Read, Vote and Comment po! Salamat! ^_^
“Ang hirap intindihin nang mga taong in love.”
[Red’s POV]
Isang linggo na ang nakalipas after nang pasukan. Feeling ko magiging miserable ang buhay ko ngayong sem. Naconfirm ko na kasi na classmate ko nga si Light, hindi naman sa lahat nang subjects pero karamihan naman. Irregular students siya kasi transferee nga pala siya. Ops! Ops! ‘Wag nyo isiping nag-usap o nagkwentuhan kami about his personal life. Actually, nakichismis lang ako eh. Alam nyo naman yung mga classmates kong girls, inborn na ang pagiging chismosa.
Nakikita rin pala namin sila ni Gecca sa cafeteria. Parang wala nga lang eh, parang hindi magkakakilala. Eh bakit nga naman magpapansinan eh hindi naman kami close-close. Pero sa loob nang room, ibang-iba na, tuwing nakikita ako ni Light bigla na lang siyang ngingiti na may nakakademonyong pang-aasar. Ang effect nun sakin ay isang malaking GOOSEBUMPS at sobrang INIS!! >>_<<
Nandito nga pala kami sa bistro. Nakaupo ako sa isang table at chinecheck ko yung inventory nang bistro, matagal ko na kasing hindi nachecheck ‘to eh. Si Jules naman chinecheck yung mga liquor namin, si Raine inaassist yung mga waiters. Si Zoey nasa stage, kumakanta habang naggigitara. At ang playboy na si Cloud ay nageexhibition sa pagfeflair habang may mga babaeng hangang-hangang nanunuod sa kanya. Every after nang exhibition niya, may premyo siyang tig-iisang kiss sa mga babae nyang audience. Walang hiya diba?
“So, kamusta ang inventory natin?” - - Mngr. Cassie
Naupo siya sa tabi ko. Tapos tiningnan niya yung ibang files nang bistro.
“Bumaba ang kita natin last month.”
“I knew it. Dahil siguro ‘yan sa Cox.” - - Mngr. Cassie
“You think so?”
“Not really pero ngayon lang naman bumaba yung kita natin diba? Besides, ilang beses na ba tayo nawalan nang customers dahil sa Cox?” - - Mngr. Cassie
“Right. Isang gabi lang tayo mawalan nang customers malaking epekto na ‘yun sa kita natin.”
“Pero buti naman at ilang linggo na rin silang hindi gumaganti ah.” - - Mngr. Cassie
Yeah right. Hindi nga siya gumaganti, namamatay naman ako sa inis sa evil smile at presence niya! Hindi pa kami nag-uusap nun ah, subukan nya lang akong kausapin makikita niya sarili niya sa impyerno.
“Sana mabawi natin yung nawala nating kita last month.”
“Pwede naman eh.” - - Mngr. Cassie
“Oh? Talaga? Paano?”
“Magbati kayo ni Light.” - - Mngr. Cassie
Ehh?? Nabingi ata ako. Ano ulit sabi niya? Ms. A paki ulit naman oh.
“Magbati kayo ni Light.”
Ehh? *blink* *blink* *linis tenga* Isa pa nga?
“Magbati kayo ni Light.”
Okay. Hindi ako bingi. Ayaw lang tanggapin nang sistema ko yung sinabi niya.
“You know what manager Cassie, you’re not good on joking. Hahaha!”
Ay tanga! Hindi nga ba? Eh bakit ka tumawa? Shunga ka Red?
“I’m serious.” - - Mngr. Cassie
Okay. Sabi ko nga seryoso siya eh. Bakit ba kahit kelan hindi ko na siya nakitang ngumiti o tumawa man lang? Ang gloomy naman nang life nang pinsan ko.
BINABASA MO ANG
Frozen Hearted Princesses
Teen FictionTatlong prinsesang magbebestfriend. Tatlong prinsesang bitter. Tatlong pusong binabalot nang yelo dahil sa lungkot, kasawian, takot at pagdududa. Tatlong pusong nawalan nang tiwala sa pag-ibig. Tatlong pusong natatakot na magbukas ulit nang panibago...