Kathryn's POV
Gabi na. I think, it's almost 8 pm na pero nandito parin ako sa school. May ginagawa pa kasi akong project dito at ako lang talaga mag-isa. Grabe lang. Natatakot na ako pero kailangan kong tapusin ito dahil bukas na ipapass.
"Konti nalang Kath. Tapangan mo ang sarili mo. Kailangan mong tapusin ang project mo."
At dahil medyo natatakot na talaga ako, magpapatugtog nalang nga ako.
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng bag ko. Pero ang malas ko lang dahil lowbat na pala! Wahhh!
"Ay grabe. Bakit nagpalowbat ka pang bwisit ka?" sabi ko dun sa cellphone ko.
Mukha akong tanga. Kinakausap ang isang cellphone na hindi naman nagsasalita.
Lalo akong natakot ng biglang bumuhos ang isang napakalakas na ulan na may kasama pang kulog at kidlat. Takot ako sa kulog at kidlat huhuhuhuhu
"Ito na. Matatapos na. Matatapos na talaga Kath." sabi ko sa sarili ko na halos nangingiyak-iyak na ako sa sobrang takot.
At yun nga, natapos na ang project ko sa wakas.
Lumabas na ako ng room para umuwi na. Lalo pang lumakas ang ulan.
Namatay din ang mga ilaw.
"Wahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!" sigaw ko ng napakalakas. Eh kasi naman, kung kailan uuwi na ako tsaka pa eepal itong mga ilaw nato! Namatay pa!
Tumakbo ako ng napakabilis hanggang sa makarating ako sa main gate ng school. Binuksan ko ito tsaka na rin lumabas. Nagpa-alam na rin ako kay manong guard.
Pero napansin ko nung nasa harap ako ng school, wala pala akong dalang payong! Yung cellphone ko, lowbat. Yung wallet ko, wala ng laman kahit singkong duling.
Paano ako makakauwi nito?! Sobrang lakas ng ulan at mukhang ayaw ata tumigil!
At dahil sobrang nilalamig na ako at yung uniform pa naman is medyo maikli, niyayakap ko ng sobrang mahigpit itong sarili ko.
"Kath. Tiisin mo ang lamig."
Ilang oras akong naghintay dito sa harap ng school. Nagbabakasakiling may dumaan man lang na tricycle o kaya sasakyan na masasakyan pauwi sa amin. Pero wala talaga!
Nang tumigil ang ulan, ito na ang chance ko para makauwi! Tumakbo ako pauwi sa amin kahit medyo malayo dahil baka abutan nga ako ng ulan!
Pero yun na, naabutan ako ng lintek na ulan. Mas malakas kesa nung kanina.
Nabasa akong parang sisiw. Nabasa ang uniform ko, umabot pa hanggang panty ko. Yung bag ko, buti nalang at waterproof. Dahil kung hindi, malamang basa na lahat ng books ko at wala talaga akong magagamit.
Naghanap ako ng masisilungan. Dahil baka mamatay ako sa sobrang lamig. Nandito ako ngayon sa harap ng kalsada. Ako nalang ang tao dito. Oh Lord, kayo na po ang bahala sa akin kung kukunin niyo na ako. Naging mabait naman po akong anak sa mga magulang ko. Promise.
Naramdaman ko na tumigil ang ulan pero sa akin lang? Sino ba itong nagpayong na ito sa akin?
Daniel's POV
Kakatapos lang namin magjamming kela Vash ulet, as usual naman. Pauwi na ako at naglalakad lang. Buti nalang at may dala akong payong. Hindi ako mababasa ng ulan. Meron din akong jacket. Hindi ako lalamigin habang naglalakad.
Habang naglalakad ako pauwi sa amin, sa isa pa naming bahay nadaanan ko yung school namin.
Sa di kalayuan, may napansin akong isang babaeng nakauniform na nakatayo sa gitna ng kalsada. Ano ba ginagawa nun? Magpapakamatay ba yun?
Lumapit ako sa kanya. Hindi ko makita kung sino dahil nakatalikod. Naririnig ko na umiiyak siya.
PInayungan ko siya. Kawawa naman itong babaeng ito.
"Miss, ano bang ginagawa mo dito sa gitna ng kalsada? Nagpapakatamay ka na ba ha?" tanong ko sa kanya.
Humarap siya sa akin. "Hindi ako magpapakamatay. Pero parang mamamatay na ako dahil kanina pa ako dito, walang dumadaang tao! Walang masisilungan! Mamamatay ako sa lamig!"
Si Kath pala to.
"Ikaw pala yan Bungisngis! Eh bakit ba ngayon ka palang umuuwi ha?!"
"Eh masipag kasi akong bata! Ginawa ko pa kasi ang project ko sa school! Ayun, naabutan ng ulan. Wala akong dalang payong! Nalowbat ang cellphone ko!" sabi niya sa akin. "Pagtatawanan mo na ba ako niyan?!"
"Ha? Eh bakit naman kita pagtatawanan?" tanong ko sa kanya. Grabe itong babaeng to ganito na ba talaga ang tingin niya sa akin? Pagtatawanan ko siya sa lagay niyang yun?
"Kasi, inatake ako ng kamalasan ko!"
"Aish. Ang ingay mo. Tara na nga ihatid na kita sa inyo. Dun ka nalang magpakamatay wag dito sa kalsada. Kawawa itong kalsada." sabi ko naman sa kanya.
Nagsimula na kaming maglakad.
Hawak ng right hand ko ang payong ko. Ang left hand ko, nilalamig.
Bigla ko nalang hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Kath! Oh shiz bakit ko ba nagawa yun?
"Uy! Bakit mo hinawakan ang kamay ko?!" tanong niya sa akin.
Ano bang sasabihn kong dahilan?
"Nilalamig kasi itong si kamay ko eh, kaya hinawakan niya ang kamay mo." biglang lumabas sa bibig ko.
Tinanggal niya ang kamay niya sa kamay ko. "Ewan ko sayo Yabang." Then lumayo siya sa akin kaya nabasa siya ulet.
Medyo malayo na siya pero sinusundan ko pa rin siya. Kung saan siya papunta, dun din ako. Taga-saan kaya itong babaeng to? Malapit lang ba sa amin?
Ang paa ko, dinala ako papunta sa kanya. Nagulat siya. Ang mga kamay ko, iniharap siya sa akin. Ano bang nangyayari sa akin? Hindi ko macontrol ang sarili ko.
Lalo siyang nagulat ng bigla kong hawakan ang magkabila niyang pisngi at nabitawan ko ang payong na hawak ko.
"T-teka anong gagawin mo?" tanong sa akin ni Kath na malaki ang mata.
"Sorry Kath pero hindi ko alam bakit nagkakaganito ako. Hindi ko mapigilan ang sarili ko."
Bigla ko nalang siyang hinalikan.
I kissed her tenderly. Nung una, nagpupumiglas siya. But I felt her response to my kiss.
She slowly wrapped her arms around my neck. I hugged her waist.
Our kiss lasted for how many seconds.
At nang nakabalik ako sarili ko, bigla akong lumayo sa kanya.
"Oh shit! What happened?!" tanong ko.
Si Kath, napahawak sa labi niya at lumaki ang mata. "W-why did you kiss me?!"
"Ewan ko Kath! Wala ako sa sarili ko!"
"Alam mo bang you stole my first kiss?! I hate you Daniel! Hindi dapat ikaw ang first ko!" Then pinaghahampas niya ako.
"Tumigil ka nga bungisngis! Nagustuhan mo rin naman ang nangyari ha? Nagrespond ka pa nga sa k-
"Wag mong masabi-sabi yan Yabang! Ayaw kong marinig!" Then umalis na siya at pumasok sa isang bahay.
Bahay na siguro nila ito?
And what?! Katapat lang ng bahay namin?!
Ano bang nangyayari sayo Daniel? Nung una, hinawakan mo ang kamay ni Kath at ang sinabi mo pang dahilan ay nilalamig ang kamay mo. Tapos ngayon, hinalikan mo siya bigla?! Nababaliw ka na ba Daniel?!
--
A/N: Short update lang. Sorry guys.
BINABASA MO ANG
Win Your Heart
FanfictionThe nerd Kathryn Gail De Ocampo meets the oh-so-yabang transferee of St. John's Academy, Daniel Lee Estacio, who turned out to be her textmate. She is also secretly in-love with their campus heartthrob, Vash Carter Choi. Pero, lingid sa kanyang kaal...