Chapter 23.2

101 1 0
                                    

Kathryn's POV

"Kathryn Gail De Ocampo.."

"Present sir!" Sabay taas ng kamay at nagbigay ng pahabol na ngiti sa aming teacher. Ewan ko ba bakit super saya ko ngayon. Pagkagising ko palang kaninang umaga, nagkaroon na agad ako ng pakiramdam na magiging maganda ang araw ko ngayon. Ano bang nakain ko? Simpleng hotdog at itlog at sinangag lang naman ah? Wala naman sigurong hinalong kung ano ang nanay ko sa kinain ko. Ay ewan! Kaloka! I feel weird..

At alam niyo ba kanina, pagkapasok ko agad sa gate ng SJA, di ko mapigilang batiin ang bawat estudyanteng madaanan ko kahit di ko kakilala. Isang nakapagtatakang tingin tuloy ang natatanggap ko. Kasi naman noh, parang feeling close lang ako diba? Kahit sino, sinasabihan ko ng "Good Morning! Have a nice day! =)))))))))))". Nagmukha tuloy akong parang senador na humahabol. Buti nga hindi natuyo ang laway ko kakasalita!

"Daniel Lee Estacio.."

"Sir, wala po!"

Ano? Wala daw si Daniel?

Tumingin naman ako sa pwesto ni Daniel. Wala nga siya. Saan na naman kaya pumunta yun? Yan tuloy, sa sobrang weird ng pakiramdam ko hindi ko man lang napansin na wala pa pala si Daniel.

"Luigi, bakit daw wala si Daniel?" tanong ko kay Luigi na nasa harap ko.

Lumingon naman siya, "Di ko rin alam eh. Wala naman siya sinasabi sa akin na mag-aabsent siya."

Nalungkot naman ako sa sinabi niya, "Di kaya may sakit yun ngayon?"

"Kasama pa lang namin siya kagabi eh. You know, jamming jamming lang. Kakadating lang kasi nila nung Saturday from their vacation in Davao. Wala naman akong napapansing iba sa kanya."

Lalo tuloy akong nalungkot nung narinig ko ang vacation. Buong vacation ko, di ko naman nakausap si Daniel. Well nung una, nakausap ko pa. Pero naintindihan ko naman siya eh. Na sinabi sa kanya na huwag muna hawakan ang cellphone. Kaso lang, namiss ko siya eh! Oo na, namiss ko siya! Wala akong natanggap na text at call sa kanya weeks ago. Pero bakit nung Sabado, wala pa rin akong natanggap? Kahit pangangamusta lang or simpleng hi, wala :(

Siguro pagod lang mula sa biyahe. Kaya nagpahinga na muna.

Pagod? Eh nagjamming pa nga daw sila eh sabi ni Luigi! Meron kayang sobrang pagod na nga tas nakuha pang tumugtog?

"Kath.. Uy Kath!"

"Bakit Luigi?"

"Puntahan mo kaya siya sa bahay mamayang dismissal kapag di pa rin pumasok. O kaya itext mo siya ngayon habang nasa labas ang teacher natin. Dali!"

"Oo sige!" Dali-dali ko namang kinuha ang phone ko sa bulsa ko. "Hindi ko na siya itetext, tatawagan ko nalang siya!"

Sinearch ko ang name ni Daniel sa contacts ko at agad pinindot ang call.

Jealousy, turning saints into the sea..

"Nagriring ang phone niya. Bakit parang ang tagal naman bago niya sagutin?"

Nakatingin lang si Luigi sa akin at hinihintay rin na sagutin ng kaibigan niya ang call ko.

Kaso biglang bumalik ang teacher namin kaya naman bigla ko rin binalik ang phone ko sa bulsa ko. Wooh. Muntik na ako mahuli. Baka maconfiscate pa ang phone ko.

"Bakit kaya di niya sinagot?"

Nag-isip ng maigi si Luigi, "Baka puyat! Baka nasa bahay pa yun at natutulog."

Tumingin ako sa kanya, "Hanggang anong oras ba kayo nagjamming kagabi?"

"Hanggang 9 lang nga eh. Masyado na bang late yun?"

Win Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon