Chapter 11: The Gift

357 5 2
                                    

A/N: Heluuu! Pasensya po kung medyo napatagal sa update. Busy po kasi masyado sa school eh. Ayun. Enjoy sana kayo sa update ngayon! :)

--

Kathryn's POV

Sino ba itong mga dambuhalang nanggugulo sa akin at niyuyugyog pa? Ke-aga aga eh nambubulabog ng bahay! Hindi naman new year! Kita na nga na mahimbing akong natutulog eh! Beauty rest to mga ati! :)

"Kath, wake up!" narinig kong sabi ng isang boses babae na alam kong sobrang napakadaldal.

Mga baliw panigurado ang mga ito! Nagto-torotot pa eh!

"Kath, gising ka na! Ano ba, it's your day!" sabay na sabi naman ng dalawa.

Nagsisipa ako na parang sa football at malapit ko na mai-goal na naging dahilan kaya nahulog sila mula sa kama.

"Aray Kath! Sobra ka naman makasipa parang kabayo! Sakit tuloy ng pwet ko!"

"Ano ba kasi ang mga pinagsasabi niyong it's your day!" sigaw ko sakanila habang nakapikit pa rin ang mga mata ko. "Yes! It's my day to sleep all day dahil Saturday po ngayon!"

Sinampal nila ako kaya gumising ang diwa ko. "Gosh Kath! Nakalimutan mo na ba?! Araw mo ngayon! Birthday mo ngayon Kath!"

"Birthday ko?" tanong ko sa kanila. Tumingin ako sa calendar at nakita ko ang date, July 28 ngayon! Birthday ko nga!

"Oo Kath! HAPPY BIRTHDAY TO YOU! HAPPY BIRTHDAY TO YOU! HAPPY BIRTHDAY! HAPPY BIRTHDAY! HAPPY BIRTHDAY  TO YOU! HANDA TUYO!" sabay sabay nilang sigaw. Ingay nila parang mga taratitat!

Pinagsasapok ko silang lahat, sina Julia, Tine and Joana. "Thank You mga timang."

"WAHHAWWWW! Ganda naman ng way mo para magpa-thank you ha? Sobra ang ganda. Nagulo nga ang oh so byutipul kong buhok eh!" sabi ni Julia sa akin.

"Ayos lang yan. Wala rin namang magbabago eh. Pangit ka pa rin." pabiro kong sabi sa kanya.

Pinalo niya ako ng malakas sa braso, "Ano sabi mo?! Grabe ka makalait! Okay na sana eh, sinali mo pa yung pangit! Ganda ko kaya! At kung sa tingin mo, eh salot ka sa amin dahil hindi ka ganun kagandahan, don't worry, magiging maganda ka rin soon!" Prangka niyang sabi sa akin. Ano ba sinasabi ng demonyitang to?

"Kaya Kath, layuan mo na ang kama mo at pumunta na sa cr. Maligo ka na." sabi sa akin nina Tine at Joana. Hinila nila ako mula sa kama at dinala sa cr. 

"Teka lang pala Kath." pagpigil sa akin ni Julia. Pumasok siya sa cr at pumunta sa faucet. 

"Sige sige. Labas na kami. Go. Ligo ka na. Make sure tanggalin mo lahat ng libag mo sa katawan hano?" Sabi sa akin ni Julia then sinarado na niya ang pinto. Takteng to! Nanlait pa! Wala akong libag noh!

--

After 45 minutes, nakatapos na ring maligo.

Lumabas na ako ng cr at pumunta sa cabinet para maghanap ng magandang damit na isusuot.

"Uy. Bango natin ha. Nakahanda na ang isusuot mo sa kama mo bruha." sabi sa akin ni Julia.

Nakita ko ang isang yellow dress na above the knee. Kinuha ko ito at itinapat sa katawan ko.

"Seryoso kayo? Ito ang isusuot ko ngayon?" tanong ko sa kanila with a curious face.

Sabay-sabay silang nag-nod at naka-smile pa. "Oo naman Kath. Ang ganda noh?"

Win Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon