Chapter 4.2: Doctor Daniel

405 10 2
                                    

Kathryn's POV

Buhat-buhat ako ngayon ni Daniel. Piggyback. I have no idea kung saan niya ako dadalhin. Isang paa ko lang naman ang napuruhan at makakalakad pa naman ako so bakit kailangan pa akong buhatin?!

Ang gusto kong magbuhat sa akin ay si Vash my loves ko!

"Yabang. Saan mo ba ako dadalhin?!" bigla kong tanong sa kanya. Ang tahimik naman kasi eh. Walang umiimik sa aming dalawa. So awkward.

Huminto siya sa paglalakad. Mula sa harap, humarap siya sa akin sa likod, na muntik nalang magtama ang mga mukha namin. Konti nalang, tatama na ang mukha niya sa glasses ko. Ilang inches nalang. Shet.

"Basta Bungisngis. Manahimik ka nalang jan. Malapit na tayo." sagot niya sa akin na ramdam na ramdam ko ang hangin mula sa bibig niya.

Kay bangong hangin.

Oh my goshhh Kath go back to your senses.

Then, humarap na ulet siya sa daan at nagsimula ulet naglakad.

Ilang minuto lang, nakarating na kami kung saan niya ako dinala. Nasa harap kami ngayon ng isang malaki at magandang bahay na nasa loob ng subdivision. 

"Teka teka. Ibaba mo na ako. Dito nalang. Makakatayo na rin naman ako eh." sabi ko sa kanya habang pinapalo ko ang likod niya at pinapababa ako.

"Wag na.  Pumasok na tayo sa loob."

"Teka, kaninong bahay ba yan ha?" Tinuro ko yung bahay na nasa harap namin.

"Bahay namin yan." Then pinasok na niya ako sa loob.

Humarap ako sa kanya, yung para bang tumayo ako sa pagkakabuhat ko sa kanya? "WEH? Bahay niyo ito? Di kapanipaniwala. Akala ko, kayabangan mo lang ang kayamanan mo sa sarili mo eh."

"Teka lang! Wag kang malikot baka maout-of-balance tayo!" sigaw ni Daniel.

May biglang lumabas na aso. Ohmygassss takot ako sa aso. Ang laki pa naman netong isang to. Ihhhhh baka kagatin ako.

"Daniel. Yung aso. Takot ako sa aso. Ihhhhh shoooo!" pagpupumiglas ko kay Daniel.

"Kath wag kang malikot sabi!" sabi ni Daniel habang buhat-buhat niya pa rin ako papunta sa isang kwarto at pinagsisikapan niyang hindi kami maout-of-balance.

Pero sumusunod pa rin sa amin ang veryyyy big doogggieee.

"ARF! ARF!"

"DANIEL YUNG ASO! IHHH NAMAN!"

Nakarating na kami sa kwarto na sumusunod pa rin ang aso.

"KATH, ASO LANG YAN!"

"Anong aso lang?! Hoy nangangagat yan. Baka kagatin ako!"

ARF ARF!

"YAN NA YAN NA!" Sa sobrang likot ko, nahulog kami. At buti nalang, sinapo kami ng isang malambot na kama. At buti nalang umalis na si doggie.

Ang awkward ng position namin. Siya, siya ay nakapatong sa akin.

Ilang inches na lang ang pagitan ng mga mukha namin. Parehas kaming nakatitig sa isa't isa. Hawak hawak niya ang beywang ko at ako naman ay nakahawak sa mga braso niya.

Ilang seconds din kaming nagstay sa ganung posisyon. Walang gumagalaw, walang umiimik. Nang bigla nalang naming narealize kung ano ang nangyayari.

Dali-dali siyang lumayo sa akin at tumayo. Sabay ubo at ayos ng damit.

Win Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon