Read, Vote and Comment po! Salamat! ^_^
“Love is where your heart is.”
Pagkagaling sa bahay nila Light, agad dumiretso si Red sa bahay nila Cloud. Pero imbis na pumasok sa loob nang bahay, naupo lang sya sa tabi nang daan sa labas nang gate nila Cloud. Nakapangalumbaba sya habang nakatungkod sa tuhod nya ang siko nya.
“Dyyaaaarrryyyooooooooo!!!!”
*Puk!*
“Aray. Naman oh.” walang kagana-ganang react ni Red. Pinulot nya yung dyaryo, mahina nya ‘yung hinahampas sa kabila nyang tuhod habang nakatulala.
“Oh best friend.” lumabas si Cloud habang humihikab at half asleep pa.
“Oy.” bati ni Red without looking at him.
“Bakit hindi ka pumasok?” tinabihan ni Cloud si Red. Medyo humilig sya kay Red na halos nasa balikat na ni Red ang ulo nya tsaka sya pumikit.
“Si baby?” tanong ni Red habang nakatingin pa rin sa malayo.
“Natutulog pa.” nagyawn si Cloud “Pinuyat ako nang anak mo.” - - Cloud
“Puyat ka na nga ang aga mo pang gumising.” - - Red
“Naamoy kasi kita kaya nagising ako eh.” - - Cloud
“Psh. Aso ka na pala ngayon.” - - Red
*Silence*
“Best friend…” - - Cloud
“Hmm?” - - Red
“Anong problema?” - - Cloud
“Problema? Wala naman.” - - Red
“Wag mo nga akong lokohin. Ang aga-aga oh.” - - Cloud
“Wala nga Cloud. Ikaw talaga, tulog ka pa ata eh.” - - Red
“Kamusta nga pala ‘yung over night nyo kila Light?” - - Cloud
“H-Huh? Okay naman. Tapos na ‘yung business plan namin.” - - Red
“Ayos lang ba kay Gecca na pumunta ka doon?” - - Cloud
Napapikit si Red sabay buntong hininga.
“Com’on best friend, I know you. Best friend mo ko oh.” - - Cloud
“Something came up..” sigh “.. that I didn’t expect to happen.” - - Red
“Expect the unexpected. What is it?” - - Cloud
“Light..” Red sigh again. Kahit kasi alam nya sa sarili nya na wala syang kasalanan, ang bigat pa rin nang kalooban nya. Parang may hindi tama. Iniisip nya pa rin si Light at ang mga sinabi nito sa kanya. Pano na si Gecca? Galit na galit sa kanya ito. Simula nang magkakilala sila ni Light, kahit minsan hindi nya naiisip na darating sila sa ganitong punto.
“What about him? Is he dead?” - - Cloud
“Cloud naman eh.” - - Red
“Joke lang. Ano na?” - - Cloud
“Si Light kasi eh.. nakipagbreak kay Gecca.” - - Red
BINABASA MO ANG
Frozen Hearted Princesses
Teen FictionTatlong prinsesang magbebestfriend. Tatlong prinsesang bitter. Tatlong pusong binabalot nang yelo dahil sa lungkot, kasawian, takot at pagdududa. Tatlong pusong nawalan nang tiwala sa pag-ibig. Tatlong pusong natatakot na magbukas ulit nang panibago...