CHAPTER 20

629 109 10
                                    

"Uuwi na muna ako insan may pasok pa kasi ako bukas." sabe ni Shen at narinig naman iyon ni Moroboshi.

"Okay lang ba ihatid ko na si Shen? wag ka mag alala Jin wala akong gagawin sa pinsan mo gusto ko lang makasiguro na safe syang makakauwi." seryosong sabe ni Moroboshi.

"Sige pero okay lang ba kay Shen?" tanong ni Jin na nakatingin sa pinsan nya.

"Okay lang naman sakin mukha naman mapagkakatiwalaan si Moroboshi." ngiting sagot ni Shen.

"Mukha lang pero di yan mapapagkatiwalaan." bungad ni Fukatsu na masama ang tingin kay Moroboshi.

"Hoy kayong dalawa kung mag aaway kayo wag dito sa hospital pag uuntugin ko kayo." sabe ni Maki at natawa nalang si Jin at Shen.

"Sige insan una na kami." pagpapaalam ni Shen kasama si Moroboshi.

"Ganyan ka Jin pag sakin di ka boto pag kay Dai boto ka anong klaseng kaibigan yan." nakasimangot na turan ni Fukatsu.

"Bakit sa babae ba nasusukat ang pakikipag kaibigan mo kay Jin?" seryosong tanong ni Fujima.

"Hindi." sagot ni Fukatsu.

"Hindi pala eh kaya umayos ka." seryosong sabe ni Mitsui.

"Bakit ba ang sungit ng mga tao dito? Makalayas na nga." inis na sabe ni Fukatsu at natawa na lang sila Sendoh, Maki at Eiji.

"Hindi na lang kasi tanggapin na hindi naman sya gusto ni Shen sabagay kung ako babae kay Moroboshi din ako magpapaligaw." bulong ni Fukuda.

"Bakla ka?" tanong ni Ryota.

"Hindi hah." sagot ni Fukuda at nagtawanan sila Mitsui at Koshino.

"Allergic kasi sa bakla yan." natatawang sabat ni Mitsui habang nakatingin kay Ryota.

"Hindi ba masakit ang chemotherapy?" tanong ni Minami na seryosong iniisip ang kalagayan ng pinsan nyang si Amber.

"Kaya ba ni Amber yun?" tanong ulit ni Minami.

Biglang nalungkot ang team ganun din si Jin sa tanong ni Minami...

"May isang batang babae nag bigay sakin ng candy at ang sabe nya magpapagaling daw sya. Tinanong ko kung anong sakit nya ang sabe nya may sakit daw syang leukaemia. Alam mo imbes na umiyak yung bata sa harap ko ngumiti lang sya at niyakap ako." kwento ni Eiji.

"Pagkatapos? Anong nangyare?" tanong ng team..

"Sabe nya kuya alam mo ba sobrang sakit magpa chemotherapy pero lage sinasabe sakin ni Mommy at Daddy na mas masakit daw kung mawawala ako kaya sabe ko okay lang kung masaktan ako sa chemotherapy basta hindi ko makitang masaktan ang Mommy at Daddy ko kaya kahit masakit lumalaban ako. Gusto kong umiyak sa harap nya pero di ko ginawa at mas lalo akong nasaktan ng makita kong wala na syang buhok." kwento ni Eiji habang naiiyak.

"Nakakaiyak naman nasaan na yung bata?" tanong ni Sendoh.

"Wala na akong balita pinuntahan ko sya sa hospital pero wala na sya dun." sagot ni Eiji.

"Buhay pa kaya sya?" tanong ni Kiyota.

"Malamang buhay pa yun." sagot ni Mitsui.

"Kaya naisip ko na kung kaya ng batang lumaban kaya rin ni Amber. Alam mo napaka swerte natin dahil wala tayong sakit hindi natin naranasan yung naranasan nung bata at ni Amber maging ni Giezel." sabe ni Eiji.

"Wag kayong mag alala pagdarasal ko si Amber wala naman imposible kay papa God." ngiting sabe ni Kiyota.

"Tama basta lumapit ka lang sa kanya." sang ayon naman ni Fujima.

"Ito ang team na hindi ko makakalimutan pag balik ko ng america." biglang sabe ni Minami.

"Bakit aalis ka?" tanong ni Maki.

"Oo dun na ako for good dun kasi nakatira ang parents ko. Gusto ko lang makita na maayos ang pinsan ko bago ako umalis." sabe ni Minami na hindi maiwasan malungkot.

"Paano si Loisa? Akala ko ba mahal mo sya?" tanong ni Sendoh.

"Sigurado kana ba dyan?" tanong ni Eiji kay Minami.

"Kunwari pa kayong malungkot pero masaya naman talaga kayo dahil mawawala na ako." natatawang sabe ni Minami.

"Buti alam mo." bulong ni Rukawa at nagtawanan ang team.

"Wala ka talagang pagmamahal." nakangiting sabe ni Eiji kay Rukawa.

"Hindi naman sa salita pinapakita ang pagmamahal kundi sa gawa." sagot ni Rukawa habang nakatingin kay Fukatsu.

"Bakit sakin ka nakatingin tusukin ko yang mata mo." inis na sabe ni Fukatsu.

"Bato bato sa langit ang tamaan gung gong." pang iinis ni Rukawa at natawa naman si Sendoh at Eiji.

"So anong pinapalabas mo gung gong ako?" tanong ni Fukatsu

"Tama na. Hindi ko alam kung kaya ko pang maging masaya kapag nawala si Amber." sabe ni Jin

"Hindi sya mawawala Jin." anya ni Maki

"GROUP HUG." sigaw ni Sendoh.

"Group hug?" napapakamot na lang si Morishige habang nakatingin sa team.

"Sali ang henyo dyan." bungad ni Sakuragi at niyakap si Morishige.

"Hanamichi para sa lahat ang group hug bakit si Morishige lang niyayakap mo?" takang tanong ni Ryota.

"Hindi nya niyayakap pinapatay nya." natatawang sagot ni Eiji.

"Sorry akala ko kasi halimaw ka." pang aasar ni Sakuragi saka niyakap ang team.

"Hindi kapa rin nagbabago." bulong ni Morishige saka sumali sa group hug....

 ✅ 𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐂𝐀𝐒𝐓'𝐬 𝐎𝐔𝐓 𝐅𝐄𝐀𝐑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon