.
"Thank you hindi ko akalain na bolera ka pala...
"Hindi hah gwapo kana man talaga totoo yun Jin."
Ngumiti na lang si Jin at sabay silang nag lakad. Natutuwa si Amber dahil napaka gentleman ni Jin lalo na nung sumakay sila ng tren at makita ni Jin na may nakatayong matanda. "Dito na po kayo nay." sabe nito sa matanda at ngumiti naman si Amber.
"Salamat iho."
"Grabe ang gwapo ni Jin...
"Sya yung player ng KAINAN si Soichiro Jin grabe nandito sya sa tren...
"Jin....
Halos kiligin lahat ng babae sa loob ng tren ng makita si Jin kaya naman yumuko na lang si Jin sa hiya. Natatawa na lang si Amber dahil napaka rami pala ng fans nito kahit na sa ibang school....
"Okay ka lang?" tanong ni Amber kay Jin..
"Nahihiya ako." bulong ni Jin at natawa na lang si Amber.
Pagbaba nila hinabol ng mga babae si Jin para magpa picture at magpa autograph. "Jin papicture....
"Jin pakiss...
"Jin pwede payakap...
"Pasensya na nagmamadali kasi kami next time na lang sorry po ulit." hinging paumanhin ni Jin saka hinawakan ang kamay ni Amber para umalis.
"Bakit di mo sila pinagbigyan di naman ako nagmamadali." takang tanong ni Amber.
"Pag may kasama ako hindi ko iniiwan at kapag may kasama ako wala akong pakialam sa iba." seryosong sagot ni Jin.
"Ang sweet mo naman....
"Kinilig kaba?" ngiting tanong ni Jin.
Hindi na nagsalita si Amber dahil kinikilig sya. Pag dating nila laking tuwa ng magulang ni Amber ng makita sya. "Anak miss na miss kana namin patawarin mo kami kundi kami makapunta sa apartment mo busy kasi talaga." sabe ng mama ni Amber at niyakap ang anak.
"Ayos lang yun Ma naintindihan ko kayo ni Papa...
"Sino sya Amber napaka gwapo naman ng batang to." tanong ng Papa nya ng makita si Jin.
"Magandang umaga po ako po si Soichiro Jin." pagpapakilala ni Jin at nagmano sa mga magulang ni Amber.
"Napaka gwapo mo iho at napaka galang. Sa KANAGAWA ka rin ba nag aaral?" tanong ng mama ni Amber.
"Opo." tipid na sagot ni Jin.
"Actually Ma sa KAINAN sya nag aaral isa sya sa pinaka magaling na manlalaro ng KANAGAWA sya rin ang pumalit kay Maki bilang captain." kwento ni Amber at namangha ang Papa nito..
"Talaga nakakatuwa naman. Kumain na muna kayo at nagluto ako ng paborito mong pagkain Amber." sabe ng Mama nito at pumasok na sila sa loob...
Nakita ni Jin ang portrait ng isang lalaki kaya naisip nyang ayun ay si Vladimir. "Ang gwapo rin pala nya kung nabubuhay siguro sya hindi ko makikilala si Amber." sabe ni Jin habang nakatingin sa portrait.
"Si Vladimir yan sya ang ex ni Amber. Mula ng mamatay yan parang namatay na rin si Amber kaya nag desisyon kami na ilayo sya dito sa OSAKA. Araw araw wala syang ginawa kundi umiyak nakalimutan na rin nyang mahalin ang sarili nya." kwento ng Papa ni Amber kay Jin.
"Ano pong kinamatay nya?" tanong ni Jin.
"May brain tumor sya huli na bago namin nalaman. Napaka sipag at napaka bait na bata ni Vladimir kaya hindi kami makapaniwala na sya pa ang kakapitan na ganung kalalang sakit....
"Bakit nga po kaya kung sino pa yung mabuti ang puso sya pa yung kinukuha ni lord." naiiyak na tanong ni Jin ng maalala si Giezel.
"Namatayan ka rin ba Jin...
"Opo ang kaso hindi ko po nasabe sa kanya yung nararamdaman ko bago sya bawian ng buhay. Nung una po naka survive naman pero di nag tagal binawian na ng buhay. Sobra po akong nagsisi dahil di ko man lang nasabe sa kanya na mahal ko sya na gusto ko sya." naiiyak na kwento ni Jin.
Niyakap ng papa ni Amber si Jin at nakita naman yun ni Amber. "Mahal parin kaya nya si Giezel." napapatanong ni Amber habang nakatingin sa gawi ni Jin.
Sabay sabay silang kumain habang nagkukwento naman ang Mama ni Amber. "Nga pala Jin may girlfriend kana ba?" tanong nito.
"Wala pa po." sagot ni Jin.
"Sa gwapo mong yan wala kang girlfriend mga bulag siguro ang mga babae sa KANAGAWA....
Natatawa si Jin sa Mama ni Amber samantalang si Amber naman wala sa mood. "Tapos na po ako kumain." sabe ni Amber saka tumayo.
Nagtaka tuloy si Jin kaya naman tumayo sya para sundan si Amber sa labas. "Ang anak mo umiibig na ulit."
"May problema ba?" tanong ni Jin.
"Wala naman." tipid na sagot ni Amber.
"Bakit malungkot ka kung wala? Ang sabe sakin ni Maki kapag malungkot ang babae at sumagot ng wala ibig sabihin kabaligtaran ang sinasabe nila." seryosong sabe ni Jin.
"Jin...
"Ano po yun?" tanong ni Jin.
"Mahal mo paba sya?" tanong ni Amber.
"Sino?" tanong ulit ni Jin.
"Si Giezel....
"Bakit mo biglang natanong yan?" nagtatakang tanong ni Jin.
"Wala naman. Ayos lang naman kundi mo sagutin...
"Ikaw mahal mo paba si Vladimir?" seryosong tanong naman ni Jin.
"Inaamin ko mula ng lumipat ako sa KANAGAWA unti unti kong nakalimutan si Vladimir dahil sayo. Akala ko imposible kong makalimutan sya pero posible pala hindi ko alam Jin kung dapat ko bang sabihin sayo yun dahil alam ko naman na si Giezel parin ang laman ng puso mo." sabe ni Amber
"Paano mo naman nalaman na sya parin?" tanong ni Jin.
"Narinig ko ng magkausap kayo ni Papa. Okay lang naman sakin yun. Nga pala thank you sa pagsama sakin dito.....
"Ang sabe ko nun kung may darating man sana hindi na nya kunin kasi ayoko ng masaktan dahil minsan lang ako magmahal. Pero ng makilala kita natakot ako na sumubok ulit kasi baka kunin ka rin nya baka panandaliang saya lang tapos pag gising ko wala kana natatakot ako na mawalan ulit Amber." naiiyak na paliwanag ni Jin...
Niyakap ni Amber si Jin at hindi nya napigilan na maiyak. "Hindi ako mawawala sayo Jin hindi ako aalis at lalong di ako mamatay hindi kita iiwan tulad ng pag iwan ni Giezel sayo." sabe ni Amber.
"Hindi man ako si Vladimir na pinag alayan mo ng buong puso pangako hindi kana ulit iiyak hindi rin kita iiwan Amber....
"Thank you Jin wag kana umiyak di yan gusto ni Giezel." ngiting sabe ni Amber.
"Umiiyak ka rin di rin yan gusto ni Vladimir." ngiting sabe rin ni Jin.
"Kung nasaan man si Vladimir nagpapasalamat ako sa kanya dahil nakilala kita siguro nga may dahilan kung bakit ako pinapunta sa KANAGAWA para makilala ka.....
"Siguro nga may dahilan ang lahat pero isa lang ang dahilan na alam ko MAHAL KITA." sabe ni Jin at kinilig naman si Amber.
"Mahal din kita Jin...
"Thank you for coming into my life Amber." bulong ni Jin at ngumiti naman si Amber.
BINABASA MO ANG
✅ 𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐂𝐀𝐒𝐓'𝐬 𝐎𝐔𝐓 𝐅𝐄𝐀𝐑
FanfictionAmber Mimoto comes from a rich family who grew up with kind and loving parents, but she is also afraid to fall in love again since her boyfriend Vlademir died.... Is she ready to be inlove again?... Jin is admired by many women because of his abil...