CHAPTER 5

876 111 11
                                    

Maagang nagising si Amber para pumasok. "Sana di ako pumalpak ngayong araw bilang isang manager ng KAINAN nakakahiya pa naman kay Jin at kay coach Takato."

Pag dating nya sa school dumiretso sya agad sa gym. Nakita naman nya si Kiyota na malungkot kaya agad nyang nilapitan ito. "May problema kaba Kiyota?" tanong ni Amber at ngumiti naman si Kiyota.

"Wala naman namiss ko lang yung mga dati kong teammates wala na kasi si Maki ang dati namin captain." sagot ni Kiyota.

"Sabagay nakakamiss naman talaga pero nagkikita naman kayo araw araw nila Maki di ba? kaya wag kana malungkot. Ito nga pala para sayo." inabot ni Amber ang soda para kay Kiyota.

"Sweet mo naman salamat Amber maganda kana mabait pa bagay na bagay talaga kayo ni Jin...

Hindi naman na sumagot si Amber at ngumiti na lang sya. Pagdating ni Jin agad itong dumiretso sa locker room para magpalit. Sabay naman na dumating sila Miyamaso at coach Takato. "Good morning coach." bati ni Kiyota at Amber.

"Good morning. Amber ikaw na muna ang bahala sa kanila may meeting ako with coach Taoka at coach Anzai nasabe ko na kay Jin ang mga gagawin mo mauna na ako." nagpaalam na si coach Takato sa team at tuwang tuwa naman si Kiyota.

"Bakit masaya ka?" nagtatakang tanong ni Amber.

"Wala na kasi si coach magagawa ko na yung gusto ko." masayang sagot ni Kiyota.

"Practice na." seryosong bungad ni Jin.

Nagtaka si Amber ng magsungit si Jin sa team halos hindi rin ito ngumingiti ni good morning wala rin. "Ano kayang problema nya." napapatanong ni Amber sa isip nya.

"Pre galit kaba?" tanong ni Kiyota at inakbayan si Jin.

"Hindi." tipid na sagot ni Jin habang nakatingin kay Amber.

Nagsimula na ang practice at dumating naman si Zeigh at nawala na sa focus ang paglalaro ni Kiyota ng makita ang dalaga. "Kiyota salo." pasigaw ni Miyamaso.

Tumama ang bola sa mukha ni Kiyota kaya galit na galit ito. "Ano ba pre bakit naman di mo ko sinabihan ang sakit nun." inis na sambit ni Kiyota.

Natatawa si Amber ganun din si Zeigh kay Kiyota. Nang matapos ang practice agad na nilapitan ni Kiyota si Zeigh. "Akala ko ba di ka manonood kasi may emergency?" tanong ni Kiyota.

"Ayaw mo ba?" tanong naman ni Zeigh.

"Hehehe gusto ahhm Zeigh pwede ba kitang ano." nauutal si Kiyota at di masabe ang gustong sabihin sa dalaga...

Nilapitan naman ni Jin si Amber para kausapin ito. "Next time bago kayo mag usap ni Kiyota gawin mo muna trabaho mo." seryosong sabe ni Jin...

Nagtaka naman si Amber kung bakit ganun sa kanya si Jin. "Sorry hindi na mauulit." sabe na lang ni Amber...

Iniwan naman ni Jin si Amber at nagpaalam na ito sa team para umuwi pati sila Kiyota at Miyamaso nagtaka kung bakit ganun si Jin. "Ano bang problema nun bakit parang mainit ulo." sabe ni Miyamaso kay Kiyota.

"Hindi ko alam pre okay naman tayo kahapon eh." sagot naman ni Kiyota.

Nagpaalam na rin si Amber para pumunta sa library dahil may klase pa sya. "Bakit kaya ganun sya parang di ako sanay na nagsusungit sya."

Pag dating nya ng library nagtaka sya ng makita si Jin na nag rereview. "Akala ko umuwi na sya....

Hindi sya tumabe kay Jin dahil ayaw nya itong maistorbo. Kumuha ng libro si Amber para gawin na ang assignment nya. "Gusto mo bang tulungan kita sa homework mo?" tanong ni Jin at naupo sa tabi ni Amber.

"Hindi na kaya ko naman to sorry kanina wag kana sana magalit sakin."

"Hindi naman ako galit sayo." sagot ni Jin sabay ngiti.

"Talaga? Di ka nga nagpaalam sakin ei sa team ka lang nagpaalam. Tapos kanina dumating ka parang mainit ulo mo....

"Mainit nga ulo ko kasi nakita ko magkausap kayo ni Kiyota pero wala na yun." paliwanag ni Jin at kinuha ang notebook ni Amber at tinulungan ito sa assignment nya.

Nakatitig lang si Amber habang nagsusulat si Jin. Hindi nya maiwasan na ngumiti dahil napaka amo at napaka gwapo ni Jin. "Wag mo ko titigan natutunaw ako." biro ni Jin habang nagsusulat.

"Sorry." hinging paumanhin ni Amber.

Pagkatapos tulungan ni Jin si Amber sabay silang lumabas ng library para pumunta sa klase nila. "Thank you nga pala Jin parang ikaw na gumawa ng homework ko salamat talaga."

"Wala yun anytime pag need mo ng tulong. Pumasok kana baka malate ka pa." utos ni Jin at dumiretso naman si Amber sa room nya.

Masaya si Amber dahil madali nyang nakasundo ang mga classmate nya. "Amber sabay kana samin umuwi." anya ni Aimee.

"Hah hindi na cleaner's kasi ako." sagot ni Amber.

"Ay oo nga pala oh paano una na kami ni Celine hah." pagpapaalam ni Cath.

Dahil hindi naman marumi ang classroom hindi na nahirapan si Amber na maglinis. Nang matapos sya umuwi na sya at napangiti sya ng makita si Jin sa labas na nakatayo habang nakapikit at naka headset...

"Sino kaya hinihintay nya?." tanong ni Amber.

"Jin." pagtawag ng babae...

Nagtago naman si Amber para hindi sya makita ni Jin. "Tapos na klase mo?" tanong ni Jin.

"Yep ikaw?" tanong naman ni Shen

Si Shen ay pinsan ni Jin. "Tapos na rin." sagot naman ni Jin.

Sabay na umuwi ang dalawa at kitang kita ni Amber kung gaano kasaya si Jin sa babae. Umuwi si Amber mag isa habang iniisip kung sino yung babaeng kasama ni Jin. "Crush kaya nya yun halata naman eh kasi mukha syang masaya." sabe nalang ni Amber.

Nakasalubong naman nya sila Sendoh Maki at Fujima. "Hi Amber bakit mag isa ka?" tanong ni Sendoh.

"Hindi kaba hinatid ni Jin?" tanong naman ni Maki.

"Hindi ka dapat umuuwi mag isa delikado ngayon next time magpapahatid ka kay Jin." sabe ni Fujima.

Hindi masabe ni Amber na may ibang hinatid si Jin. "Oo." sagot na lang nya.

Naisip nilang ihatid na lang si Amber. "Dito ka nakatira bakit parang walang tao." pagtatakang tanong ni Sendoh.

"Wala kasi ang mama ko at papa ko may trabaho safe naman ako dito wag kayo mag alala." anya ni Amber.

Sinabayan nilang kumain si Amber at masaya silang nagkuwentuhan. "Alam mo ba yang si Jin hindi makabasag pinggan yan kapag pinapagalitan ko yan uupo lang sa sulok ni hindi yan marunong sumagot kay coach Takato at sakin." kwento ni Maki at tumawa naman si Amber.

"Tsaka di yan namba-babae san kapa." singit naman ni Sendoh..

"Hindi rin ako namba-babae." sabat ni Fujima.

"Hindi rin ako Satomi lang laman nito." sagot naman ni Maki.

"Edi ikaw lang ang namba-babae." ngiting tanong ni Amber kay Sendoh..

"Hindi ako babaero si Nikay lang ang love ko. Ibig kong sabihin di sya tumitingin sa iba." paliwanag ni Sendoh.

"Hindi rin ako tumitingin sa iba." sabe ni Fujima.

"Ako rin." sagot naman ni Maki.

"Ano ba talaga gusto mo sabihin Sendoh." natatawang tanong ni Amber.

"Basta yun na yun Amber mabait si Jin." sabe na lang ni Sendoh.

Napuno ng tawanan sa loob ng bahay ni Amber dahil kanila Sendoh, Maki at Fujima. Natutuwa naman si Amber dahil masayang kausap at kasama sila Maki na kahit sya lang ang babae nasasakyan nya ang mga kalokohan ng mga ito.

 ✅ 𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐂𝐀𝐒𝐓'𝐬 𝐎𝐔𝐓 𝐅𝐄𝐀𝐑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon