Read, Vote and Comment po! Salamat! ^_^
“I will never ever fall for that Cassanova, playboys are meant to break a girl’s heart.”
[Raine’s POV]
“Oh my God! Ano nangyari?!”
Tiningnan ko si Red, tahimik lang siya pero alam kong nagpipigil siya nang galit.
“Walang hiya talaga! Sinira niya bistro natin!” - - Jules
Eh kasi naman sino hindi magagalit sa ginawa nila, sulatan ba naman nang spray paint yung buong bistro tapos kung anu-anong masasamang salita yung nakasulat tungkol sa bistro. May drawing pa ngang tatlong babae tapos may sungay at buntot.
Pumasok si Red sa loob, sinundan namin siya. Walang ibang tao dito kundi si Manager Cassie, Zoey at Cloud with some pests around him. Yup! May kaakap na dalawang babae si Cloud. So, wala kaming customer ngayon? At lahat sila nasa Cox.
Pagkaupo namin kinindatan ako ni Cloud, inirapan ko lang siya. Tsk! Playboy talaga!
“Red, ano nang gagawin natin?”
Ngumiti lang siya sakin. Nakakatakot.
“Red, calm down.” - - Zoey
“Calm down?! Red huwag! Dapat tayong gumanti!” - - Jules
“I think we have to report this thing to your father Red.” - - Mngr. Cassie
“No. Let me handle it first.” - - Red
Buti naman nagsalita na siya. Mas nakakatakot kasi kapag bigla siyang sumabog eh. Kinuha niya yung phone niya tapos may tinawagan siya.
BINABASA MO ANG
Frozen Hearted Princesses
Teen FictionTatlong prinsesang magbebestfriend. Tatlong prinsesang bitter. Tatlong pusong binabalot nang yelo dahil sa lungkot, kasawian, takot at pagdududa. Tatlong pusong nawalan nang tiwala sa pag-ibig. Tatlong pusong natatakot na magbukas ulit nang panibago...