CHAPTER 15

714 105 9
                                    

Pag uwi ni Amber nagulat sya ng bukas ang bahay nya. "May bisita kaba?" tanong ni Jin.

"Wala." sagot ni Amber...

Pumasok sila sa loob at nakita nila ang tatlong lalaki. "Hoy sino kayo....

Nakita nila na kinukuha ng mga lalaki ang gamit ni Amber kaya naman galit na galit si Jin "Hayaan mo na sila Jin baka saktan nila tayo." sabe ni Amber.

Lumabas naman ang tatlong lalaki pagkatapos nilang makuha lahat ng gamit na nasa loob. "Hindi kana safe dito Amber babalik at babalik parin sila dito." seryosong sabe ni Jin saka hinawakan ang kamay nito.

"Kaya nga eh hayaan mo maghahanap na lang ulit ako ng apartment yung mas safe." sagot ni Amber..

"Hindi kana maghahanap ng apartment dahil sa bahay kana namin titira." seryosong sabe nito at nagtaka naman si Amber.

"Ano? Jin hindi pwede nakakahiya kay Shen tska isa pa ayokong pag isipan nila tayo ng di maganda pag dun ako tumira....

"Mas iniisip mo sasabihin ng iba kesa sa kapakanan mo? Kung wala ako kanina baka hindi lang gamit ang nakuha sayo baka pati ikaw naisip mo ba yun....

"Sorry Jin ayoko lang naman kasi na masira ang image mo dahil sakin. Kapag nagsama tayo sa iisang bahay. Satin wala lang yun pero sa iba big deal yun." paliwanag ni Amber kaya lalong nagalit si Jin.

"Bakit ba ibang tao ang iniisip mo wala akong pakialam kung masira image ko. Sige dun ka tumira sa bahay ako mag aapartment siguro naman okay na yun. Hindi ako makakatulog Amber kapag alam kong di ka safe..

"Galit kaba?" tanong ni Amber.

"Hindi at kahit kailan di ako magagalit sayo." sagot ni Jin.

"Payag na ako na dun tumira wala na rin akong pakialam kung ano isipin nila sakin basta ang mahalaga yung nararamdaman mo. I'm sorry Jin at salamat dahil nandyan ka lage para sakin bati na tayo."

"Ayoko nga." sagot ni Jin habang nakangiti.

"Sorry na please....

"Kundi ka lang cute di kita patatawarin. Halika na uwi na tayo sa bahay natin este sa bahay ko pala." biro ni Jin.

Tinulungan ni Jin na mag impake si Amber at pag dating nila nakita nila na nanonood si Shen ng movie kasama si Maki Sendoh, Mitsui, Fujima, Ryota, Kiyota at Sakuragi.

"Hi Jin." bati ng team..

"Anong ginagawa nyo rito gabi na hah." takang tanong ni Jin at tumingin naman ang team kay Amber.

"Hi Amber wag ka mahiya." anya ni Shen at pinaupo ito.

"Anong ginagawa ni Amber dito?" tanong ni Maki.

"Wag mong sabihin may something kayong gagawin ikaw Jin hah." pang aasar ni Mitsui.

"Nilooban si Amber nakuha halos lahat ng gamit nya kaya nag desisyon ako na dito na sya tumira dahil di na safe sa apartment nya." kwento ni Jin at nagulat ang team ganun din si Shen.

"Nasaktan kaba?" nag aalalang tanong nila Maki.

"Dalawa lang kami ni Loisa sa bahay gusto mo dun kana lang." suggest ni Sendoh na nag aalala rin para kay Amber

"Ako Amber mag isa lang pag dun kana tumira dalawa na tayo." natatawang sabat ni Mitsui.

"Hindi pwede sa bahay sorry Amber." singit ni Sakuragi sa usapan habang kumakain.

"Hindi rin pwede sa bahay kasi nandun si Kiarra isusumbong ako nun kay Mama at Papa kapag nagpatulog ako ng babae dun." paliwanag naman ni Kiyota.

"Hindi rin kasi pwede sa bahay ko nag iisa lang ako baka iba isipin ni Ayako kapag magkasama tayo ayoko pa naman nasasaktan yun sorry Amber." seryosong sabe ni Ryota na nag aalala din para kay Amber.

"Hindi na nya kailangan tumira sa inyo dahil dito sya titira sakin." sagot ni Jin at tumawa naman ang team at si Shen.

"Binata na si Jinpot." pang aasar ni Shen.

"Jinpot ka pala." sabay na tumawa sila Sakuragi at Kiyota.

"Pasensya na kayo wag nyo sana ako pag isipan ng di maganda. Kapag naging okay na aalis rin ako dito." nahihiyang sabe ni Amber.

"Wag ka huminge ng pasensya Amber ayos lang yun maganda nga kung araw araw na magkasama kayo ni Jin para getting to know each other." ngiting sabe ni Sendoh habang kinikilig.

"Getting to know each other." napapakanta naman ang team habang inaasar sila Jin...

"Magsiuwi na nga kayo gabi na. Mag aaral pa kami." utos ni Jin sa team.

"Teka may assignment nga pala ako pwede ba dito na lang ako mag aral." biglang sabe ni Kiyota.

"Para getting to know each other." natatawang pang aasar nila Mitsui at Maki..

"Layas dun kayo sa bahay nyo mag aral." naiinis na turan ni Jin.

"May assignment rin ako parang maganda nga dito mag aral." sabat ni Ryota at Sakuragi.

"Para getting to know each other." pang aasar ulit ng team.

"Mga loko loko kayo sandali kukuha lang ako ng pagkain." anya ni Shen at nagtungo sa kusina.

"Amber saan subject ka magaling?" tanong ni Maki.

"Sa english tska sa science bakit?" nagtatakang tanong naman ni Amber.

"Akala ko magaling ka sa math para sana masolve mo ang problema ni Jin sa puso." sabe ni Maki sabay tawa ng malakas.

"Maki naman wag si Amber." bulong ni Jin

"Bakit wala naman akong sinabe hah." sagot ni Maki.

"Alam mo si Jin magaling sa lahat yan yun nga lang bumagsak sya." kwento naman ni Mitsui.

"Saan sya bumagsak?" tanong naman ni Amber.

"SAYO di mo kasi sya kayang ipasa sa puso mo." pang aasar ni Mitsui habang tumatawa.

Natatawa si Amber sa mga banat ng boys habang si Jin naman naiinis na. "Hay naman pwede ba umuwi na kayo." sambit ni Jin.

"Pag naging dragon yan si Jin tatalsik tayong lahat." pananakot ni Sendoh habang tumatawa.

"Ako Jin tahimik lang." sabat ni Fujima habang nakangiti.

Naiinis na lumabas si Jin kaya naman nagtatawanan ang team saka pinuntahan si Jin sa labas. "Sorry na Jin pinapalakas ka lang namin kay Amber." sabe ni Sendoh saka inakbayan ito.

"Ayaw na kasi namin matulad yung nangyare sa inyo ni Giezel na hindi mo nasabe na mahal mo sya kaya kami na ang nagsasabe." paliwanag naman ni Mitsui habang tumatawa.

"Nasabe ko na nung sunday sinabe ko sa kanya na mahal ko sya." kwento ni Jin at sumigaw si Sakuragi.

"JINPOT namin binata na." sigaw ni Sakuragi habang tumatawa.

"Tumigil ka Hanamichi ang ingay mo." saway ni Ryota.

"Anong sagot ni Amber?" tanong ni Fujima Maki at Sendoh.

"Mahal din daw nya ako." sagot ni Jin.

Niyakap nila si Jin at hinalikan naman ni Sendoh Sakuragi Mitsui at Kiyota si Jin sa pisngi. "Nakakadiri kayo." naiinis na turan ni Jin kanila Sakuragi...

 ✅ 𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐂𝐀𝐒𝐓'𝐬 𝐎𝐔𝐓 𝐅𝐄𝐀𝐑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon