Chapter 14: Sim, Shirt and Hanky

331 6 1
                                    

--

Vash's POV (first time in history) =)

Nandito ako sa kwarto ko. Dismissed na kami, kanina pa at maaga talaga akong umuuwi. Hindi naman ako tulad ng ibang mga lalaki jan na pagkalabas na pagkalabas ng school eh dederetso sa computer shop para maglaro ng mga games na may parang demonyong characters. A big NO for me. May jamming nga sana kami ngayon pero sinabi ko nalang na super pagod ako. Kahit na ba ang totoo eh tinatamad lang ako at wala talaga ako sa mood tumugtog.

Mas mabuti pa siguro kung maglelecture na lang ako sa mga subjects. Tuwing kasing classes, hindi naman ako masyadong naglelecture. Tinatamad kasi ako ehhh. Minsan, natutulog lang ako o kaya daydream. Minsan, iniisip ko lang si Kath. Hahahaha shhh lang kayo ha? Wag niyo akong isusumbong sa teacher ko! :)

Kinuha ko na ang bag ko sa kama ko at nilagay sa study table. Binuksan ko na at kinuha ko na ang lahat ng subjects na paglelecturan ko. Math, English, and Physics. Ang dame @_@ Pero kailangan tapusin ngayon eh. Bukas na daw ang checking ng lectures :D

Unahin ko na muna ang Math.

Hiniram ko ang Math notebook kay Daniel. Actually, hindi naman talaga hiram. Eh kasi, nakita kong pakalat-kalat itong notebook niya sa sahig nung isang araw eh. Pabaya sa gamit. Kaya, kinuha ko na muna. Kaso nga lang, hanggang ngayon, hindi ko pa nababalik. Bukas nalang siguro. Hindi naman niyo siguro hinahanap yun ngayon :)

Nung binuksan ko na yung notebook, buti nalang at complete ang lectures niya. Hanep ha! Akalain mo na ang isang "Daniel Lee Estacio" na minsan ay sinusumpong ng kasungitan at parang may dalaw eh naglelecture pala? Daig pa ako, na isang "Vash Carter Choi!" Hahahaha :D

"Ang pangit naman ng sulat ng lalaking to. Parang kinalkal ng manok eh." Binabasa ko yung lecture niya, "Hirap naman intindihin nito! Matatagalan ata ang paglelecture ko sa Math!" As in wala talaga akong maintindihan. Daig pa ang sulat ng doktor eh! Ang kailangan dito ay ang malawak kong pagintindi. Tssss. Tiis tiis nalang.

Nagsimula na akong magsulat. Aba aba, maganda ang sulat ng lolo niyo! Hindi porket lalaki ako eh pangit na ang sulat ko tulad nitong si Daniel. Ako ang pinaka-kakaiba sa lahat!

Habang nagsusulat, "Ano kaya ang ginagawa ni Kath ngayon? Sino kaya ang kasama niya? Si Daniel?" Sa totoo niyan, nakita ko sila kaninang umaga na magkasama. Tae naman oh nagseselos ako kay Daniel! May plano ba siyang agawin sa akin si Kath?! Pwes! Hindi ako makakapayag! Gagawin ko ang lahat para mapigilan siya. Gagawin ko ang lahat para mapunta sa akin si Kath. Gagawin ko ang lahat para sa pagmamahal!

K. Nagmumukha na ba akong bakla?!

"Kung si Daniel ang kasama niya, ano kaya ginagawa nila ngayon?" Napatigil ako sa pagsusulat at nag-isip.

"Ahhhh! Di ako makapagconcentrate ng maayos!" Tumingin ako sa phone ko. I wanna call Kath right now! I wanna hear her sweet voice. Baka sakaling bumalik ang concentration ko.

"Babalik ba ang concentration? Baka lang mamaya maging bato ako dito kapag narinig ko na siya. Wag nalang siguro. Tsss."

"Vash! Focus! Mag-sulat ka nalang!"  Kinuha ko ang pen ko and started to write again."Para matapos na Vash. Wag ka nalang mag-isip ng kung ano-ano pa."

So ayun nga, finocus ko nalang ang sarili ko sa paglelecture. Medyo madami-dami rin itong sa Math kaya kailangan ko ng matapos. Meron pang dalawang subjects na nakapila.

After 30 minutes, "Yes! Natapos rin! Ang sakit ng mata ko kakaintindi sa kalkal manok na sulat nato!"

"Wala na bang iba sa Math?" tanong ko sa sarili ko. Kaya, finlip ko ang lahat ng pages ng Math notebook ni Daniel baka sakaling meron. Baka kasi nagiiskip ng page tong lalaking to eh.

Win Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon