Chapter 9: The Match

318 7 1
                                    

Daniel's POV 

Alam mo ba kung anong araw ngayon? Ngayon ay Friday and since today is Friday, ngayon na rin ang hinihintay kong basketball match namin ni Vash. Ngayon ko malalaman kung sino ba talaga ang mas magaling pag dating sa basketball pero ang kaisa-isang dahilan talaga kung bakit kami gumawa ng deal dito is para sabihin kung sino yung babaeng sikreto naming minamahal.

Kung matalo man ako, hindi naman problema sa akin yun. Hindi naman maaapektuhan ang aking pride. Inaamin ko, hindi naman talaga ako ganun kahusay magshoot ng bola sa basketball, wala naman kasi talaga akong hilig sa sports. In short, I am not that really sporty. Sa music lang talaga ako mahilig. Kaya nga sumali ako sa band nila Vash.

Kung matalo man ako at ang manalo ay si Vash at kailangan kong sabihin kung sino ang babaeng sikreto kong minamahal, walang iba kundi si AgentYellow. Hahahaha. Pero anong magagawa ko at niya, hindi ko naman alam kung sino ba talaga si AgentYellow kaya parang niloloko ko lang si Vash!

Shh lang kayo ha? Wag kayo maingay. Sa inyo ko lang sinabi ito kaya wag na wag niyo sasabihin kay Vash.

Pero sana swertehin para manalo ako at malaman ko kung sino yung sikretong babae sa buhay niya.

Bilang kasing kaibigan, gusto ko malaman kung ano ba talaga ang sikretong pinakaiingatan niya. Syempre, nacucurious ako kung sino ba talaga yung inspirasyon niya. Si Pareng Vash kasi, madalang lang magkacrush yan sa isang tao. Madalang lang mainlove. At, never pa nagkagirlfriend! Sa dinami daming babaeng nanliligaw sa kanya at yung karamihan pa sa kanila ay yung mga magaganda at hot, ni isa wala siyang sinagot. Hindi ko alam kung bakit.

Kaya nandito ako ngayon sa basketball court ngayon ng aming school, nagpapractice. Dismissed na rin naman kami kaya wala nang masyadong students. Baka kasi, you know, alam niyo na, na kapag marami pang students dito, mapuno ang buong basketball court para manood sa match ng dalawang napakagwapong nilalang! *wink*

"Kailangan kong magpractice magshoot ng 3 points." sabi ko sa sarili ko. "Hoy bola, maging mabait ka naman. Makisama ka sa mga shoot ko at please, pumasok ka sa ring! Dapat 3 points! Para more chances of winning!" sabi ko naman sa bola.

Maya-maya lang, dumating na si Vash. Nakangiti pa ang loko. Parang alam na agad na ako ang matatalo. Pero please wag naman sana.

Gagalingan ko nalang sa pagshoot. Buti nalang at hindi ako mas maliit sa kanya dahil kung oo, mahihirapan akong agawin ang bola mula sa kanya. 

"Pareng Daniel! Mukhang kinakabahan ka ata ah? Ilang oras ka na ba dito sa court para magpractice ha?" sigaw ni Vash habang naglalakad papunta sa akin.

Tinuro ko ang sarili ko, "Ako? Kinakabahan? At sino naman ang nagsabi sayo?!" sabi ko sa kanya sabay hagis ng bola sa kanya.

Kinuha niya ang bola, "Oo. Tingnan mo nga pawis na pawis ka." Then hinagis niya ulet ang bola sa akin. 

"Baliw ka ba? Eh syempre nagpapractice ako! Sinong tao ang hindi pagpapawisan habang naglalaro ng basketball?" sagot ko naman sa kanya.

Umiinit na ang mga usapan namin dito ah!

"Puro ka dakdak Pareng Daniel! Bakit hindi pa natin simulan itong match natin?!" tanong niya sa akin habang lalo pa siyang lumalapit papunta sa akin.

Nakakapikon na ang mga salita ng lalaking to. Ano ba nangyayari sa kanya?

"Eh ikaw lang naman kasi ang nagsimula! Wag mo akong sisihin kung bakit sumasagot ako sa mga sinasabi mo." sabi ko sa kanya at para masimulan na nga ang match, tumakbo ako papunta sa ring at shinoot ang bola! 2points na agad!

Win Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon