CHAPTER 31

533 100 16
                                    

1 year na ang nakakalipas mula ng umalis si Amber papuntang America....

Ipinagpatuloy ni Jin ang pag aaral nya at ang pagbabasketball tulad ng kagustuhan ni Amber na tuparin nya ang mga pangarap nya. Nanalo rin ang KAINAN at sila parin ang tinanghal na numero uno sa distrito ng KANAGAWA pero para kay Jin wala ng saysay pa ang pagka panalo nila dahil hindi nya kapiling ang babaeng mahal nya..

"Pre hindi ba dapat nag sasaya tayo dahil tayo parin ang numero uno sa KANAGAWA." sabe ni Kiyota at ngumiti lang si Jin.

Walang sulat syang natatanggap mula kay Amber wala rin syang balita kung okay ba ang kalagayan nito o hindi. Sa tuwing tatawagan naman nya ang magulang nya at si Steff lageng cannot be reached ang mga ito..

"Masaya naman ako hindi na nga lang tulad ng dati. Namimiss ko na sya isang taon na pero wala parin akong balita sa kanya. Babalik pa kaya sya? Babalik pa kaya ang asawa ko." naiiyak na tanong ni Jin.

Dumating naman ang team ng SHOHOKU, RYONAN at SHOYO kasama sila Shen Moroboshi, Fukatsu, Morishige at Eiji para icongratulate ang KAINAN. "Congrats sa inyo baka naman gusto nyong magpakain." natatawang turan ni Sakuragi.

"Jin congrats ang ganda ng ipinakita mo sa laro." sabe ni Fujima at ngumiti lang si Jin.

"Saan tayo sa bahay ni Maki o sa bahay ni Shinichi?" tanong ni Sendoh at nagtawanan silang lahat maliban kay Jin na iniisip parin si Amber.

"Insan okay ka lang ba?" nag aalalang tanong ni Shen.

"Ayos lang ako." tipid na sagot ni Jin..

"Alam mo Jin may surprise kami sayo. Gusto mo bang malaman." nakangiting sabe ni Moroboshi..

Nagtaka naman si Shen dahil walang nasabe sa kanya si Moroboshi na supresa para sa pinsan nya. "Sigurado akong iiyak ka sa tuwa." ngiting sabe naman nila Eiji..

Walang ka alam alam ang team na nakauwi na si Amber maliban kanila Eiji, Moroboshi, Fukatsu at Morishige. "Anong surprise yan?" tanong ni Mitsui.

"Secret walang clue." sagot ni Eiji.

"Jin alam kong marame akong kalokohan sa katawan kaya nga nahirapan kang pagkatiwalaan ako di ba. Gusto kong bumawi sayo hindi dahil pinayagan mo kong ligawan si Shen kundi dahil nandyan ka rin sa tabe ko pag kailangan ko ng kaibigan. Akala ko dati ayaw mo sakin pero tama si Sendoh mabait ka sobra pa sa salitang mabait." seryosong sabe ni Moroboshi..

"Sabihin muna kaya ang dami mo pang pasakalye." bulong ni Fukatsu kay Moroboshi.

"Pwede bang pumikit ka Jin." utos ni Moroboshi.

"Bakit?" tanong ni Jin.

"Kasi nga makikita mo yung surprise namin para sayo." ngiting sabe ni Eiji.

"Eh paano nya malalaman kung ano yung surprise nyo kung nakapikit sya." sabe ni Mitsui at nagtawanan sila Sendoh Maki at Fujima.

"Oo nga naman." sang ayon ni Kiyota.

"Ang dami nyo naman sinasabe. Jin pumikit kana kaya." naiinis na utos ni Fukatsu.

"Sige na nga." sagot ni Jin at pumikit ito...

Nagulat sila ng makita ang mga magulang ni Jin, Magulang ni Amber at ang pinsan ni Jin na si Steff kasama si Minami. "Wag kayong maingay." mahinang bulong ni Eiji.

Lalo silang nagulat ng makita si Amber. "Teka si Amber ba yan." tanong nila Sendoh, Mitsui, Maki, Fujima at Hanagata.

"Oo wag kayong maingay kay Jin hah." sabe ni Amber at nilapitan si Jin na nakapikit.

Halos hindi makapaniwala ang team dahil isang taon na ang nakalipas ng hindi manlang nagparamdam sa kanila si Amber. "Ibig sabihin magaling na sya?" tanong ni Sakuragi.

"Obvious ba gung gong ka talaga." pang iinis ni Rukawa.

"Ang tagal naman pwede na ba akong dumilat?" tanong ni Jin..

"Oo pwede kanang dumilat...

Nagtaka si Jin ng marinig ang boses ni Amber. "Amber ikaw ba yan? Minumulto mo ba ako?" tanong ni Jin habang nakapikit.

"Oo minumulto kita kaya pag di ka dumilat lalo kitang mumultuhin." ngiting biro ni Amber.

Halos hindi makapaniwala si Jin ng makitang nasa harap nya si Amber. "Amber ikaw ba yan? sabihin mong hindi ka multo, sabihin mong totoo ka. Bumalik kaba para sakin o bumalik ka para magpaalam." naiiyak na tanong ni Jin.

"Bumalik ako para mahalin ka. Nakapangako kasi ako sa isang tao na magpapagaling ako at magpapalakas para sa kanya. Alam mo ilang beses akong nasaktan pero lahat yun kinaya ko dahil mas masasaktan ako kung makikita kong nasasaktan ang mga taong mahal ko lalo kana Jin kaya bumalik ako rito para ituloy ang kwento nating dalawa." seryosong sabe ni Amber at hindi napigilan ni Jin na maiyak sa sobrang tuwa.

"Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon Amber. Walang araw na hindi kita naiisip akala ko kinalimutan muna ako, akala ko hindi kana babalik. Amber mahal na mahal kita salamat dahil nagpagaling ka para samin I love you." sabe ni Jin at niyakap ng mahigpit si Amber.

"Nakakatuwa naman may happy ending sila." sabe ni Fukatsu na hindi mapigilan maiyak.

"Salamat pinasaya mo pinsan ko." bulong ni Shen kay Moroboshi.

"Anything for you my sweet." ngiting sagot ni Moroboshi sabay kindat kay Shen.

"Ehem....

Tinanggal naman ni Jin ang pagkakayakap nya ng makita ang daddy ni Amber. "Sorry po tito masaya lang po ako dahil magaling na sya." nahihiyang sabe ni Jin.

"Ano kaba Jin wag kang huminge ng pasensya hindi ba kasal na kayong dalawa. Wag mong sabihin hindi pa dahil si Amber na mismo ang nagsabe samin nun." kwento naman ng Mommy ni Amber...

"Nasayo ba yung sing sing?" tanong ni Amber kay Jin.

"Nasa akin teka...

Binigay ni Jin kay Amber ang dalawang sing sing at tinawag nito si Moroboshi at Shen. "Pwede nyo ba kaming ikasal." utos ni Amber at natuwa naman si Moroboshi ganun din si Shen.

"Teka nga bakit naman ganun Amber ako ang pinsan mo tapos si Moroboshi ang magkakasal sa inyong dalawa panget nyo ka bonding." pagtatampo ni Minami.

"Panget ka rin naman kasing ka bonding wahahaha." pang aasar ni Sakuragi sabay tawa.

"Ano sisimulan naba namin?" tanong ni Shen.

"Simulan muna Shen." excited na utos ni Jin.

"Sandali lang Shen...

Lumapit si Amber sa mga magulang ni Jin at kinausap ito. "Tita at Tito salamat po sa pag tanggap nyo sakin. Maraming salamat din po dahil hindi nyo ko iniwan sa america kahit na may mga trabaho kayong maiiwan sobra ko pong naappreciate yung pag aalaga nyo sa akin ganun rin sayo Steff. Pangako ko po sa inyo na iingatan at aalagaan ko po si Jin maraming salamat po." sabe ni Amber at niyakap ang mga magulang ni Jin at si Steff.

"Wag mo na akong tawaging tita Mommy na lang tutal naman asawa kana ni Jin. Maraming salamat din sayo Amber dahil sayo kung bakit masaya ngayon ang anak namin." natutuwang sabe ng Mommy ni Jin..

Lumapit naman si Jin sa mga magulang ni Amber at kinausap rin ito. "Tita at Tito alam kong hindi ko mahihigitan ang pagmamahal ni Vladimir pero pangako ko po sa inyo na si Amber lang ang mamahalin ko hinding hindi ko po sya sasaktan at iiwan. Marami pong salamat sa inyo dahil tinanggap nyo ko." seryosong sabe ni Jin at niyakap naman sya ng mga magulang ni Amber.

"Tama na drama nag hihintay si father Moroboshi." natatawang sabe ni Sakuragi.

"Tara na wife ko." ngiting sabe ni Jin at hinawakan ang kamay ni Amber...

_______

JIN & AMBER 💙💜❤️

 ✅ 𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐂𝐀𝐒𝐓'𝐬 𝐎𝐔𝐓 𝐅𝐄𝐀𝐑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon