CHAPTER 17

730 104 9
                                    

Nakatingin lang si Amber habang nagpa-practice ang team ng makaramdam sya ng pagkirot.. "Aray." sigaw nya na ikinagulat ng team..

"Amber anong nangyare?" nag aalalang tanong ni Jin..

Halos maiyak si Amber sa sakit ng nararamdaman nya kaya naman sinugod sya ni Jin sa hospital kasama sila Kiyota. "Ayoko na maulit ang nangyare kay Giezel pakiusap." sambit ni Jin

"Pre ano kaba think positive hindi naman sya matutulad kay Giezel baka mamaya kinagat lang ng langgam si Amber kaya napa aray." sabe ni Kiyota

"Parang hindi naman sya nakagat ng langgam Kiyota dahil nakita mo kung paano masaktan si Amber halos maiyak na sya sa sakit." sabat naman ni Miyamasu.

Tinawagan ni Kiyota si Maki para pumunta sa hospital. "Anong nangyare kay Amber?" tanong ni Satomi na nag alala rin para sa kaibigan.

"Hindi ko alam bigla na lang syang sumigaw sa sakit habang napa-practice kami." sagot ni Kiyota..

"Nasaan si Jin?" tanong ni Maki.

"Nasa labas sya." sagot ni Miyamasu.

Umiiyak si Jin ng makita ni Maki sa labas ng hospital. "Ano kaba naman Jin wag kang ganyan." seryosong sabe ni Maki at inakbayan si Jin.

"Hindi ko na alam Maki baka matulad lang si Amber kay Giezel bakit ganun mabait naman ako bakit parang ang malas ko pag dating sa pag ibig kung kailan masaya na ako." sabe ni Jin habang umiiyak.

"Hinding hindi mangyayare kay Amber ang nangyare kay Giezel ano kaba Jin wag kang mag isip ng ganyan." anya ni Maki.

"Nasaan si Amber?" bungad ng team kasama si Shen....

"Nasa loob pa wala pang findings na sinasabe ang doctor kaya diko pa alam kung may sakit ba si Amber o wala." sagot ni Jin.

"Alam ko nahihirapan ka insan pero ayoko makita na nagkaka ganyan ka." sabe ni Shen

"Bakit naman ganun bakit si Jin pa yung nasasaktan." sabat ni Koshino.

"Ang saya na tapos ganito hay ang lupit naman." sabe naman ni Sendoh.

"Kahit anong mangyare naniniwala ako na malabong mangyare kay Amber ang nangyare kay Giezel." seryosong sabe ni Rukawa habang nakayuko..

"Ako rin naniniwala ako." sang ayon ni Mitsui at Fujima.

"Salamat sa inyo kahit busy kayo nandito kayo... pasensya na kayo ayoko sana makita nyo ko na umiiyak kaya lang hindi ko mapigilan." sabe ni Jin.

"Ano kaba naman Jin kaibigan mo kami at kaibigan namin si Amber pwede ba naman pabayaan ka namin. Wag kang umiyak ayaw ni Amber yan." ngiting sabe ni Ryota saka niyakap si Jin.

"Tama sya Jin kung ano man ang problema mo nandito kami lage para sayo. Wag ka mag alala magiging okay si Amber magmomovie marathon pa tayo sa inyo di ba." sabe naman ni Sendoh.

Bigla naman dumating si Minami kasama si Moroboshi, Fukatsu, Eiji at Morishige. "Anong nangyare sa pinsan ko?" tanong agad ni Minami.

"Sinugod sya sa hospital." sagot ni Maki.

"Bakit sinugod?" tanong naman ni Eiji.

"Hindi ko alam wala pang findings ang doctor." sagot ni Maki habang nakayuko.

Bumaling naman ang tingin ni Minami kay Jin. "Hindi ba gusto mo pinsan ko bakit mo sya pinabayaan?" bulyaw ni Minami kay Jin.

"Minami walang kasalanan si Jin ano kaba." sabat ni Fujima..

"Walang kasalanan? Hindi ba manager si Amber ng KAINAN wag mong sabihin wala ka dun dahil ikaw ang bagong captain ng KAINAN." sabe ni Minami na masama ang tingin kay Jin.

"Nandun ako Minami pero hindi ko alam kung bakit bigla nalang sumigaw si Amber." umiiyak na paliwanag ni Jin.

"Eh wala ka palang kwenta kung ganon nandun ka tas di mo alam. Ibang klase ka? lalaki kaba talaga." pang iinsulto ni Minami kay Jin.

"Hoy below the belt kana baka nakakalimutan mo kung nasan ka." sabe ni Mitsui

"Ikaw hindi kita kilala kung saang planeta ka nang galing pero wag na wag mo iinsultuhin ang pinsan ko dahil hindi mo sya kilala." pagtatanggol ni Shen sa pinsan nya.

"Tama na Minami pwede bang kumalma ka." awat ni Eiji saka kinausap si Maki.

Nakatingin lang si Moroboshi at Morishige sa team. "I'm sorry wala akong nagawa." sabe ni Jin

"Jin wala kang kasalanan wag mo intindihin to mongoloid kasi to." sabe ni Fukatsu at natawa naman sila Sendoh at Fujima.

"Ako mongoloid totoo naman sinabe ko eh." inis na turan ni Minami.

"Mabuti na lang wala dito si Hanamichi kung hindi gulo to." bulong ni Ryota kay Koshino.

"Kaya nga mabuti na lang talaga." sabe nalang ni Koshino.

"Alam mo Minami hindi ka dapat nagsasalita sa kapwa mo ng ganyan hindi mo dapat sinabe kay Jin yun. Wala akong nakikitang bahid na kasalanan mula sa kanya dahil nakikita ko sa kanya kung paano sya mag alala ngayon para kay Amber." seryosong sabe naman ni Satomi.

"Yan sige sermunan mo. Ano ka ngayon." pang aasar ni Fukatsu

"Sorry." hinging paumanhin ni Minami.

"Wag sakin kay Jin ka mag sorry." utos ni Satomi.

Nagsorry si Minami kay Jin at tinanggap naman agad yun ni Jin. Sabay sabay na pumasok ang team sa loob ng hospital kasama si Shen.

 ✅ 𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐂𝐀𝐒𝐓'𝐬 𝐎𝐔𝐓 𝐅𝐄𝐀𝐑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon