Chapter 24: The Sun and a Storm Comes

153 4 0
                                    

Kath's POV

Nagising ako sa biglang sakit na naramdaman ko sa ulo ko. Sobrang sakit na parang mabibiyak na at gusto kong ipatanggal. Pero syempre, hindi pwedeng mangyari yun. Sino ba ang gustong ipatanggal talaga ang ulo niya?

Nakasara pa rin ang mga mata ko. Hindi ko mabukas dahil mabigat. Ilang oras na ba akong natutulog? Isang araw? Dalawang araw?

Sinubukan kong buksan ang mga mata ko ng dahan dahan. Dahan dahan. Dahan dahan. Pero habang bumubukas ang mga mata ko, may kakaiba akong nararamdaman. Pakiramdam ko, wala ako sa bahay namin. May kakaibang amoy eh, at hindi ganito katigas ang kama na mayroon ako. Para akong nasa ospital.

*Kusot kusot ng mata* "Nasaan ba kasi ako? Sakit na ng likod ko sa kama na to eh!" Dun ko nalang narealize, nasa isang nga kwarto ako sa isang ospital.

Tumingin tingin ako sa paligid. Medyo nahihilo ako pero alam kong walang ibang tao dito sa loob kundi ako lang. "Ma? Mama?" Tawag ko sa nanay ko, baka nasa labas lang siya. Pero wala pa ring pumapasok sa loob.

"Ano ba kasi ang ginagawa ko dito?"

Sinubukan kong tumayo, pero masakit pa rin ang katawan ko. Dun ko nalang biglang naalala ... ang mga nangyari sa akin... sa amin ni Vash... pati na rin si Daniel.

Napatakip ako sa bibig. Di ko napigilan ang pagbagsak ng luha mula sa mga mata ko. Sariwa pa rin sa isipan ko ang bawat pangyayari. "Paano mo nagawa sa akin to Vash?" Ano bang pumasok sa isipan niya at ginawa niya yun sa akin? Muntik na! Muntik na niya akong.. aish! Bakit? Bakit ako pa? Hindi pa rin ba niya ako kayang kalimutan? "AISHHHH!" Napasabunot ako sa sarili ko. Ayaw ko na pag-usapan! Lalo akong natatakot sa kanya. Lalo ring tumitindi ang galit ko sa kanya. Wala nang natitira pang rason para mapatawad ko siya.

Pinunasan ko ang luha ko. Nasasaktan ako, bakit ba ganito ang mga nangyayari sa paligid ko? "Ano ba ang kasalanang nagawa ko?" Pero kailangan kong maging matatag, kailangan ko pang buhayin ang sarili ko. May mga tao pa rin naman sa paligid ko ay may pagpapahalaga sa akin.

Kahit na medyo mahina pa ako, tumayo ako. Tinanggal ko ang mga bagay na nakakabit sa akin. "Asan kaya si Daniel? Kamusta na siya? Anong nangyari sa kanya?" Sari-saring tanong ang pumapasok sa isipan ko. Nag-aalala ako sa kanya. Nag-aalala ako sa taong walang sawang nagpapahalaga sa akin. Sa taong kahit na alam niyang dadalin siya sa kapahamakan, niligtas pa rin niya ako.

Nag-iwan ako ng note sa lamesa, "Mama, kung sakaling madatnan niyo akong wala dito, pumunta ako kay Daniel."

Pagkatapos nun, lumabas na ako ng kwarto, naglakad lakad at nagtanong-tanog sa mga nurse. "Nasaan po ang pasyente niyong si Daniel Estacio?"

Tinignan ako ng isang nurse mula ulo hanggang paa, "Isa ka rin pong pasyente dito diba? Mukhang wala pa kayo sa tamang kondisyon. Magtatawag po ako ng nurse para ibalik kayo sa kwarto niyo." Nag-dial siya sa telephone pero kinuha ko ang kamay niya, "Please... Nagmamakaawa ako sa inyo... Tulungan ninyo akong hanapin ang kaibigan ko."

"Pero kailangan niyo muna pong magpahinga." Sinubukan ulet niyang mag-dial, "Sige na po. Maayos na po ako. Nakakalakad na po ako. Please, tulungan niyo lang ako hanapin si Daniel."

Mukhang naawa siya sa akin, kaya tumingin siya sa hospital records at hinanap ang pangalan ni Daniel, "Nasa room 426 po siya Ma'am."

"Maraming salamat po." Agad kong hinanap ang kwarto, sadyang ang laki pala talaga ng ospital nato! Pagod na ako kakalakad!

Pero kailangan ko pa rin siyang hanapin. Kailangan kong malaman kong ano ang lagay niya ngayon. Hindi ako mapapalagay hangga't hindi ko nasisigurong maayos lang siya ngayon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Win Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon