Chapter 17: Date

264 6 0
                                    

 A/N: Awarding ceremony bukas para sa Intramurals! Wooh! Excited na ako sana overall champion ang Juniors! :D

--

Kath's POV

Jamie saved my life. She taught me everything. About life, hope and the long journey ahead. I'll always miss her. But our love is like the wind. I can't see it, but I can feel it.

"Huhuhu. Juls naman. Sinabi na kasing wag na itong A Walk to Remember ang panoorin natin dahil maiiyak ako dito ng sobra," kumuha ako ng isa pang tissue, "100 times ko na ito napanood pero hanggang ngayon napapahagulgol pa rin ako. Huhuhu."

Nandito kami sa kwarto ko with Julia and since tapos na kami gawin ang lahat ng assignments, we decided to watch a movie. Sabi ko, comedy. Pero ang inisaksak niyang cd is A Walk to Remember. Kaya, naubos ng di oras ang mga tissue sa kakapunas namin ng luha at sipon dahil sa nakakaiyak na love story ni Jamie and Landon.

"Bestfriend. Kailan kaya ako makakahanap ng isang Landon Carter? Na kapag nagkasakit ako, aalagaan niya ako, mamahalin at hinding hindi aalis sa tabi ko?" Pinunasan ko ang luha ko, "Tapos, bago ako mamatay, papakasalan niya ako."

"Bestfriend. Dadating din siya sayo balang araw. Naniniwala ako. Kahit na nagkalat na ang mga lalaking manloloko at manggagamit, alam ko meron paring isa o dalawa na magiging tapat sayo habang buhay."

Sana nga, si Vash nalang. Siya nalang sana ang maging Landon Carter ng buhay ko.

"Sige. Kung sino ang susunod na tumawag or magtext sayo, siya ang Landon Carter mo. Siya ang makakasama mo habang buhay." Sabi sa akin ni Julia then she smiled. Huwat?! Anong klaseng dahilan yun para siya ang maging Landon Carter ko? At makasama ko habang buhay?! Stupid.

"Nababaliw ka na siguro! Kapag text or tawag, siya na agad? AGAD AGAD?!"

"Oo! Kaya maghintay tayo. Basta, siya ha."

Pagkasabi na pagkasabi nun ni Julia, biglang nagring ang phone ko. At ang name na nagflash sa screen ko ay..

Number lang.

Sino kaya ito?

Sinagot ko ang tawag, "Hello?"

"Hello Kath. Si Daniel to. Pwede ba akong magtanong sayo? Ummmm."

Eh ano bang ginagawa niya? Eh diba nagtatanong na siya sa lagay na yan?

"Ano?"

"Umm. Ano kase. Ummm. Pano ko ba sasabihin?"

I sighed. Ano ba kasi itatanong ng lalaking to? Pinapatagal pa ang oras eh.

"Ano? About ba sa assignments? I'll just send you a message on facebook. I'm too lazy to tell you all about our homeworks."

Kinalabit ako ni Julia, then she whispered, "Bes. Sino yan?"

I mouthed, "Daniel." Nanlaki ang mga mata niya but I just gave him a cold glare. Ano kaya iniisip ng babaeng ito ngayong sinabi ko na si Daniel ang tumawag?

"No. Hindi ito tungkol sa kahit anong schoolworks. I just wanna ask you if you're free. I wanna ask you for a dinner. Just the two of us?"

"Huh? What are you talking about?" Medyo inis kong sabi. Ano bang pumasok sa isip niya at gusto niyang kumain ng dinner with me? Kasi, kung iisipin natin, kapag sinabing dinner eh parang date na rin ito. So, why?!

Win Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon