CHAPTER 18

638 109 9
                                    

Nagulat ang team ganun din si Jin ng dumating ang mga magulang ni Amber sa hospital. "Sino po kayo?" tanong ni Mitsui.

"Kamusta na ang anak ko?" nag aalalang tanong ng Mommy ni Amber.

"Wala pa pong sinasabe ang doctor tita hinihintay pa po namin." sagot ni Minami na hindi makatingin sa mga magulang ni Amber.

Pag labas ni Doc Cloud halos hindi maipinta ang mukha nito. "Doc kamusta po si Amber?" tanong ni Jin.

"Kamusta po ang anak ko Doc?" tanong din ng mga magulang ni Amber.

"May leukaemia po ang anak nyo pasensya na po pero kailangan na po nya mag undergo sa chemotherapy kung hindi maa-agad ang pasyente baka ikamatay nya yun." seryosong sabe ng doctor at naiyak naman ang team ganun din si Jin pati narin ang mga magulang nito.

"Kahit magkano ang gagastusin pagalingin nyo lang ang anak ko nakikiusap po ako doc." pakiusap ng Mommy ni Amber habang umiiyak.

Walang magawa si Jin kundi umiyak. "Alam ko na mangyayare nanaman ang nangyare dati bakit si Amber pa bakit hindi na lang ako." umiiyak na tumakbo si Jin.

"Bakit ganun bakit parang ayaw ng diyos na maging masaya si Jin." sabe ni Sendoh.

"Hindi naman siguro. Lahat ng bagay may purpose kung bakit yun nangyare." seryosong sabe ni Maki.

Umiiyak si Jin habang nag lalakad wala syang ibang iniisip kundi si Amber. "Jin....

Nagtaka si Jin ng makita si Giezel halos hindi sya makapaniwala ng makita ang babaeng una nyang minahal. "Giezel kukunin mo narin ba si Amber?" umiiyak na tanong ni Jin.

Ngumiti lang si Giezel at hinawakan ang mukha ni Jin. "Hindi sya mawawala sayo Jin. Tandaan mo lage lang ako nasa tabe mo at mangako ka sakin na iingatan mo at aalagaan si Amber mahal kita Jin kaya gusto ko maging masaya ka." sabe ni Giezel saka nawala na parang bula.

"Pangako Giezel iingatan ko sya salamat.....

Nagising naman si Amber at laking gulat nya ng makitang nakatayo si Vladimir. "Vlad....

"Kamusta na ang baby ko? Hindi ba sabe ko sayo iingatan mo ang sarili mo? Gusto mo ba matulad sakin?" tanong ni Vladimir at naiyak naman si Amber.

"Miss na miss na kita Vladimir sorry hah kung napabayaan ko sarili ko iniwan mo kasi ako." pagtatampo ni Amber habang umiiyak

"Wag kana umiyak hindi yan gusto ni Jin hindi ba sya ang lalaking nagpapatibok ng puso mo? Alam mo Amber masaya ako na makita na masaya ka. Magpapaalam na ako lage mo tatandaan nasa tabe mo lang ako hindi pa ito ang oras mo dahil maraming nagmamahal sayo. Mahal kita baby Amber." sabe ni Vladimir at nawala na parang bula...

"Vladimir." sigaw ni Amber.

"Anak...

"Mommy si Vladimir buhay sya nakita ko sya Mommy nandito sya." sabe ni Amber

"Anak tama na please....

"Sino ba si Vladimir?" tanong ni Moroboshi.

"Sya ang ex ni Amber pero patay na yun kaya paano nya nakita." takang tanong ni Minami habang natatakot.

Nagtaka naman si Amber ng hindi makita si Jin. "Nasaan si Jin?" tanong nito.

"Umalis sya saglit pero babalik din yun Amber." sagot ni Shen.

"Gusto ko makita si Jin pakiusap gusto ko sya makita." umiiyak na sigaw ni Amber.

"Hahanapin namin sya." sabe ng team saka lumabas.

Umalis ang team at naiwan si Satomi at Shen sa loob ng kwarto para bantayan si Amber. "Maniwala kayo Shen at Satomi nakita ko si Vladimir alam kong imposible dahil patay na sya pero nagsasabe ako ng totoo nakita ko sya." kwento ni Amber at niyakap sya ni Shen at Satomi.

