Chapter 21.2

258 4 1
                                    

Kathryn's POV

Christmas Party namin ngayon. Diba, dapat mag-saya kasama ang mga kaklase? Kumain ng sama-sama, magbigayan ng mga regalo, pero ginugulo ako ng isipan ko. Ginugulo ako ng nangyaring eksena kanina sa classroom. Sumasakit na nga ulo ko eh. Bakit ganun? Sobrang sama ko ba dahil napaiyak ko ang lalaking mahal ko dahil sa mga lumabas na mga salita sa akin kanina? Bakit parang ako pa ata ang mas nahihirapan at mas nasasaktan?

Pero di ko napigilan eh. Sa sobrang galit at sobrang inis ko kay Daniel, bigla ko nalang sinabi yun sa kanya. Sino ba sa amin ang mas mali? Siya ang unang nanuntok at gumawa ng gulo pero siya ang parang mas nasaktan kesa dun sa taong pinadapuan niya ng kanyang kamao.

"Pwede ba Daniel! Umalis ka muna! Nagsimula ka na nga ng gulo dito, di ka pa nahiya?!"

Naaalala ko yung ginawa kong pagtulak kay Daniel. Yung pagpapaalis ko sa kanya. Parang wala naman akong nakikitang mali ah? Pinapaalis ko lang naman siya para hindi na lumala pa ang gulo. Siya naman itong nagsimula eh. Kung hindi niya ginawa yun, edi sana nasa classroom pa kami ngayon at nagsasaya! Mabuti nang wag muna siyang magpakita. Parang mainit parin dugo ko sa kanya..

"Kath..." tawag sa akin ni Dominic na nakahiga sa kama dito sa clinic. Gising na pala siya.

Napabangon ako, "Kamusta ka na Dominic?" tanong ko sa kanya. Bilang kaklase, sobra ang pag-aalala ko sa kanya. Malakas ang pagsuntok sa kanya ni Daniel. Talagang pumutok ang labi.

"Ayos na ako Kath. Ilang oras na ba ako dito sa clinic?" Sinubukan niyang umupo pero pinahiga ko ulet siya.

"Humiga ka muna. Magpahinga ka pa." Sumunod naman siya at humiga na ulet,  "2 hours ka na dito Dom. Masakit pa ba yang sugat mo sa labi?"

"Hindi na masyado. Konti nalang. Medyo matagal na pala ako dito."

I sighed, "Sorry nga pala kanina sa inasal sayo ni... ni Daniel. Hindi niya dapat ginawa yun."

"Kath, hindi mo kailangang mag-sorry. Hindi ka nga dapat nandito at binabantayan ako eh."

Tiningnan ko siya, "Ha? Bakit? Di kita maintindihan."

"Hindi lang ako ang napuruhan. Tandaan mo Kath, di man nasaktan physically si Daniel, pero alam ko na nasaktan din ang puso niya." Pagkasabi niya nun, bakas sa mukha niya na nalulungkot siya sa nangyari.

"Wag mo na siyang intindihin. Siya naman itong nag-umpisa ng gulo eh!" Medyo inis kong sabi. Mas inalala niya pa si Daniel kaysa sa sarili niya.

"Pero Kath.." *sigh*

"Ano Dom? Sabihin mo.."

"Kath, I'm sorry. Ako naman talaga itong may kasalanan ng lahat. Ako dapat itong sisihin sa nangyari." then hinawakan niya ang kamay ko, "Patawarin mo ako. Nagsisisi ako sa ginawa ko. Dahil sa akin, nasira ko pa ata ang relasyon niyong dalawa ni Daniel. May gusto kasi ako sayo Kath noon pa. At ngayong nagpair tayo for that game, nagawa kong magtake-advantage. Alam mo na yun Kath. Alam mo na kung ano ang ginawa kong di maganda sayo. Kumbaga parang pambabastos na yun sayo. Parang di ko mapapatawad sarili ko dahil dun.."

"Dominic.."

Pinapatigil ko na siya, pero nagpatuloy lang siya sa pagsasalita.

"Si Daniel, may namumuong tensyon sa amin kanina. Binigyan ko siya ng isang tingin na talagang may plano akong masama sayo. Agad niya yung nakuha. Nagpipigil pa siya Kath. Nung napunta na yung card sa ating dalawa, dun ko na sinimulan ang plano ko. Pero, agad akong pinigilan ni Daniel. Agad niya akong pinatamaan ng suntok. Masakit yun, oo. Pero bigla akong nagising. Narealize ko, mali pala ang ginawa ko. Kath, ginawa lang naman niya yun dahil ayaw kang binabastos ng ibang tao. Ayaw niyang ginagawan ka ng masama. Dahil mahal ka niya Kath. Mahal ka niya. Sana Kath, patawarin mo ako.."

Win Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon