Read, Vote and Comment po! Salamat! ^_^
“A smile is a crooked line that sets things straight.”
[AbbyGael (Ms. A)’s POV]
Hi guys! Ako po si AbbyGael or Ms. A, ang baliw na author nang story na ‘to. Pasensya na po kung eextra ako sa story kasi po si Red ayaw i-POV ‘to eh. Bakit daw sya na lang lagi ang nagnanarrate nang love story nang iba eh sya nga daw mismo walang lablayp. Pagpasensyahan na po natin, masyado lang syang maarte.
Anyway, maikli lang naman po ito kaya pagtyagaan na lang po. :))
Sa mga nakalipas na araw, ordinary lang para sa lahat. Kahit na halos dinown na ni Jules and Raine sila Zoey and Cloud eh patuloy pa rin sila sa panliligaw sa dalawa nating prinsesang sobrang tigas nang puso. Kahit na alam nila Zoey and Cloud na wala silang pag-asa sa dalawa eh patuloy pa rin sila sa pagmamahal sa mga babaitang ito.
Si Zoey patuloy pa rin sa pagbibigay nang mga composed songs nya kay Jules, araw-araw pa rin syang nagsasabit nang tulips sa locker ni Jules para araw-araw nyang masabi dito na sa araw-araw na ginawa ni Lord ay mahal na mahal pa rin nya si Jules. Hindi naman nagbago ang pakikitungo ni Jules kay Zoey, pilit pa rin nyang sinusubukan na mahalin si Zoey kaya lang bawat subok nya ay lalo lang din syang nasasaktan. Mahal pa rin talaga nya ang dating boyfriend.
Si Cloud naman pagkatapos nang gabing pagkabigo nya ay balik din sya sa panliligaw kay Raine. Tuwing magkasama sila parang hindi sya nasaktan. Araw-araw pa rin nyang sinusuyo si Raine kahit kadalasan ay nandyan si Austin. Hinahabol pa rin sya nang mga babae pero tinutulungan naman sya ni Red na itaboy ang mga ito kaya sa ngayon eh hindi na sya nambababae.
Every weekend ay pinunpuntahan ni Cloud ang parents ni Raine para kamustahin, yun nga lang eh hindi ‘yun alam ni Raine kasi nasa condo sya. Ipinangako ni Cloud sa sarili na hindi nya hahayaang mapunta kay Austin si Raine hangga’t hindi si Raine ang nagsasabi na si Austin na ang pinipili nya.
Si Raine naman hindi malaman kung sino sa dalawa ang haharapin sa tuwing magkakasama silang tatlo, pero mas naeenjoy nya ang company ni Austin kasi sa tuwing nakikita nya si Cloud ay agad syang naiirita. Akala rin nya hihinto na si Cloud sa panliligaw simula nang gabing iyon pero nagkamali sya dahil mas nag-exert nang effort si Cloud sa panliligaw sa kanya at napansin rin nyang wala nang babae ang bigla na lang susulpot sa date nila.
Si Light and Gecca naman ay ganun pa rin kasweet. Tuwing magkikita ang dalawang ‘to hindi mapigilang hindi mag-PDA kaya madalas rin sila makadinig nang mura mula kay bitter Red. Papano ba naman kasi hindi sila masyadong nagkikita sa school kaya kapag nagkita ang dalawa paniguradong mahahalata na masyado nilang namiss ang isa’t-isa. Almost perfect couple na ang dalawa, ni hindi nga sila nag-aaway eh.
BINABASA MO ANG
Frozen Hearted Princesses
Teen FictionTatlong prinsesang magbebestfriend. Tatlong prinsesang bitter. Tatlong pusong binabalot nang yelo dahil sa lungkot, kasawian, takot at pagdududa. Tatlong pusong nawalan nang tiwala sa pag-ibig. Tatlong pusong natatakot na magbukas ulit nang panibago...