FHP #51

5.3K 88 18
  • Dedicated kay Jules Faustino
                                    

Read, Vote and Comment po! Salamat! ^_^

“Feelings don't die easily because we keep feeding them with memories. That's exactly the reason why it's so hard to move on.”

**May 28**

Nakaupo si Jules sa tabi nang puntod ni Zian.

“Zian..” hinawakan nya yung tomb ni Zian. “Three years na, mahal ko.” napaluha na naman sya. Bumalik ang alaala, ang gabing nawala sa kanya si Zian.

“A millon words would not bring you back.. I know cause I’ve tried and a million tears wouldn’t either.. I know because I’ve tried. Three years had passed but why I’m still like this? I’m still miserable and empty?”

“Alam ko.. ako na ang iyakin.” punas sya ng punas sa luha nya pero patuloy pa rin ito sa pagdaloy sa mga pisngi nya.

“Sorry Zian, hindi ko mapigilan eh. Namiss mo ba ko? Kasi ako.. sobra. Araw-araw kitang namimiss. Mahal na mahal pa rin kita. Sana naman ganun ka rin sakin.” binalikan nya sa isipan nya ang mga panahong kayaman na para sa kanya. Mga alaala nila ni Zian.

“Alam mo ba.. masakit pa rin, sobrang sakit pa rin Zian. Kahit sobrang tagal na, ikaw pa rin. Sabihin mo nga, ano bang ginawa mo sakin at ikaw pa rin ha? Akala ko wala na yung sakit dito..” tinuro nya yung puso nya “.. pero bakit parang may butas pa rin ang puso ko? Laging may kulang Zian, may kulang pa rin sa buhay ko. Alam mo bang hindi ko maiwasang umasa na isang araw gigising rin ako sa nakakatakot na bangungot na ‘to.. na babalikan mo pa rin ako at sasamahan mo ko habang buhay.. Pero sa tuwing umaasa ako, unti-unti rin akong pinapatay nito. Sana isa lang tong malaking joke nuh, sana hindi ka nawala sakin. Sana sobrang saya ko ngayon kasama ka, sana wala ako dito ngayon, sana magkasama pa rin tayong kumakanta sa choir. Sorry din kasi huminto ako sa pagkanta ah, tuwing pumupunta kasi ako sa simbahan na ‘yun naaalala kong doon nga pala natin pinangarap na magpakasal… nangarap tayong magpapalitan nang pangako sa simbahan na ‘yun. Akala ko ikaw na Zian, umasa ko sa panghabang buhay na pangako pero sa isang iglap bigla na lang naglaho lahat.. sobrang biglaan Zian, sobrang biglaan ang pagkuha nya sayo sakin.

Hindi ko akalaing wala palang habang buhay, simula nang mawala ka hindi na ulit ako naniwala sa habang buhay o sa walang hanggan kasi kung totoo ‘yun eh di sana nandito ka ngayon sa tabi ko. Hindi ko nga alam kung bakit nakakayanan ko pa eh, hindi ko alam kung paano ko nakayang mabuhay sa loob nang tatlong taon nang wala ka. Halos mabaliw at mamatay na ko sa sobrang lungkot at sakit Zian.. Sa tingin mo Zian? Kelan kaya kita bibitawan? Hanggang ngayon sobrang higpit pa rin kasi nang hawak ko sayo. Mahal na mahal pa rin kita Zian.” - - Jules

Patuloy lang sa pag-alala nang mga memories nila ni Zian si Jules. Sumasakit na ang mga mata nya kakaiyak kaya lang mas masakit pa rin talaga ang puso nya.. hindi nya akalaing babalik ang sakit na napagdaanan nya. Paulit-ulit na sakit.. paulit-ulit na pagkamatay nya.

“Jules?” napataas sya nang ulo sa tumawag sa kanya. Agad nyang pinunasan ang mga luha nya.

“Tito?” - - Jules

“Kamusta ka na hija?” tumayo si Jules para makipagbeso-beso sa daddy ni Zian. Humarap silang pareho sa puntod ni Zian.

“Tatlong taon na rin ah. Pagkatapos nang libing ngayon lang ulit ako nakadalaw sa kanya.” sabi nang daddy ni Zian.

“A-Alam na po ba ni Zoey na nakabalik na po kayo?” - - Jules

“Hindi pa. Agad akong dumiretso dito galing sa airport.” - - dad of Zian

Frozen Hearted PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon