Chapter 5: New Friends with Agreement

388 8 0
                                    

Kathryn's POV


Kasalukuyan ako ngayong naka-upo dito sa isang bench sa garden ng school namin. Since walang masyadong taong tumatambay dito, eto na yung favorite place ko dito sa school. Bukod sa fresh air ang malalanghap ko dito para makapagrelax, peaceful pa at tahimik dahil wala namang tao dito. Perfect para magbasa ng mga books o kaya gumawa ng assignments.

Nagrerecite ako para sa recitation namin bukas about sa Greek Gods and Goddesses. Mejo mahina pa naman ako sa memorization kaya dapat pag-aralan ko talaga ito. Kasama ko si Julia para tulungan ako.

Dapat, tama rin daw ang pronunciation ng name nila. Kapag mali, upo kana. Wala kang score. Ang strict ng teacher namin noh?! 

Para makapagfocus, I closed my eyes and started to talk with Julia. Kunwari, graded recitation na. Kunwari lang ito ha? Ako si Kath, si Julia si Teacher Garcia.

Nagsalita na si Julia. "Ms. De Ocampo, recite all the olympian Gods. With their definitions. Make sure your definitions are accurate." Magsisimula na sana ako ng bigla pang naghabol si Julia, "And be careful with your pronunciations."



"Yes Mam."


Nagsalita na ulet ako.

"Aphrodite, the sensual goddess of Love and Beauty."



"Apollo, the youthful God of the Sun and the Music."



"Ares, the fierce God of War."



"Artemis, hmmm. Sino ulet yun? Paker nakalimutan ko pa." Siniko ko si Julia. "Julia, ano yung meaning nun?"


"Hindi ako si Julia. Ako si Teacher Garcia. Remember?"


Siniko ko siya ng mas malakas. "Sino kasi yun Julia? Ayaw pang sabihin daming arts!"



"Diko rin nga alam Kath eh."



"Artemis, sino ulet siya?" sabi ko habang nakapikit parin ang mata ko at nag-iisip ng pagkalalim-lalim na magkasalubong na ang mga kilay ko.

Win Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon