Ilang araw ng hindi nakakapasok si Jin dahil sa pag babantay kay Amber. Nangangamba naman si Shen dahil matapang ang mga magulang ni Jin.
"Insan darating si tita at tito sa makalawa." seryosong sabe ni Shen.
"Ano? Hindi ba next year pa sila darating?" pagtataka ni Jin.
"Kinausap ng principal ang Mommy at Daddy mo tungkol sa grades mo Jin. Hindi sila makapaniwala na bagsak ka oras na malaman nila na hindi ka pumapasok siguradong magagalit sila." sabe ni Maki.
"May dahilan ako kung bakit di ako nakakapasok. Importante paba ang grades kesa sa buhay ni Amber wala akong pakialam kung bumagsak ako o tanggalin ako."
"Insan naiintindihan ka namin pero yung mga magulang mo hindi yun maiintindihan. Ni hindi nga alam ni tita at tito ang tungkol kay Amber dahil ayoko magka problema ka oras na dumating sila dito." sabe naman ni Shen na inaalala ang pinsan nya.
"Kausapin mo nalang si principal pre tutal naman malakas ka dun ako lang hindi." natatawang sabat ni Kiyota at natawa naman si Maki at Satomi.
"Sabay sabay ang problema ni Jin hindi ba pwedeng pakiusapan na lang yung principal." suggest ni Sendoh.
"Oo nga para hindi na pumunta ang mga magulang ni Jin dito." singit naman ni Mitsui.
"Sinabe na ni Kiyota yun Sendoh ang tanong sino kakausap." seryosong tanong ni Rukawa at tumingin silang lahat kay Sakuragi.
"Bakit sakin kayo nakatingin?" tanong ni Sakuragi.
"Ikaw lang kasi Hanamichi yung walang kinatatakutan dito." ngiting sabe ni Ryota.
"Pero hindi naman sya taga KAINAN pre bawal pumasok sa principal office na hindi ka estudyante maliban na lang kung may kapatid ka." sabe ni Kiyota at ngumiti si Sendoh Fujima at Maki.
"Madali lang yan edi magpanggap ka Kiyota na kapatid mo si Sakuragi tapos ang problema." ngiting sabe ni Maki.
"Ano? Ayoko nga itong panget na to kapatid ko." inis turan ni Kiyota.
"Lalong ayoko ang layo naman ng unggoy sa manok." sabe naman ni Sakuragi at nagtawanan ang team.
"Sige ako na lang kakausap sa principal tulong ko na rin kay Jin." seryosong sabe ni Moroboshi at napangiti naman si Shen.
"DAI MOROBOSHI lang malakas." pagpaparinig ni Sendoh habang nakatingin kay Fukatsu.
"Wag na Moroboshi ako na kakausap sa principal bukas. Masyado na akong nagiging pabigat sa inyong lahat iba sa inyo wala pang tulog." sabe ni Jin at naiyak naman si Kiyota at Sakuragi.
"Ang bait mo talaga pre." sabe ni Kiyota.
"Ang bait mo Jinpot." sabe naman ni Sakuragi.
"Masunget ba talaga parents ni Jin?" tanong ni Eiji.
"Oo masunget. Nag iisa kasi nilang anak si Jin at ayaw nila na pinababayaan ni Jin ang pag aaral." kwento ni Shen.
"Pero hindi naman sila against kung sinong babae ang magustuhan ni Jin?" tanong naman ni Minami.
"Wala pa naman kasing pinakilala si insan na babae sa mga magulang nya dapat si Giezel kaso nga namatay hindi ko lang alam kung paano sila makitungo pag nakilala nila si Amber." sagot ni Shen.
"Mabait naman ang mga magulang ni Jin kasi business partner ng Daddy ko ang Daddy nya yun nga lang Mommy nya may pagka masunget talaga. Iniingatan kasi talaga nila si Jin kasi nag iisang anak at taga pagmana yan kaya ganun na lang sila." seryosong sabe naman ni Maki.
"Sana nga hindi na lang ako mayaman yung pinanganak lang akong mahirap pero masaya. Ilang buwan at ilang taon di ko nakasama ang mga magulang ko dahil sa business nila babalik lang sila dito kapag may problema minsan naisip ko ganun ba sila magmahal ng anak? Sa tuwing may award ako hindi ko sinasabe kasi bakit pa? hindi rin naman sila uuwe simple lang ang kaligayahan ko yung makasama sila at kayo." umiiyak na sabe ni Jin.
"Hay ang sakit ayoko talaga maiwan." sabe ni Kiyota na hindi mapigilan maawa sa kaibigan.
"Hayaan mo hindi ka naman namin iiwan." anya ni Maki.
"Oo nga. Ang tunay na kaibigan hindi ka iiwan at kami yun Jin kaya smile kana walang masamang tinapay sa mainit na kape." sabe ni Sakuragi..
"Pwede ba tumahimik kana lang mali mali naman yang pinagsasabe mo." inis na bulong ni Rukawa at natawa si Fujima at Sendoh.
Para kay Shen at Jin malayo man ang mga magulang nila pero ipinaramdam naman sa kanila ng mga totoong kaibigan na hindi sila nag iisa
BINABASA MO ANG
✅ 𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐂𝐀𝐒𝐓'𝐬 𝐎𝐔𝐓 𝐅𝐄𝐀𝐑
FanfictionAmber Mimoto comes from a rich family who grew up with kind and loving parents, but she is also afraid to fall in love again since her boyfriend Vlademir died.... Is she ready to be inlove again?... Jin is admired by many women because of his abil...