CHAPTER 3

1K 108 31
                                    

Wala na ngang nagawa si Amber kundi sumama kanila Maki para ipakilala sya sa buong team. "Wag ka mag alala Amber mababait naman yung mga yun." ani ni Ryota.

Habang papalabas sila ng library nakita naman sila ni Jin at Kiyota. "Amber bakit kasama mo si Maki?" nagtatakang tanong ni Jin.

"Bakit Jin nagseselos kaba?" ngiting tanong ni Maki sabay akbay kay Amber.

"Hindi nagulat lang ako kasi bago lang sya dito." sagot naman ni Jin.

"Sinabe ni Kiyota sakin na may nahanap na nga daw kayong manager hindi mo naman sinabe na mukha palang barbie si Amber ubod ng ganda." pambobola ni Maki

"Mitsui may number kaba ni Satomi?" tanong ni Ryota

"Meron bakit?" nagtatakang tanong naman ni Mitsui.

"Tawagan mo nga." utos ni Ryota.

"Kayo naman biro lang yun si Satomi lang ang maganda sa paningin ko. Alam mo Amber single yang si Jin." malokong sabe ni Maki.

Nahihiya naman si Jin ganun din si Amber. "Amber single din ako." sabat ni Kiyota.

"Hindi ka nya type di yan pumapatol sa unggoy." pang aasar ni Mitsui.

"Ano tara na wag ka mag alala Amber hindi ka namin pababayaan lalo na nandito naman si Jin di ba Jin." sabe ni Maki.

"Hah oo." sagot nalang ni Jin.

Pumunta sila sa bahay ni Maki at lahat ng team nandun maging ang girlfriend nila. "Ang dami nyo pala.....

"Wag ka mahiya ako bahala sayo." sabe ni Jin.

"Sya ba si Amber? Para kang doll nagsasalita kaba?" tanong ni Satomi.

"Grabe kana man Satomi. Hi Amber ako nga pala si Sasaki kapatid ni Kaede Rukawa." pagpapakilala nito

"Ako naman si Haruko....

"Hi Amber ako pala si Fukuda single baka lang naman single ka.....

"Kaede Rukawa."

"Akira Sendoh. Hi Amber ang ganda mo para kang anghel." ngiting puri ni Sendoh kaya nabatukan sya ni Nikay.

"Anghel pala hah." pagtataray ni Nikay.

"Sorry na baby."

"Nga pala bago kayo magpakilala si Amber ay dating basketball player din kaya sya yung kinuha ni coach Takato bilang manager." kwento ni Maki.

"Basketball player ka?" tanong ni Sakuragi.

"Oo bakit?" tanong naman ni Amber.

"Wala naman whahaha." natatawang sagot ni Sakuragi.

"Matanong kita Amber may boyfriend kana ba? kasi sa sobrang ganda mo imposibleng single ka." singit ni Satomi habang nakatingin kay Amber.

"Single na ako namatay kasi ang ex ko." sagot ni Amber na hindi magawang tumingin sa team.

"Wag ka mag alala Amber hindi ako mamamatay." sabe ni Hasegawa at hinawakan ang kamay ni Amber.

"Tigilan mo nga si Amber." inis na inalis ni Jin ang kamay ni Hasegawa sa kamay ni Amber.

"Wag kayong loloko loko yare kayo kay Jin." sabe ni Mitsui habang tumatawa.

"Jin nagseselos kaba?" tanong ni Hanagata.

"Hindi ayoko lang ng ganun baka kasi hindi na sumama si Amber satin." paliwanag ni Jin.

"Wag nga naman kasing ganun Hasegawa alam mo naman gusto ni Jin sya lang hahawak kay Amber." pang aasar ni Satomi..

"Hindi nga ganun eh kulit." inis na bulong ni Jin.

"Mula ng mamatay ex mo hindi kana naghanap?" biglang tanong ni Sendoh.

"Hindi na kasi hanggang ngayon mahal ko parin sya at hindi ko alam kung kaya ko syang kalimutan." sagot ni Amber

"Yun lang sarado ang puso nya sa iba." sambit ni Fujima sabay tingin kay Jin.

"So ibig sabihin walang chance na magmamahal ka ng iba?" tanong naman ni Rukawa.

"Hindi ko alam mahirap mag salita ng tapos basta ang alam ko mahal ko parin sya at kung may darating man sana hindi nya na ako iwan katulad ng pag iwan ni Vladimir sakin." sagot ni Amber.

"Alam mo ba namatayan din si Jin pero hindi naging sila kasi huli na bago nya naipagtapat sa babaeng mahal nya yung nararamdaman nya." kwento ni Maki.

Nalungkot naman si Amber ng malaman na pareho pala sila ni Jin ng pinag dadaanan. "Condolence Jin." sabe ni Amber.

"Wala na yun okay na ako salamat Amber...

"Kain na muna tayo Amber feel at home." yaya ni Satomi.

Natuwa naman si Amber sa pinakitang kabaitan ng team sa kanya. Inasikaso naman ni Jin si Amber at sya pa mismo ang naglagay ng pagkain. "Salamat Jin." wika ni Amber at inasikaso din nya si Jin.

"Napaka tamis talaga nito grabe ang sweet." pagpaparinig ni Mitsui, Kiyota at Sakuragi.

"Anong matamis ang pait kaya." sabe naman ni Rukawa na hindi masakyan ang sinabe nila Mitsui.

"Hindi kasi yang pagkain kundi ayun." ngiting turo ni Sendoh kanila Jin at Amber.

Nagtaka naman si Amber ng makita na hindi na kumakain ang team at nakatingin nalang sa kanila ni Jin. "Bakit?" nagtatakang tanong nito.

"Wala naman ang sarap nyo lang panoorin." sagot ni Maki.

Nang matapos kumain nag usap si Jin at Amber sa labas. "Masaya kaba Amber?" tanong ni Jin.

"Oo bakit mo natanong?" tanong naman ni Amber.

"Wala naman para kasing ang lungkot ng mga mata mo. Iniisip mo yung ex mo? Alam mo kahit ako di ko makalimutan si Giezel sayang nga eh di ko manlang nasabe sa kanya na mahal ko sya bago sya namatay." malungkot na kwento ni Jin.

"Bakit kaya nila tayo iniwan? Bakit kaya sila namatay ng ganun ka aga? Minsan napapaisip ako bakit sya pa bakit hindi na lang yung iba. Bakit si Vladimir pa na mabuti ang puso hindi ba Jin." seryosong sabe ni Amber

"Siguro dahil hindi sila yung para satin kaya sila kinuha." sagot ni Jin

Nakatitig naman si Jin kay Amber. "Pwede ba kitang yakapin?" tanong ni Jin.

Lalong lumakas ang tibok ng puso ni Amber ng yakapin sya ni Jin. "I miss Giezel Amber." bulong ni Jin.

Hindi alam ni Amber kung yayakapin din ba nya si Jin basta ang alam nya ang lakas ng tibok ng puso nya...

 ✅ 𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐂𝐀𝐒𝐓'𝐬 𝐎𝐔𝐓 𝐅𝐄𝐀𝐑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon