Daniel's POV
"Ma! Plantsado na ba yung isusuot ko sa Christmas Party bukas? Dapat kasi gwapo ako dun eh!" sigaw ko sa nanay ko na nasa kabilang kwarto habang nakaharap naman ako sa computer at hinihintay magreply si Kath na kachat ko ngayon.
"OO ANAK! PLANSTADO NA KAHAPON PA! KAHIT MAGMODEL KA LANG NG BRIEF BUKAS AYOS NA GWAPO KA NAMAN EH! SYEMPRE MANA SA NANAY!" sigaw rin niya sa akin. Hahaha nanay ko ba talaga to? Masyadong maingay ngayong gabi! Buti nalang, hindi nabulabog mga kapitbahay namin. MEGAPHONE ATA ANG BIBIG!
"Sige Ma! Salamat!" pagkatapos nun, wala na akong narinig na anumang ingay mula sa nanay ko.
Bigla akong nagfocus sa kachat ko. Nagreply na pala si Kath! :") Ako na kinikilig hahahaha. So what pake mo?
Ako: Kath, sabay tayo punta bukas sa Christmas Party ha? Sunduin kita.
Kath: Nako Daniel. Sorry ha? May dadaanan pa kasi ako eh.
Dadaanan? Sino kaya ang dadaanan ni Kath? Aha! Siguro salon or parlor. Hahahaha. Magpapaganda siya. Pero ayos lang naman sa akin yun. Handa naman akong samahan siya kahit saan siya pumunta.
Ako: Ha? Saan? Sasamahan nalang kita dun. Ayos lang naman sa akin ;)
Kath: Ah. No need. Ako nalang. Kaya ko naman :)
Ako: Sure ka ha? Sige. Kita nalang tayo bukas sa Christmas Party? :)
Kath: Sure! :)
Ako: I love-
Kaso bigla nang nag-offline sa chat si Kath. Pambihira. Di man ako nakapagsabi ng I love you.
Medyo nabadtrip ako kaya sinara ko na ang computer at dumiretso na sa kama ko para matulog. Bwiset.
ZzZzZzZzZ
"Vash. I love you. Diba mahal mo rin ako?" sabi ni Kath nang nakangiti kay Vash at nakapaikot ang kamay niya sa leeg nito.
TAMA BA ITONG NAKIKITA KO?! SI VASH AT SI KATH?! MAGKASAMA AT PARANG MAY RELASYON?!
"Of course Babe. I love you. I love you more than anything else in the world."
Kath chuckled at kitang-kita sa mukha niya na kinikilig siya. Unti-unti siyang lumapit sa mukha ni Vash. Inches apart nalang.
BAKIT GINAGAWA NI KATH SA AKIN TO? PINAGTATAKSILAN NIYA AKO?! PAKSHET PAMURA NGA! DI KO KAYA ITONG NAKIKITA KO!!!

BINABASA MO ANG
Win Your Heart
FanfictionThe nerd Kathryn Gail De Ocampo meets the oh-so-yabang transferee of St. John's Academy, Daniel Lee Estacio, who turned out to be her textmate. She is also secretly in-love with their campus heartthrob, Vash Carter Choi. Pero, lingid sa kanyang kaal...