"Matanong ko lang Amber di ba galing ka sa OSAKA edi sa TOYOTAMA ka nag aral dati?" tanong ni Mitsui.
"Hindi ako galing sa TOYOTAMA." sagot ni Amber.
"Ah akala ko kasi galing ka dun baka sakaling kilala mo si Minami." ngiting sabe ni Mitsui.
"Oo kilala ko sya kilalang kilala.....
Nagtaka tuloy si Jin ganun din sila Maki at Mitsui. "Kilala mo sya? pero sabe mo di ka galing sa TOYOTAMA paano mo sya nakilala?" takang tanong ni Mitsui.
"Secret kain na tayo." sabe na lang ni Amber saka ipinagpatuloy ang pagkain.
"Hindi kaya may relasyon silang dalawa dati?" bulong ni Sendoh kay Rukawa at Maki.
"Ewan ko wala akong pakialam sa kanila." seryosong sagot ni Rukawa.
"Baka naman wala baka naman kamag anak nya si Minami." sabe naman ni Maki.
Nang matapos kumain inutusan ni Maki si Kiyota na maghugas. "Bakit ako nanaman? Ako na nag buhat ako na tumulong kay Amber tas ako parin mag huhugas." pagrereklamo ni Kiyota.
"Ako na mag huhugas Kiyota maupo kana lang dun." utos ni Amber.
"Hindi ka talaga gentleman unggoy kaya tignan mo wala kang girlfriend whahaha." pang aasar ni Sakuragi.
"Bakit ikaw gentleman ka?" tanong ni Ryota kay Sakuragi.
"Aba oo naman." pagyayabang ni Sakuragi habang nakatingin kay Aicelle.
"Gentleman ka pala edi ikaw ang mag hugas." sabe ni Kiyota at binigay ang pinggan kay Sakuragi.
"Panindigan mo pagiging gentleman mo marami rami yan Hanamichi." pang aasar ni Ryota sabay tawa.
"Ako na ang mag huhugas Sakuragi." singit ni Jin at kinuha ang plato.
"Aba ang bait mo sige ikaw na gentleman galingan mo hah." sabe ni Sakuragi at iniwan si Jin.
Nilapitan naman ni Amber si Jin para tulungan ito. "Jin ako na dito kaya ko naman mag hugas baka mabasa kapa."
"Okay lang sa bahay naman nag huhugas rin ako wag ka mag alala di ako nakakabasag ng plato." biro ni Jin.
"Tulungan na lang kita." sabe ni Amber at kinuha ang plato.
Habang nag huhugas ang dalawa hindi maiwasan ni Amber na tignan si Jin. "Ang gwapo naman nito walang panget sa kanya...
"Hindi ka matatapos kung titignan mo ko." biglang sabe nito sabay ngiti kay Amber.
"Hala di naman kita tinitignan." pagkakaila ni Amber.
"Tinititigan lang."
"Hindi ah...
"Okay lang naman sakin na tignan mo ko at mas lalong okay sakin na titigan mo ko." seryosong sabe ni Jin at tinitigan ang mukha ni Amber.
"Bakit ganyan ka makatingin sakin?" tanong ni Amber.
"Kasi gusto kitang titigan." sagot ni Jin at lumapit pa ng husto kay Amber.
"Jin maghugas kana di tayo matatapos." namumulang utos ni Amber.
"Tinititigan pa kita." sagot ni Jin.
"Jin ano kasi naiilang ako." nakayukong sabe nito.
"Bakit naman?" tanong ni Jin...
"Gaano ba katagal mag hugas isang oras o dalawang oras?" bungad ni Mitsui kasama si Maki, Fujima at Sendoh.
"Kung may magandang babae akong kasama siguro dalawang oras di ba Jin." ngiting sabe ni Sendoh.
"Depende kung hugas lang gagawin namin." malokong sabe naman ni Maki.
BINABASA MO ANG
✅ 𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐂𝐀𝐒𝐓'𝐬 𝐎𝐔𝐓 𝐅𝐄𝐀𝐑
FanfictionAmber Mimoto comes from a rich family who grew up with kind and loving parents, but she is also afraid to fall in love again since her boyfriend Vlademir died.... Is she ready to be inlove again?... Jin is admired by many women because of his abil...