Chapter 13: Sorry

339 8 6
                                    

A/N: Bakit ganyan? Ayaw tumigil ng ulan. Feeling bagyo. Haynako. Sana, lahat tayo safe. Mga Pilipino talaga, kahit anong unos ang dumating, hinding hindi susuko. Hinding hindi uurong. Kaya tayo, yung mga hindi naapektuhan ng baha, kung di man tayo makapagdonate ng relief goods, ang tanging magagawa natin ay pagpray sila. It works! :)

--

Daniel's POV

"Yuck! Ang sama ng lasa! Sobrang alat!"

Hanggang ngayon, I feel guilty sa sinabi ko kahapon kay Kath. Alam kong dapat hindi sabihin yun dahil for sure, masasaktan siya. Pero itong lintek na bibig ko, di napigilan. Ano bang nangyayari sa akin? Minsan, sobrang bait ko kay Kath, sobrang sweet ko sa kanya. Pero, minsan sinusumpong din ako ng kasungitan ko. Hindi naman ako ganito dati ah?

Nasaktan ko si Kath. Nag-away kami ni Vash. Lahat ng ito, kasalanan ko eh. Kasalanan ko talaga. Kaya nga siguro hindi ako pinatulog kagabi dahil ginugulo ako ng konsyensya ko.

Ngayon, nag-iisip ako ng paraan para makapagsorry kay Kath at kay Vash. 

Puntahan ko kaya si Kath ngayon? 

Wag na. Nahihiya akong puntahan siya. Baka naman hindi niya ako kausapin. O kaya baka kapag nakarating na ako dun, hindi lang ako makapagsalita. Baka matiklop lang ako.

Itext ko nalang kaya siya?

Hinanap ko ang phone ko sa kama, wala. Hinanap ko sa cr, wala rin. Hinanap ko sa mga libro ko, sa ref, sa toilet, wala rin! Nasan ba yun?!

Teka nga?!

Hawak ko pala ang phone ko! Hay nako ang tanga mo Daniel kahit kailan!

Deadbat na pala itong phone ko! Kailangan ko ng icharge ngayon din.

Kinuha ko ang charger ko sa drawer then chinarge ko ang phone ko. Ayun! Nagchacharge na!

Pagkabukas ng phone ko, bakit walang signal? No service? Ganito lang talaga ito sa una. Maghihintay nalang muna ako.

After 5 minutes. 10 minutes. 20 minutes.

"WAAHHHHHHHH! Bakit wala?! Bakit ba wala kang service?!" sigaw ko sa phone. Nakakainis. Luluwa na ang mata ko kakatitig sa phone ko wala pa rin talagang service!

Pinatay ko ang phone ko at binuksan. 

Takte! Wala palang sim! 

Nawawala nga pala yung sim ko! Pano na yan?! Ang alam ko, tinanggal ko yung sim ko sa phone ko then inipit ko yun sa Math Notebook ko. Pero, nawawala din ang Math notebook ko! Ang malas ko naman! Ngayon lang ako tinamaan ng kamalasan sa buong buhay ko! Pano na nga pala kami magkakatext ni AgentYellow? Nakasave ang number niya sa sim ko at hindi sa phone! Hindi ko rin isinulat. Hindi ko rin memorized.

Patay.

Tsaka nga pala, paano ko maitetext si Kath? Eh hindi ko naman alam ang number niya! Ni isang digit, wala akong alam. 

Wala ng kwenta itong phone ko. Itatago ko nalang nga! Nakakainis. Wala na, hindi ko na makakatext si AgentYellow. Paano ko pa kaya siya makikilala?!

Maliligo nalang nga ako dahil papasok pa ako sa school. Para naman kahit papano lumamig ang ulo ko kakaisip sa mga kamalasan na nangyayari sa akin! -__________-

--

Kathryn's POV

Nandito na ako sa harap ng gate ng school namin. Papasok na sana ako sa loob ng school pero may biglang napatulak sa akin kaya nahulog ang mga books na hawak hawak ko.

Win Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon