Bumalik si Jin at Amber at laking gulat nila ng makitang tulog na ang lahat. "Mukhang wala ng space Amber sa labas na lang ako matutulog." sabe ni Jin.
"May space sa kwarto ko okay lang ba sayo?" tanong ni Amber.
"Ano? Sa kwarto mo? Amber ano kasi....
"Jin dont worry hindi naman tayo magkatabi okay lang ba sayo sa sofa kasi may sofa naman sa loob ng kwarto ko kesa naman sa sahig ka mahiga lalamigin pa yung likod mo." paliwanag ni Amber.
Natuwa naman si Jin dahil concern pala si Amber sa kanya. "Sige thank you Amber..
Inayos ni Amber ang tutulugan ni Jin. Hindi naman alam ng dalawa na nagtutulog tulugan lang ang team. "Ang hirap magpanggap na tulog." bulong ni Ryota.
"Kulot umurong kana man dun ang sikip." pag rereklamo ni Sakuragi.
"Ikaw nga pinaka maluwag ang higaan nagrereklamo kapa dyan." sabat naman ni Mitsui.
"Ang ingay nyo pag kayo narinig sinasabe ko sa inyo sisipain ko kayo palabas." pagtataray ni Satomi kaya naman tumahimik sila Mitsui.
"Bakit parang maingay?" nagtatakang tanong ni Amber.
"Narinig mo rin?" tanong ni Jin.
Lumabas sila ng makita na naghihilik naman ang lahat. "Baka pusa yung maingay." sabe nalang ni Jin.
"Mukha ba kaming pusa." bulong ni Kiyota.
Pumasok ulit ang dalawa at natatawa si Ayako ganun din si Nikay at Sasaki. "Bakit ba kasi natin to ginagawa dikit dikit pa tayo para tayong sardinas." inis na turan ni Hanagata..
"Sino naghihilik?" tanong ni Maki.
"Sino pa edi si Rukawa yan ang hindi namemeke ng tulog." natatawang sagot ni Mitsui.
"Alam mo maingay talaga parang di na yun pusa parang tao na nag uusap." sabe ni Amber kay Jin.
Lumabas ulit si Jin para tignan ang team. "Tulog ba talaga kayo?" tanong ni Jin sa team.
Wala naman sumasagot at nilakasan ni Maki at Mitsui ang hilik para maisip ni Jin na mahimbing ang tulog nila. "Goodnight." sabe nalang ni Jin at pumasok na ulit sa kwarto ni Amber.
"Nakakahalata na si Jin." bulong ni Sasaki.
"Ang sakit ng likod ko nakadagan na sakin si Fukuda." reklamo ni Sendoh.
"Kasi naman ang luwag kanila Sakuragi ayaw umurong." inis na bulong ni Koshino.
"Puro kayo reklamo." sabat ni Satomi at tumawa sila Maki Mitsui Fujima at Sendoh.
"Uuwi na ako kawawa ko kay Hanamichi." sabe ni Ryota.
"Kaya nga ayoko katabi yan." inis ding sabe ni Kiyota.
Tahimik naman si Jin at Amber habang nakahiga. Hindi sila makatulog dalawa dahil nasa iisang kwarto sila. "Tulog kana?" tanong ni Jin
"Hindi pa." sagot naman ni Amber.
Naupo si Jin at tumingin kay Amber. "Kwento ka naman Amber." biglang sabe ni Jin at tumayo rin si Amber at naupo sa kama.
"Tanong kana lang tapos sasagutin ko..
"Bakit sa KAINAN ka pumasok?" tanong ni Jin.
"No choice ako dahil gusto ni mama at papa na sa KANAGAWA ako mag aral sikat daw kasi yung KAINAN kaya sa KIANAN ako pumasok." sagot ni Amber.
"Hindi mo alam na sikat ang KAINAN???
"Hindi ni hindi ko nga kilala ang player at coach ng KAINAN kaya nga nung nakasalubong ko si coach Takato sa gate ng school hindi ko akalain na sya pala ang coach ng basketball." kwento ni Amber.
"Ano naman first impression mo sakin?" tanong ni Jin.
"Masungit at mabait....
"First impression mo kay Kiyota?" tanong ni Jin.
"Sya makulit madaldal mabait at friendly." ngiting sagot ni Amber.
"Bakit sa kanya ang dami sakin dalawa lang?" nagtatampong tanong ni Jin.
"Yun kasi yung first impression ko sayo." paliwanag ni Amber
"Sinong crush mo?" tanong ni Jin na ikinagulat ni Amber.
"Inaantok na ako matulog kana rin may pasok pa tayo bukas. Goodnight Jin." sabe nalang ni Amber at nahiga na dahil ayaw nya sabihin kay Jin na gusto nya ito.
"Goodnight Amber." sabe na lang din ni Jin at nahiga na rin.
"Sayang dipa nasabe." bulong ni Maki.
"Hindi kaya si Jin ang crush nya bigla syang nag goodnight." sabe naman ni Kiyota.
"Paano kaya kung si Jin nga? naku kinikilig ako tapos crush din sya ni Jin." natutuwang bulong ni Satomi.
"Oo nga." sang ayon naman ni Nikay.
Hindi makatulog si Jin kaya lumabas sya at laking gulat nya ng makita na nasa pintuan ang team. "Gising pa kayo?" tanong ni Jin.
"Tumae ako." pagpapalusot ni Mitsui.
"Naihi ako kaya tumayo ako." sagot naman ni Kiyota.
"Nag toothbrush ako sumakit ipin ko." pagsisinungaling naman ni Maki.
"Nag linis ako naawa kasi ako kay Amber." sagot ni Sendoh.
"Tumatayo ako pag tulog ginising lang ako ni Maki." nakangiting sabe naman ni Satomi
"Talaga? Ang galing naman." sabe nalang ni Jin dahil alam nya na hindi totoo lahat ng sinasabe ng team sa kanya.
Natatawa nalang sila Maki ng pumasok si Jin sa CR. "Naniwala kaya yun?" tanong ni Fujima
"Palagay ko hindi." bungad ni Rukawa na inaantok pa.
"Bakit nagising kapa matulog kapa." utos ni Mitsui at bumalik nga sa pagkakatulog si Rukawa.
"Tabe tayo gung gong." sabe ni Rukawa at niyakap si Sakuragi.
"Lubayan mo nga ako." inis na turan ni Sakuragi at tinulak si Rukawa.
"Ako na lang yakapin mo." sabe ni Sendoh at nahiga sa tabe ni Rukawa.
"Ayoko sayo." reklamo ni Rukawa..
"Siraulo ka talaga Sendoh." natatawang sabe ni Satomi habang nakatingin sa tatlo.
BINABASA MO ANG
✅ 𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐂𝐀𝐒𝐓'𝐬 𝐎𝐔𝐓 𝐅𝐄𝐀𝐑
FanfictionAmber Mimoto comes from a rich family who grew up with kind and loving parents, but she is also afraid to fall in love again since her boyfriend Vlademir died.... Is she ready to be inlove again?... Jin is admired by many women because of his abil...