Chapter 16: Plan

292 6 3
                                    

A/N: Di ko po alam kung paano ako hihingi ng sorry sa lahat ng mga readers ko na nagbabasa nitong story ko. Naging super duper busy po kasi ako these past days kaya hindi ko po nasisingit ang pag-aupdate dito sa wattpad. I'm very very very sorry po talaga. Nahihiya ako sa inyo. Pero sa susunod, expect niyo na rin po na magiging mabagal ang updates nitong Win Your Heart dahil this week, intramurals po namin. Kaya maaga palang, hihingi na ako ng sorry sa inyong lahat. Sorry po talaga. I hope you understand.

Maraming salamat po sa mga readers ko na patuloy na nagbabasa ng story ko kahit di kayo nagpaparamdam :D

--

Kath's POV

Kailan ko kaya sila ulet makakausap? Ang hirap pala ng ganitong sitwasyon. Ang hirap pala na iniiwasan ka ng mga kaibigan mo. Super sakit sa heart dahil hindi ka nila pinapansin. Sa tuwing dadaanan mo sila, para ka lang hangin na hindi nila nakikita. My bestfriends! Miss ko na kayo super! Di ko kaya to. Kausapin niyo na ako! Namimiss ko na ang mga chismis niyo, mga tawanan natin. Huhuhuhu para niyo naman akong pinapatay sa ginagawa niyong yan eh!

Alam ko naman ang naging pagkakamali ko. Hindi ko tinupad ang pangako ko sa kanilang mission. Wala akong isang salita. Pero, hindi ko kaya eh! Siguro nga, yun talaga ang ikinagalit nila sa akin! Nagmayabang akong tinanggap ang agreement pero ako rin itong hindi tatapusin! Ang tanga mo Kath! Alam na kasing mahihirapan lang, tinanggap tanggap pa!

Madrama ba ako? I'm sorry but I can't help it. *punas luha* *punas uhog* Nahihirapan na ako eh. Di maalis sa puso ko ang pag-aalala, ang sakit. Almost 2 weeks na akong mag-isang naglalakad sa hallway at walang kasama. Forever alone.

"Juls, bestfriend. Kausapin niyo naman ako. Please? Alam kong nagkamali ako sa inyong lahat. Pinako ko ang pangako ko sa inyo na gawin ang mission. Patawarin niyo sana ako. Okay lang naman sa akin kahit hindi ko makuha ang reward. Basta ang alam ko, di na ako guguluhin ng konsyensya ko. Di ako nanloloko ng tao. Sorry. Di ako galit sa ginagawa niyong pag-iwas sa akin, pero masakit eh. Masakit." Text ko kay Julia. Ilang beses ko na itong paulet-ulet na sinesend sa kanya. Pero, ni isang reply mula sa kanya, wala akong natatanggap..

Kapag naman tinatawagan ko sila, puro lang ring. Hindi nila sinasagot. 

Siguro, pabayaan ko nalang muna sila. Titigilan ko muna sila. Baka sakaling guminhawa ang pakiramdam ko kung titigilan ko na itong pagpupumilit ko sa kanila na kausapin ako kahit alam ko namang hindi mangyayari yun sa ngayon..

Eh si Vash kaya, kamusta na? Hindi rin ako pinapansin nun. Ano bang problema nila sa akin? May ginawa ba akong mali? May anghit ba ako kaya iniiwasan nila ako? OVERR HA! Naliligo naman ako araw-araw! Mabango ako!

Si Daniel, isa rin yun eh! Hindi rin ako papansin! My God what's wrong the world ba? 

Isa lang ang pumapansin sa akin, si Batman na nakaBatman Mask pa! Siya nalang ang kasa-kasama ko ngayon. Buti pa siya, naiintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Nakikinig siya sa mga walang kwenta kong kwento. Buti natitiis niya ako? :") Nakakakilig naman..

Win Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon