Daniel's POV
Since today is Saturday, may jamming kami ngayon with my bandmates. Oo nga pala, hindi ko pa nababanggit sa inyo, nasa isang banda ako. F.T Island. Actually, new palang ako sa band nila and napakabait nila kasi nung first time ko silang makita, hindi sila nag-alinlangan na i-welcome ako.
Before, 3 members lang sila. Pero my friend, si Vash, sinali ako sa band. At syempre, para naman maipakita ko na worth it ang pagsali sa akin ni Vash sa band, pinakita ko ang galing ko!
Nandito ako ngayon sa place ni Vash. Dito kami madalas magjam kasi mayaman sila! We have our own room sa house nila para makapagjam. Astig diba?
"Pareng Vash, ang astig mo talaga! Meron talaga tayong sariling room dito sa house niyo para makapagjam?" sabi ko kay Vash.
Kinuha ni Vash ang isang bass guitar at inabot sa akin. "Syempre naman Pareng Daniel. Mahalaga sa akin ang pagtugtog sa banda natin. Passion ko na ang pagtugtog. Kaya ikaw, gusto ko ulet makita na tugtugin itong bass guitar. Kapag nasatisfy ako sa ginawa mo, baka malay natin, maibigay ko pa itong bass guitar ko sa iyo."
Inakbayan ko si Vash. "Talaga Pare? Ibibigay mo sa akin ito kapag ginalingan ko ang pagtugtog ko nitong bass guitar?"
"Oo naman Pare. Promise."
Ang bait talaga nitong si Pareng Vash. Ilang days palang kaming nagkakilala, ganito na agad ang pakikitungo niya sa akin. Syempre, tinanggal ko na ang hiya ko. Kilala ko na rin naman ito si Vash pero hindi pa naman masyado. Kapag lumaon, makikilala rin namin ang isa't isa.
Isinabit ko na ang guitar sa akin. "Sige Pare. Gagalingan ko itong pagtugtog. Gusto ko talagang magkaroon nito."
Pagkatapos nun, nagkaroon na ng katahimikan. Lahat sila, nakatingin sa akin, hinihintay ako na magsimulang tumugtog.
Nagsimula na akong tumugtog. Tinugtog ko ang pinakamahirap na napag-aralan ko.
Nasa kalagitnaan na ako ng kanta ng biglang sumakit ang kamay ko na nagcause para mabitawan ko ang gitara at mapaluhod sa sahig.
"ARAYYYYYYYYYYYYY!" sigaw ko habang hawak hawak ko ang kamay ko at namamalipit sa sakit.
Agad silang lumapit sa akin para tulungan ako. Tinanggal sa akin ang gitara at itinayo ako.
"Daniel, anong nangyari?" sabi sa akin ni Luigi habang inaalalayan ako na umupo sa sofa.
"Biglang sumakit ang kamay ko. Hindi ko alam bakit." sagot ko sa tanong niya habang hawak parin ang right hand ko.
"I think we should bring you to the hospital." sabi ni Pareng Kazuya na isang Half-Jap at magaling sa English. Then kinuha niya ang phone niya at agad na nag-dial.
"Hello? My friend needs help. Go here immediately, in house of Vash Carter Choi or I will burn your hospital within a minute! Isoide!" Then after nun, binaba na niya ang call at nilagay sa bulsa niya.
"Pare! Grabe ka naman ha! Susunugin agad ang hospital kapag walang dumating na ambulance?! Tsaka, anong sinasabi mong Isoide?! SABIHIN MO NGA, MAY KABANDMATE BA AKONG ALIEN?!" sabi ni Vash kay Kazuya.
"Pare. Hindi ako alien okay? Hindi mo ba natatandaan? I'm half Japanese kaya may mga alam akong ilang Japanese words! Palibhasa kasi ulyanin ka na eh." sabi ni Kazuya sabay smirk.
"Kesa naman sa iyo! Nakakazuya! Kazuya!"
Tumayo ako. "Oh. Wag na nga kayong mag-away. Baka lalong sumakit itong kamay ko kapag naririnig niya na nag-aaway kayo!"
"Weh Pare? May mga tenga ba yang kamay mo? Tsaka hindi kami nag-aaway ni Pareng Vash. Ganito lang talaga kami maglambigan? Diba?!" sabay yakap kay Vash at kiniss pa sa cheeks.
"Hoy magsitigil kayo nakakadiri ang paglalambigan niyo!" pagsingit ni Luigi.
"Ingay mo Luigi! Palibhasa kasi, di ka marunong lumambing!" pang-aasar ni Vash.
"Ako?! Di marunong maglambing? Eh ang dami ngang nahuhulog sa charms ko eh! Inggit lang kayo sa akin dahil wala kayong girlfriends!"
"Meron akong girlfriend! Hindi lang niya alam!" sigaw ni Vash.
Haynako. Ang ingay naman nila! Ito ba yung jamming? Imbis na puro tugtog ng gitara or drums ang naririnig ko, puro daldal!
Lumabas na ako sa jamming room namin. Ayaw ko talaga ng noise. Kaya nga ayaw ko kay Bungisngis Girl eh, kasi putak ng putak! Parang nakalunok ng speaker!
Nasa labas na yung ambulance. Pero pinaalis ko na rin kasi hindi ko naman kailangan na dalin ako sa ospital. Natanggal na rin naman kasi yung sakit ng kamay ko. Sumumpong lang siguro kanina kaya nambigla.
Napansin ko si Vash, bumaba na sa jamming room sa 2nd floor.
"Pare. Asan na yung ambulance?"
"Ah wala na Pare. Pinaalis ko na."
Tumabi siya sa akin. "Wala na ba ang sakit ng kamay mo?"
"Wala na Pare. Salamat."
Inakbayan niya ako. "Oo nga pare. About dun sa Agreement natin, since hindi mo natapos yung tinutugtog mo, next time mo nalang pakita sa akin. Kailangan ng rest yang kamay mo. Ano ba ang ginagawa mo bakit biglang sumakit kamay mo?" curious niyang tanong sa akin.
"Alam mo kasi Pare, kung yung ibang lalaki, kung tatanungin mo man ng ganyan, ang isasagot nila, dahil sa paglalaro sa computer ng Dota kaya sumasakit kamay nila. Pero ako hindi. Wala akong alam sa mga ganyan. May katext lang naman kasi ako pare!"
"Talaga Pare? Eh sino ba yang katext mo?"
"Secret Pare. Baka agawin mo pa sa akin."
Tumawa siya. "Pare, hindi ko aagawin. Meron na ako."
"Sino naman ang sayo?"
"Secret din Pare. Bawal sabihin. Kung yung sayo, ayaw mong sabihin, edi hindi ko rin sasabihin yung sa akin! Para fair!"
"Sige Pare. May panibago tayong agreement. Sasabihin ko kung sino ang sa akin kung matatalo ako sa basketball match natin next week. One-on-one. Kapag naman ikaw ang natalo, sasabihin mo sa akin kung sino yang sinasabi mong 'sayo'."
"Wag naman ganun Pare. Naaawa ako sayo kung sakaling matalo kita." sabi ni Vash.
"Hahahaha! Ako? Matatalo? Varsity ata ako sa basketball noh!"
"Tingnan nalang nating Pareng Daniel. Tingnan natin kung sino ang magaling sa pagshoot!"
"DEAL!" sabay naming sabi ni Vash.
Hahahahaha Vash! Humanda ka sa akin. Hindi mo alam kung sino ang makakalaban mo sa basketball. Hari ata ako ng court!
--
A/N: Hello Guys! Ayos ba itong update ko? Sorry kung walang KathNiel moments. Gusto ko lang magpakita ng mga kulitan ng kabandmates ni Daniel! :)
Anyways, si Vash ay nasa side, tinitingnan ka ---------------------->
BINABASA MO ANG
Win Your Heart
FanfictionThe nerd Kathryn Gail De Ocampo meets the oh-so-yabang transferee of St. John's Academy, Daniel Lee Estacio, who turned out to be her textmate. She is also secretly in-love with their campus heartthrob, Vash Carter Choi. Pero, lingid sa kanyang kaal...