Kathryn's POV
And yeah. Ilang weeks na ang nakalipas, pero hindi pa rin ako makamove-on sa unforgettable night namin ni Vash! Super! Kinikilig pa rin ako! Dahil nga dun, lalo kaming naging close sa isa't isa. Pero bago kayo magreen, sinasabi ko po sa inyo, na ang night na tinutukoy ko ay dinner date. OKAY?! I just wanna make things clear. Baka na naman kasi may kumalat na chismis na nakakagulantang talaga gaya ng dati. Ayaw ko na maulet pa yun!
Pero, mayroon pa rin akong isang bagay na inaalala. At hindi ko alam kung paano ba alisin sa isipan ko ang pag-aalalang yun. Di kasi ako makatulog gabi-gabi eh. Natatabunan na nga ang mga mata ko ng eyebags! Poor me :(
About ito dun sa dinner date namin ni Vash. Yung hahalikan na niya ako? Jusko po sayang yung kiss na yun. Kahit na ba hindi siya ang first- ay pwe! Naalala ko tuloy yung first kiss! Shet shet! Bakit ba kasi siya pa naging ang first kiss ko?! Bwisit na Daniel yan!
Pero at least, si Vash na rin naman siguro ang last ko diba? DIBA? DIBA?
Hmm, sa tingin niyo, sino kaya yung kumuha ng picture naming dalawa?! Sa sobrang lakas ng flash, hindi ko nakita kung sino! Nasilaw ang mata ko!
Wahh! Baka kasi kumalat yun at gawan na naman ako ng chismis!
We all know naman kasi na si Vash ay napakafamous sa school. Yung tipong lahat na ata ng girls eh tinitilian siya! Including me! *ehem* Inaamin ko naman eh.
Pero akalain niyo yun diba? Matagal na akong may crush sa kanya - teka, crush nga ba? o mahal na?! Pero echos oh! May pagtingin din pala siya sa akin! Pangit palang ako nun. Ano ba ang nagustuhan niya sa akin?!
Kaya nga, kapag kumalat na na parang utot ang picture naming dalawa, mamamatay ako ng di oras! Susugurin lang naman ako ng kanyang mga fans!
"Uy. Anong iniisip mo? Kanina ka pa tulala jan ha!"
Hulaan niyo kung sino kasama ko?
Si Batman! Na naka-batman mask ulet! Kailan ba niya sasabihin kung sino talaga siya?!
Pero, i feel something weird. Kasi, parang naaamoy ko si Vash sa tuwing kasama ko siya. It's like they use the same perfume?
Super adik na talaga ako kay Vash na pati amoy niya, kabisado ko na.
Nagsawsaw ako ng fries sa aking float then sinubo, "Ahh. Wala. Medyo masakit lang ulo ko."
"Ha?! Bakit?" Medyo gulat niyang sabi.
"Uyyy concern siya sa akin. Hihihi ano kasi, hindi ako masyadong nakakatulog every night eh."
"Nako. May problema ka ba? Sabihin mo sa akin, tutulungan kita. You know, I'm your Batman." sabi niya sa akin sabay wink at turo sa akin.
"Di ko alam kung tatawagin ko ba talaga problema pero kasi nag-aalala ako. Hay nako! Wag na nga natin pag-usapan yan!"
"Bakit naman? Wala ka bang tiwala sa akin?"
Pinalo ko siya sa braso pero mahina lang, "Eto naman! Tampo agad?!"
"Eh kasi, ayaw mo ishare sa akin yung inaalala mo eh. Ang selfish mo.."
"Hindi naman ako selfish noh." Inabutan ko siya ng fries, "Yan. Di ako selfish. Namimigay ako ng fries." ^_^
"....."
Tiningnan niya lang ako. Teka, nagsitaasan mga balahibo ko. Kanina pa ito! Baka parang, kilala ko ang mga matang yun?
"Hindi mo talaga sasabihin?" Seryoso niyang sabi. Shet. Galit ba siya?
BINABASA MO ANG
Win Your Heart
FanfictionThe nerd Kathryn Gail De Ocampo meets the oh-so-yabang transferee of St. John's Academy, Daniel Lee Estacio, who turned out to be her textmate. She is also secretly in-love with their campus heartthrob, Vash Carter Choi. Pero, lingid sa kanyang kaal...