Chapter 8: Chismis
Kathryn's POV
Kasalukuyan ako ngayong nag-aayos para sa pagpasok ko ngayong umaga sa school. Medyo nagmamadali ako at tarantang-tarantang nagsusuot ng medyas dahil ako ay malelate na.
"Kathryn! Aba'y ang tagal mo namang mag-ayos jan anak! Malelate ka na sa school mo!" sigaw sa akin ni Mama na nasa baba at inaayos ang aking lunch.
"Teka! Sandali lang! Ayan na po!" sigaw ko naman sa kanya pagkatapos kong maisuot ang aking sapatos at sinuot ang aking ID. Sa ID ko, may makikita kang isang napapangit na nilalang na magsisisi ka kapag tiningnan mo iyon.
Kinuha ko na ang bag ko. Tinanggal ko na rin sa pagkakacharge ang aking cellphone na magdamag na nakacharge, para sure fully charged diba?
"Eto na ang lunch mo. Mag-iingat ka ha." sabi ni Mama sa akin sabay kiss sa aking cheeks.
"Sige po. Bye Ma." then lumabas na ako ng bahay tsaka sinara ang gate.
Nagpara ako ng tricycle. Buti nalang at hindi natakot sa kapangitan ko si manong driver.
"Manong? Pwede po bang pakibilisan niyo akong ihatid sa St.John's Academy? Medyo late na po kasi talaga ako eh." pakiusap ko kay Manong Driver with a sweet voice. Sana naman hindi siya mandiri sa ginagawa ko :)
"Ah. Sige iha." sabi ni Manong na medyo may katandaan na.
Habang nakatingin ako sa labas ng tricycle, naramdaman ko nalang bigla na nagvibrate ang cellphone ko. Nakita ko sa flash ng screen ang name ng aking bestplennn.
Bes'Julia
Bestfriend. Kailangan mo nang pumasok dito sa school. Ngayon din.
Ano kaya kailangan ng bruhang ito? Wala na naman bang assignment ito kaya mangongopya sa akin? Aish. Lagi nalang ganito si Julia. Habit na talaga niya ang mangopya ng assignment sa akin -_____-
Pero pinakaba ako ng text ni Julia.
Hindi ko namalayan, nandito na pala kami sa harap ng gate. Bumaba na ako tsaka nagbayad kay Manong driver.
Noong papasok na ako sa hallway ng school, napansin ko na nakatingin lahat ng students sakin.
"Look. Ayan na yung malanding pangit."
"Eww. Bakit naman ba pinatulan yan ni Daniel? Bulag na ba si Daniel?"
Ano bang problema ng mga to? Titingnan ako ng masama tsaka magbubulong-bulong ng kung ano-ano. Hindi ko sila maintindihan! Mga alien ata ang mga ito eh!
Nakita kong mabilis na naglalakad papunta sa akin si Julia. Yung mukha niya, ewan ko ba parang nag-aalala sa akin at maraming nakahandang sasabihin.
"Bestfriend. Sumama ka sa akin." sabi sa akin ni Julia tsaka niya ako hinablot sa braso at dinadala papuntang covered court.
At ayun nga, lahat ng tao, hindi talaga ma-alis ang tingin sa akin. Ano ba ang ginawa ko?! Kapag pangit ba talaga, ganun na ang tingin sa akin? Please lang. Wag niyo ako patayin ng mga tingin niyo.
Noong nakarating na kami sa covered court, dinala ako ni Julia sa bulletin board.
May nakita akong isang picture, si Daniel at yung kahalikan niyang babae.
Dumating si Raezel, kasama ang kanyang angkan na punong-puno ng make-up ang mga mukha.
"Look girls. I can't believe this! Kahalikan ni Daniel ang babaeng pangit na ito!" sigaw ni Raezel sabay turo sa akin.

BINABASA MO ANG
Win Your Heart
FanfictionThe nerd Kathryn Gail De Ocampo meets the oh-so-yabang transferee of St. John's Academy, Daniel Lee Estacio, who turned out to be her textmate. She is also secretly in-love with their campus heartthrob, Vash Carter Choi. Pero, lingid sa kanyang kaal...