CHAPTER 11

752 106 5
                                    

"Sabe ni lolo may pagkain wala naman akong makitang pagkain." inis na sambit ni Sakuragi na masama ang tingin kay Maki.

"Coach kamusta na po kayo?" tanong ni Maki kay coach Takato.

"Ayos naman mabuti naman at dumalaw ka." natutuwang sabe ni coach.

Nag usap si Maki Fujima at coach Takato habang nakikipag kwentuhan naman ang iba sa team ng KAINAN. "Amber mahirap ba maging manager?" tanong ni Sendoh.

"Medyo pero challenging sya para sakin." sagot ni Amber.

"Sandali nga sabe nyo may pagkain dito wala naman pala nagugutom na ako. Uuwi na ako wala naman akong gagawin dito." inis na turan ni Sakuragi.

"Sakuragi may pagkain dun kumuha kana lang hindi na nilabas ni Jin kasi may practice pa. Kung gusto mo mauna kana kumain." sabe ni Amber at niyakap sya ni Sakuragi.

"Ang bait mo talaga ano nga ulit name mo." natatawang tanong ni Sakuragi.

"Bitawan mo sya." galit na utos ni Jin kaya naman agad na bumitaw si Sakuragi.

"Galawin mo na lahat wag lang si Amber lumalabas ang pagiging dragon ni Jin." pang aasar ni Sendoh.

"Hindi ko naman sinasadya. Sayo na si Amber mo aanuhin ko naman yan may Aicelle ako. Makakain na nga lang." sabe nalang ni Sakuragi at iniwan sila Jin.

"Jin nag seselos kaba?" tanong ni Amber.

"Hindi." tipid na sagot ni Jin.

"Hindi nga halata." natatawang sabe nila Mitsui, Ryota at Sendoh.

"Hindi ko akalain na seloso ka pala wala sa itsura mo." sabe ni Amber na hindi maiwasan matawa.

"Hindi nga ako nagseselos ayoko lang ng ganun." paliwanag ni Jin.

"Ayaw nya ng ganun kasi nagseselos sya." sabat ni Mitsui habang tumatawa.

"Hindi nga sabe ang kulit." naiinis na turan ni Jin.

"Di nga daw kasi wag mo na ipilit Mitsui di ba Jin di sya nag seselos PERIOD." sabe ni Sendoh habang pinipigilan tumawa.

"Nasaan si Kiyota?" tanong ni Sakuragi kay Minami.

"Ewan ko bakit sakin mo hinahanap yung unggoy na yun." turan ni Minami na kumakain din.

"Teka nga hindi kana man taga KANAGAWA bakit dito ka kumakain para sa mga taga KANAGAWA lang to taga OSAKA ka di ba. Layas chupi bawal stranger dito." sabe ni Sakuragi.

"Tigilan mo ko broken hearted ako kaya kakain ako." sagot ni Minami at nagulat si Sakuragi.

"Broken hearted ka?" tanong ni Sakuragi at hindi naiwasan ni Hanamichi maawa.

"Bakit ka naiiyak?" tanong ni Minami.

"Naiintindihan ko pinagdadaanan mo kaya mo yan wag kang sumuko." sabe ni Sakuragi at niyakap si Minami.

"Ano nanaman kalokohan yan?" bungad nila Maki at Fujima.

"Ewan ko dito bigla nalang umiiyak makauwi na nga puro nalang kamalasan inaabot ko sa taong to." inis na lumabas si Minami saka iniwan si Sakuragi..

"Hindi nyo kasi naranasan ma broken hearted." naiiyak na umalis si Sakuragi saka sinundan si Minami.

Natapos ang practice ng hindi nila makita si Kiyota. "Saan nagpunta si Kiyota ikaw Jin ang captain pinapayagan mo lumalayas si Kiyota aba ang luwag mo ata." sermon ni Maki kay Jin.

"Hindi ko alam na umalis sya bigla syang nawala di naman nagpaalam." sagot ni Jin.

Pag dating ni Kiyota ang sama ng tingin sa kanya ni Maki at Jin. "Oh bago nyo ko kutusan magpapaliwanag muna ako. May sakit kasi si Zeigh dinala ko sa clinic ayoko naman pabayaan kasi mahal ko yun sorry na." paliwanag ni Kiyota at ngumiti kay Maki at Jin.

"Next time magpapaalam ka papayagan naman kita eh." seryosong sabe ni Jin.

"Kumain kana dun para sabay sabay na tayo umuwi." utos ni Maki at niyakap sya ni Kiyota.

Natutuwa si Amber sa nakikitang samahan ng team. "Bakit ka nakangiti? Crush mo si Kiyota?" tanong ni Jin.

"Hindi hah masaya lang ako kasi ang ganda ng samahan nyo kahit na hindi kayo magkaka team." sagot ni Amber.

"Pamilya na rin kasi turing namin sa kanilang lahat. Nga pala may gagawin kaba mamaya?" tanong ni Jin.

"Wala naman bakit?" tanong naman ni Amber.

"Gusto mo manood tayo sa bahay may binili kasi akong dvd hindi pwede pinsan ko wala akong kasama manood kung okay lang naman sayo." sabe ni Jin.

"Sama kami." bungad nila Sendoh, Maki, Fujima, Ryota, Mitsui at Kiyota.

Natawa na lang si Amber samantalang napa buntong hininga nalang si Jin. "Ano bang movie yan? Gusto ko yung may sasabog at putukan." natatatawang sabe ni Mitsui.

"Aba ayos yan." sabe nalang nila Maki at Fujima

"Horror yun di nyo gusto kaya wag na kayo sumama." sabe ni Jin at nagtawanan sila...

"Gusto rin namin ng horror mahilig ako sa nakakatakot" sabat ni Sendoh

"Akala ko masosolo ko sya di rin pala." bulong ni Jin..

Sabay sabay silang lumabas ng gym para pumunta sa bahay ni Jin. "Jin." pag tawag ni Shen.

"Uuwi kana? Sorry baka di ako makauwi ngayon baka bukas pa kasi mag rereview ako sa bahay ng classmate ko." anya ni Shen.

"Sino sya? Ang ganda naman." tanong ni Mitsui kay Sendoh.

"Ang ganda nga nasa lahi ata nila Jin ang maganda at gwapo ano kaya name nya." sabe naman ni Sendoh.

"Hi Shen long time no see." sabe ni Maki.

"Long time no see di kana nagagawi sa bahay kamusta kana?" tanong ni Shen.

"Sino sya?" tanong ni Ryota kay Maki.

"Pinsan sya ni Jin pakilala ka nga Shen." utos ni Maki.

"I'm Shen yun lang muna kasi nagmamadali na ako. Amber punta ka sa bahay kapag may time ka kwentuhan tayo." sabe na lang ni Shen saka umalis

Tahimik naman si Amber habang naglalakad kaya napansin iyon ni Jin. "Bakit tahimik ka?" tanong nya.

"Wala naman namimiss ko lang siguro ang parents ko. Matagal ko na rin kasi silang di nakikita mula ng lumipat ako dito sa KANAGAWA." sagot ni Amber.

"Sunday bukas gusto mo samahan kita pumunta sa OSAKA wala naman akong gagawin." sabe ni Jin sabay ngiti.

"Sama kami." sabat ng team...

"Amber lumayo tayo may mga bubuyog." sabe ni Jin at inilayo si Amber.

Natatawa na lang si Amber sa kalokohan ng team habang si Jin naman nakatitig lang kay Amber. "Napaka ganda ng ngiti nya." sambit ni Jin

 ✅ 𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐂𝐀𝐒𝐓'𝐬 𝐎𝐔𝐓 𝐅𝐄𝐀𝐑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon