Chapter 1: Ang Inosenteng Pagkikita

736 15 0
                                    


I dedicate this to ate Ella Larena! Yung Kathniel story niya kasi na His Personal Slave and His Personal Wife ang pinakafavorite ko eh! :)

Yun lang :) Sana ma-appreciate :D


--



Kathryn's POV

Nako! First day of classes na namin ngayon! Lintek naman ang bilis naman ng bakasyon? Bakit ang bilis ng oras? Parang kailan lang nagsswimming pa ako sa.. sa malaking inflatable pool namin na may tape na sa ilalim kasi merong butas ah! Magpoprotesta ako sa harap ng Malacanang! I-extend pa ang bakasyon! Hindi po ho ako ready!! Panalo kasi si Bradley eh! Nahimatay pa tuloy si Mommy D. Kbye. Kdie.

Pero Kathryn, ano bang ikinapuputak ng budhi mo?! Diba yan ang time na pinakagusto mo sa lahat? Mag-aaral ka na naman ng mag-aaral! Yan nga ang gusto mo eh! Yung puro assignments, projects, quizzes! Kasi....

Isa kang malaking NERD!

NERD! [nurd]

- an intelligent but single-minded person obsessed with a nonsocial hobby or pursuit.

Nonsocial hobby? Reading! I love reading books especially series books! Natapos ko na yung some of the famous books na naging movies like Harry Potter, Twilight and The Hunger Games!

Another meaning ng Nerd.

- a stupid, irritating, ineffectual or unattractive person.

Unattractive person? Ganun ako. I admit naman. Every morning ba naman, ang makakaharap mo sa salamin, isang babaeng pangit na nakaglasses, payatot, puro tagyawat on both sides of cheeks, buhaghag ang buhok na parang kay Alice Bungisngis, masasabi mo bang attractive yun? Never.

Irritating? Maybe? Eh wala akong masyadong friends eh. Di ako tulad ng mga ibang famous students sa St.John's Academy na hindi mabibilang ang friends by both hands and feet. Akala mo naman, true friends lahat sila!

Okay na ang magkaroon ng kahit isang bestfriend lang at alam mo sa sarili mo at sa nakikita ng iba na totoo siya sa friendship niyo. Kaysa naman magkaroon ng libo-libong friends pero hindi mo naman alam ang totoo nilang personality at baka pinaplastik ka na ng todo at pinapatay sa isipan nila ng wala kang kaalam-alam. Tapos tinatalk shit ka kapag hindi ka kaharap! Nako! Patay tayo dyan dear!

Gusto mo ba malaman kung sino lang naman ang pinakamamahal kong bestfriend?

Pero baka gusto niyo muna siguro malaman kung sino ako ano? Babasahin niyo tong story ni Ms.Author pero di niyo naman alam kung sino ba talaga ako? Hahaha!

Win Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon