Chapter 4: Here comes the Devil

447 7 1
                                    

Kathryn's POV

Monday na naman ngayon. May pasok na naman ulet. Hindi problema sakin ang mag-aral dahil nga diba, isa akong nerd? Mahilig akong mag-aral at pumasok sa school. Pero sino ba ang hindi mawawalan ng gana pumasok kung makikita mo na naman ang taong ayaw na ayaw mo nakikita dahil lagi kayong nag-aaway?

Kung pwede lang nga sana, pakick-out ko siya dito sa school eh. Pero, hello Kath? School mo ito?!   Tsaka, ang sama ko naman para gawin yun! May reason siguro siya kaya siya lumipat dito.

At ayaw kong alamin kung ano ang reason na yun.

"Kath, anak, hindi ka pa ba tapos mag-bihis jan? Anong oras na? Alas-syete na! Baka malate ka sa school mo! Nandito na ang service mo." sabi ni Mommy sa akin na nasa harap ng pinto ng room ko.

Kung alam mo lang Mommy, kung alam mo lang kung gaano ko ayaw pumasok sa classroom namin dahil kaklase ko ang mayabang na yun.

"Mommy! Eto na po tapos na sandali lang po. Magsusuklay lang po ako sandali." sabi ko kay Mommy then kinuha ang suklay at sinuklay ang buhok kong kulot. Puro sabit, bwiset.

After kong magsuklay, kinuha ko na ang bag ko tsaka lumabas ng kwarto.

"Anak, what took you so long? Ang tagal nang nasa labas ng service mo!" sabi ni Mommy sa akin habang sabay kaming bumababa ng stairs.

"Ma, puro kasi sabit itong buhok ko eh. Kaya natagalan. Pasensya naman Mommy dear."

"Osya. Ito na ang lunch mo. Pinagluto kita. Favorite ulam mo yan. Especially made for you." Then inabot niya sa akin ang soooo cute na lunch box.

I smiled. "Adobong Native na Manok?" 

"Exactly anak. Ubusin mo yan ha? Kapag hindi mo inubos, magtatampo ako sayo anak." 

"Mommy naman. Bakit ko naman hindi uubusin to? Eh favorite ko nga diba? Mommy talaga oh." sabay kurot sa cheeks ni Mommy.

"Tigilan mo nga ang pangungurot sa akin Kath! Pasok ka na sa school. Late ka na." then tinulak na niya ako palabas ng bahay.

I waved at her. "Bye Mommy!"

"Bye anak!" Then she waved back at me at pumasok na sa loob ng bahay namin.

My mom is the kindest mother I've ever known. I love her so much!

Daniel's POV

Lunch na namin. Nandito ako ngayon sa canteen, mag-isang nakaupo at walang kasama. Sino ba ang kasabay kong kakain neto?

Nakikinig ako sa music nang may lumapit sa aking babae. Naramdaman ko lang na tumabi siya sa akin at hindi ko pa nakikita kung sino dahil nakapikit ako at feel na feel ang pinapakinggan ko.

Binuksan ko ang mata ko, nagulat ako sa nakita ko.

Si Tine, may 2nd ex. Dito na rin siya nag-aaral? Nag-transfer rin siya dito?

Tinanggal niya ang earphones ko. "Hey Daniel. Kamusta ka na? Long time no see."

"I'm fine." tipid kong sagot sa kanya.

Sa lahat ng mga naging ex ko, si Tine ang pinakamabait, pinakama-alaga sa lahat.  Hindi siya selosa at marunong siyang umintindi kapag may mga nakakasama akong babae sa school because kagroup ko sila sa mga projects o kaya minsan, kapartner. Hindi rin siya palakibo. Mahiyain kasi siya. Kaya nga siguro hindi tumagal ang relationship namin is because wala kaming kaspark-spark.

Win Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon