Nahihiyang humiwalay si Amber at Jin ng makita sila ng team na magkayakap. "Ikaw Jin hah nawala lang kami napaspasan mo agad si Amber." biro ni Sendoh.
"Sus ganyan ka din naman." sabat naman ni Rukawa..
Napapakamot na lang si Jin dahil sa hiya kaya naman umalis na si Amber at pumunta sa loob. "Jin si Amber na ba?" tanong ni Fujima.
"Magkaibigan lang kami wag nyong bigyan ng malisya yun." sagot ni Jin.
"MAG-KA-IBIGAN nga lang kasi sila." pang aasar ni Mitsui...
"Alam mo maganda si Amber at mukhang mabait pa di ba Hanagata?" tanong ni Maki at inakbyan ito.
"Ayoko sa mukhang doll." sagot naman ni Hanagata.
"So sinong gusto mo? Si Kiarra." tanong ni Hasegawa.
"Sinong Kiarra?" tanong ni Kiyota dahil familiar sa kanya ang pangalan.
"Kiarra din kasi ang pangalan ng kapatid ni Kiyota at sa SHOYO nag aaral tama ba Kiyota?" tanong ni Maki sabay tingin kay Hanagata.
Nagkatinginan na lang si Fujima at Hasegawa. Napaisip naman si Hanagata kung si Kiarra nga ba at ang kapatid ni Kiyota ay iisa.
"Alam mo Jin wala naman kasing masama buksan mo ulit ang puso mo malay mo naman si Amber pala ang para sayo. Isa pa walang masama sumubok ulit sa love." sabe ni Maki.
"Magkaibigan lang kami at ayoko muna isipin yang love." inis na sagot ni Jin..
Nagpaalam na si Amber sa girls at hindi na sya nagpahatid kay Jin o kahit kanino sa team dahil ayaw nyang asarin nanaman sya. "Hoy kayo yung pinag chichissmisan nyo umalis na." bungad ni Satomi.
"Umuwi na si Amber?" tanong ni Jin.
"Oo kanina pa wag daw namin sabihin sa inyo." singit ni Sasaki...
Nagmamadaling umalis si Jin dahil nagbabaka sakaling masundan pa nya si Amber. Umiiyak naman si Amber habang nag lalakad dahil naalala nya bigla si Vladimir sa katauhan ni Jin...
"Vladimir kung naririnig mo ko pakiusap alisin mo tong sakit sa puso ko na dinulot mo. Ang daya daya mo iniwan mo ko ang hirap hirap mag isa alam mo ba yun ang hirap hirap."
"Hindi kana man nag iisa." bungad ni Jin...
"Jin....
"Alam mo ba kaya ka nasasaktan kasi hindi mo sya pinapalaya parang ako nasasaktan ako kasi hindi ko rin mapalaya si Giezel. Amber kung nakikinig si Vladimir siguro hindi sya masaya kasi nakikita nya yung babaeng mahal nya na umiiyak." seryosong sabe ni Jin at pinunasan ang luha ni Amber.
"Salamat Jin. Bakit mo nga pala ako sinundan kaya ko naman umuwi mag isa." nahihiyang sabe nito habang nakatingin kay Jin
"Sabe ko naman sayo ako ang bahala sayo. Sinama kita dun kaya ihahatid din kita." ngiting paliwanag ni Jin.
"Thank you Jin ang bait mo....
"Hindi naman ako mabait may kalokohan din ako pero minsan lang....
Hinatid nga ni Jin si Amber sa apartment nito. "Bakit wala ata ang Mama at Papa mo?" nagtatakang tanong ni Jin.
"Nasa Osaka sila pero dumadalaw sila hindi kasi sila pwedeng mag stay dito dahil nasa Osaka ang trabaho ng Papa ko kaya ako lang mag isa dito." paliwanag ni Amber...
"Ah ganun ba sige Amber Good night." sabe ni Jin saka hinalikan si Amber sa pisnge.
"Good night din Jin..
Pagpasok nya tumingin sya sa salamin habang iniisip ang yakap at kiss ni Jin sa kanya. "Vladimir bakit magka ugali kayo ni Jin bakit ang bait din nya katulad mo." napapatanong ni Amber habang nakangiti...
Nakangiti naman si Jin habang nag lalakad papunta sa bahay nila Maki. "Ano ba yan Jin natotorpe ka pag dating sa babae." ngiting sabe ni Jin habang naglalakad...
![](https://img.wattpad.com/cover/261107309-288-k909824.jpg)
BINABASA MO ANG
✅ 𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐂𝐀𝐒𝐓'𝐬 𝐎𝐔𝐓 𝐅𝐄𝐀𝐑
FanfictionAmber Mimoto comes from a rich family who grew up with kind and loving parents, but she is also afraid to fall in love again since her boyfriend Vlademir died.... Is she ready to be inlove again?... Jin is admired by many women because of his abil...