Chapter 7: Peek

366 4 1
                                    

Kathryn's POV



Hindi ako makapagfocus dito sa quiz namin sa Physics. Grabe. Di rin kasi ako nakapagreview ng maayos kagabi, ano-anong bagay ang gumugulo sa isip ko. Bahala na si Batman. Kung itlog, edi itlog ang score!

"Aish. Hirap naman netong quiz. Nakakatanga." bulong ko sa sarili ko habang pinaglalaruan ang ballpen na hawak.

Tiningnan ko ang katabi kong mayabang. Easy na easy sa pagsasagot. At, nakangiti pa ang loko.

Ako lang ata ang hindi nagsasagot sa quiz namin.

"5 minutes remaining!" sigaw ng teacher namin sa Physics.

5 minutes? :O

Paano na ito? Eh 30 items itong quiz namin! Kahit isa, wala pa akong nasasagot.

Tiningnan ko ng masama si Daniel na para bang papatayin ko siya, "Kasalanan mo ito Yabang. Kasalanan mo kung bakit makakakuha ako ng first ever bagsak sa mga quizzes ko. Aish. Ang dapat sayo, patayin."


Kasalanan naman kasi talaga niya. Y-yung ginawa niya sa akin kagabi habang umuulan..

Ugh! Ginugulo talaga ako nun!

"Hindi ko makakalimutan ang ginawa mo sa akin kagabi Daniel. Bwisit. Ano bang nahithit mo at ginawa mo sa akin yun? Yan tuloy! Di ako nakapagreview ng maayos para sa quiz natin!" bulong ko sa kanya.

"Talaga? Hindi mo makakalimutan? Nakakakilig naman yang sinabi mo Kath." sabi sa akin ni Daniel sabay tingin sa akin at kindat.

Ano bang iniisip ng lalaking to? Iniisip ba niya na hindi ko makakalimutan ang ginawa niya dahil magandang moment yun? Duh! Over my dead body hindi ako nasiyahan sa ginawa niya. Nakakadiri.

"Para malaman mo mayabang, mali ang iniisip mo." sabi ko naman sa kanya.

Pero imbis na magsalita siya ulet, binigay niya ang paper niya sa akin na may mga sagot at kinuha naman niya ang sa akin na walang kalaman-laman kundi ang mga questions lang. Pati rin name wala.

Bakit niya ginawa yun?

Win Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon