Read, Vote and Comment po! Salamat! ^_^
“New environment? That means new opportunity, new chance, new friends, new adventure.”
[Light’s POV]
Pasukan na naman, second sem na. Nag-transfer na kami ni Gecca sa Docherty University. BSBA ang course ko major in Management. Ayos din naman pala dito sa Doch – yan tawag nang mga taga dito. Pang international ang standard nang education nila dito. Si Gecca naman Mass. Comm. ang course. Sana agad siyang makahanap nang mga bagong kaibigan kawawa naman kasi ang bhie ko. Napilitan siyang lumipat dahil sakin. Naiwan niya tuloy yung mga kaibigan niya sa dati naming school.
Si dad kasi eh, pinalipat ako dito sa Doch kasi mas malapit daw sa bahay. Bagong lipat nga lang pala kami sa lugar na ‘to a day bago buksan yung bago naming bar na Cox. Kaya eto, lumipat rin ako nang school. Hindi ko alam kung ano naisip ni dad kung bakit niya biglang pina-manage yung bar na ‘yun samantalang siya yung nagmamanage sa iba pa naming bar.
Free time na namin pareho ni Gecca at magkikita kami ngayon sa cafeteria para sabay kaming mag-lunch.
Maya-maya pa nakita ko na siyang pumasok nang cafeteria. Akala ko nag-iisa lang siya but I was wrong. Ang daming nakabuntot na new classmates nya siguro na mostly guys. Pagkakita nya sakin, ngumiti sya tapos nilapitan nya ko.
“Hi bhie!” - - Gecca
I kissed her on the cheek. Lumingon naman siya sa mga new classmates nya.
“Ahm guys, si Light Cox nga pala boyfriend ko.” - - Gecca
“Wow! Ang swerte mo naman sis!” - - her classmate 1
“Oo nga. Ang gwapo nang bf mo.” - - her classmate 2
“Mukhang wala na kaming panama sa boyfriend mo Gecca ah.” - - her guy classmate 1
“Guys, stop it! Baka lumaki na ulo nang bhie ko.” - - Gecca
Niyakap niya ko tapos hinalikan niya ko sa pisngi.
“Hanep! Swerte mo pre, sweet nang girlfriend mo.” - - her guy classmate 2
He tapped me on my shoulder. Aba! Aba! Close ba kami nito? Kung maka-pare ah.
“I know.”
“Sige sis, una na kami.” - - her classmate 1
“Okay. Bye!” - - Gecca
Nakipagbeso-beso siya sa mga babae nyang classmate. Makikipagbeso-beso din dapat yung mga classmate nyang lalaki pero humarang ako.
“Okay na pare. Nice meeting you.”
Nakipagkamayan ako sa kanila tapos tuluyan na silang umalis. Naupo kami pareho.
“Alam mo bhie, ang babait nang mga Doch. See, I have lots of friends na.” - - Gecca
Oo nga eh. Sobra pa naman akong nag-aalala sa kanya na baka maging loner siya pero eto siya at napakarami na palang kaibigan.
“Mabuti naman meron ka na agad bagong mga kaibigan.”
“Yup! Akala ko nga rin wala akong magiging friends dito eh.” - - Gecca
Tumingin-tingin siya sa paligid.
“Light, gutom na ko.” - - Gecca
“Okay. Wait lang, bibili ako.”
BINABASA MO ANG
Frozen Hearted Princesses
Ficção AdolescenteTatlong prinsesang magbebestfriend. Tatlong prinsesang bitter. Tatlong pusong binabalot nang yelo dahil sa lungkot, kasawian, takot at pagdududa. Tatlong pusong nawalan nang tiwala sa pag-ibig. Tatlong pusong natatakot na magbukas ulit nang panibago...