A/N: Pasensya nga po pala kung ngayon lang po ang update. Kakatapos lang po kasi ng exams namin nung Saturday and nagmall din po kami kahapon with friends kaya wala pong time. Pasensya na po talaga. Nahihihya na po ako sa inyo kasi puro nalang pasensya. Pero sana po, wag po sana kayong tumigil sa pagbabasa ng story na ito! Thank sa mga readers kasi nakaabot na ito ng 1k. Super saya ko! :)
--
Kathryn's POV
Mcdonald's
9:00 PM
Nakakabwisit talaga naman oo yung Estacio na yun! Yung matagal ko nang hinahanap na panyo na napakaimportante talaga sa akin eh nasa kanya pala?! Hindi man lang niya inisip na ibalik sa akin?! Almost one month kong iniisip kung saan ko ba naiwan yun. Kung sa canteen ba or sa classroom or sa hallway. Kahit na ba pipitchuging panyo lang yun eh may sentimental value yun at pinakaiingatan ko noh! Kahit kailan hindi ko pinampunas sa sapatos ko yun or isininga ang sipon ko dun dahil ayaw kong madumihan ng sobra.
Basta, everytime na hawak ko ang panyong yun, masaya na ako. Kumpleto na ang araw ko.
Eh gusto niyo bang malaman kung bakit nakapaimportante sa akin ng panyong yun?
Yun kasi ang panyong ibinigay ni Vash sa akin nung time na nakita niya akong umiiyak sa rooftop ng school because nag-away kami ni bestfriend Julia. Yun din ang time na nagkaroon ako ng crush sa kanya. I was still 2nd year high school that time. Dati, hindi ko siya pinapansin. Kahit na ba gwapo siya noong una ko siyang makita sa St.John's, kahit na ba tinitilian siya ng mga girls na nagkakandarapa sa kanya sa tuwing dadaan siya, walang naging impact sa akin. Wala talaga.
Pero nung siya ang nagcomfort sa akin na hindi ko kailanman inakalang gagawin niya yun, nagkaroon ako ng crush sa kanya. Hinangaan ko ang pagiging mabait niya, matulungin, gentleman at hindi snob. Lahat na talaga ng mga katangian na hinahanap ko sa isang lalaki, nasa kanya na! Noong nagsabog ng kagwapuhan at kabaitan ang Diyos, may dalang hindi lang tabo, kundi isang dram at iilang batya ang Vash ko at sinapo lahat! Hindi ka talaga magtataka kung bakit madami ring babae ang humahanga sa kanya. Isama mo pa ang mga binabae. Aw!
At habang tumatagal, lalong nahuhulog ang loob ko sa kanya. 2 years na rin. Ang tagal na noh? Sana, ngayon, magkaroon naman ng himala. Na sana, magkaroon ako ng isang relationship with him na pinapangarap ko talaga. Siya kaya, kamusta ang feelings niya para sa akin? Nabulok na kaya?
Sana naman hindi.
Bakit ba kasi wala akong lakas ng loob para sabihin sa kanya ang nararamdaman ko? Besides, kung sasabihin ko, hindi naman niya siguro tatanggihan noh? Pero ang pangit naman ata tingnan nun? Parang ako pa yung nagmumukhang nanliligaw sa kanya. Mas mainam siguro kung hihintayin ko nalang ang first move niya.
At sana lang, hindi ako mainip.
Pero walang inip inip kung mahal mo talaga diba?
Mahal ko ba talaga or is this just some sort of infatuation?
Napakadaming katanungan ang umiikot sa isipan ko.
Bago ako matulog, iniisip ko siya. Kapag nakatulog ako, napapanaginipan ko siya. Tapos paggising ko sa umaga, siya at siya rin ang laman ng isipan ko.
Hindi kaya...
Destined talaga kami sa isa't isa?!
Kath, wag assuming!
I looked at my phone. Wallpaper si Vash. Everytime I look at his angelic face, I feel safe. Because I know there's an angel who will guard me whenever and wherever I go. Habang tumatagal, lalo kong nakikita ang kanyang mga pakpak at ang halo niya! Lagi nalang kasi niya ako pinagtatanggol. Tulad nalang nung dahil sa adobo. Tiniis niyang kainin ang adobo kong bulok at may pinakamasamang lasa just to give compliments. Kinilig ako dun sa mga sinabi niya grabeeee :")
BINABASA MO ANG
Win Your Heart
FanfictionThe nerd Kathryn Gail De Ocampo meets the oh-so-yabang transferee of St. John's Academy, Daniel Lee Estacio, who turned out to be her textmate. She is also secretly in-love with their campus heartthrob, Vash Carter Choi. Pero, lingid sa kanyang kaal...