"Naniniwala kami." sabe na lang ng dalawa na hindi maiwasan matakot.

Hindi alam ni Shen kung bakit sya nilalamig ganun din si Satomi samantalang patay naman ang aircon sa loob ng kwarto.

Samantala hindi naman alam ng team kung saan hahanapin si Jin. "Saan naman natin hahanapin si Jin inaantok na ako." sabe ni Rukawa habang tinatamad na mag lakad.

"Ikaw naman wag kana antukin ngayon lang para kay Jin." ngiting sabe ni Sendoh.

"Oo na." sagot na lang ni Rukawa.

"Totoo nga kaya na nakita ni Amber si Vladimir?" tanong ni Maki

"Pwede ba wag natin pag usapan yan." inis na turan ni Fukatsu.

"Natatakot kaba?" natatawang tanong ni Fujima

"Hindi hah bakit naman ako matatakot patay na yun." pag dedeny ni Fukatsu..

"Eh bakit tumatayo yang balahibo mo edi natatakot ka nga." natatawang sabe ni Eiji.

"Alam nyo may mga kaluluwa na naglalakbay parin hanggang ngayon lalo na kundi mo sya kinakalimutan." kwento ni Maki.

"So ibig sabihin hindi parin nakakalimutan ni Amber si Vladimir?" tanong ni Kiyota.

"Oo parang si Jin hindi parin naman nya nakakalimutan si Giezel mananatili parin na nasa puso nya si Giezel kahit patay na." paliwanag ni Maki at natakot ang team..

"Alam nyo uuwi na ako gabi na." sabe ni Minami na akmang aalis na ng pigilan sya ni Eiji.

"Walang uuwi." anya ni Eiji.

"Natatakot na ako baka mamaya makita natin si Giezel ayoko makakita ng multo baka di ako makatulog." sabe naman ni Kiyota saka iniwan ang team at tumakbo.

"Maki kasi tinakot mo naman." ngiting sabe ni Fujima.

"Ayoko rin makakita ng multo baka maaga ako mamatay." sabe ni Sendoh saka umuwi na rin.

"Kalalaki nyong tao takot kayo." napapakamot si Moroboshi habang natatawa.

"Uuwe na rin ako." biglang sabe ni Hanagata at iniwan ang team..

"Basta ako hahanapin ko si Jin." sabe ni Ryota saka nag lakad.

"Buti pa yun ang tapang kahit maliit." ngiting sabe ni Maki.

Nakita naman ni Jin si Sakuragi na nakaupo habang umiiyak. "Sakuragi." pagtawag ni Jin.

"Nakita mo ba si Giezel?" seryosong tanong ni Sakuragi.

"Bakit nakita mo rin ba sya?" tanong ni Jin.

"Oo." sagot ni Sakuragi habang umiiyak.

"Ibig mong sabihin nagpakita rin sya sayo...

"Hindi ko alam kung bakit sakin sya nagpakita. Natatandaan mo ba ang sinabe nya bago sya mamatay wag mo isarado ang puso mo sa kanya magmahal ka at yun ay si Amber. Sinabe nya sakin na hindi pa oras ni Amber pero siguradong hindi magiging madali ang lahat kaya sana wag mo syang iiwan hanggang sa gumaling sya. Jin wala ako sa tabe ng tatay ko ng mamatay sya kaya nakikiusap ako wag na wag mo iiwan si Amber mag isa sa hospital dahil ikaw ang kailangan nya." seryosong sabe ni Sakuragi.

"Thank you Sakuragi hindi ko sya iiwan pangako." sabe naman ni Jin at niyakap si Sakuragi.

Bumalik si Jin sa hospital kasama si Sakuragi at natutuwa si Giezel at Vladimir ng makita ang dalawa. "Thank you Jin at Sakuragi." ngiting sabe ni Giezel.

"Thank you Jin alagaan mo sana ang babaeng minahal ko ng buong buo." sabe naman ni Vladimir...

Nawala na ang dalawa na parang bula. Masaya si Vladimir at Giezel na masaya ang mga taong mahal nila kaya naman matatahimik na ang kaluluwa ng dalawa...

 ✅ 𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐂𝐀𝐒𝐓'𝐬 𝐎𝐔𝐓 𝐅𝐄𝐀𝐑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon