Read, Vote and Comment po! Salamat! ^_^
“Playboys do fall in love.”
[Cloud’s POV]
“Ano na namang kalokohan ang ginagawa mo Red?”
“Wala kang pake! Kung ayaw mong magsara ang JUREDAINE, tulungan mo na lang ako dito.” - - Red
Kung anu-anong plier kasi yung piniprint niya.
“Para saan ba kasi ‘to?”
“Basta! Wag ka nang dumada pa diyan. Tulungan mo na lang ako.” - - Red
“Sus! PMSing ka na naman ah! Teka! Bakit araw-araw?”
“Kung ayaw mong lumusot ang ulo mo dito sa monitor nang laptop ko manahimik ka na lang.” - - Red
“Pwede rin. Kaya lang gusto ko kaming dalawa ni Zoey, kasya ba kami diyan sa monitor mo?”
“Wala akong monitor. Yung laptop ko ang may monitor, shunga ka?” - - Red
“Oo! Nahawa ako sayo.”
“Wow! Nakakahawa na pala ang kashungaan ngayon. Teka nga, bakit nandito ka? Nasaan na yung kasama mong babae kanina?” - - Red
“Sino sa kanila? Si Cath, si Scarlet, si Lyka o si Carla?”
“Aba malay ko! Sa ara-araw ba naman na may iba-iba kang kalandiang babae, hindi ko na sila natatandaan.” - - Red
“Well, kahit sino pa sa kanila wala na.”
“Pinatay mo na?” - - Red
“Hiniwalayan ko na! Pinatay ka diyan. Yung mukha ba na ‘to ang mukhang mamamatay tao?!”
“Uhhmm . . . . oo nga anuh! Ngayon ko lang napansin na mukha ka nga talagang mamamatay tao. Thank you ah!” - - Red
“Teka nga! Bakit ba ako napagtitripan mo, asan ba si Zoey?”
“Nasa SC office may meeting daw sila.” - - Red
“Meeting? Tungkol saan?”
“Tungkol sa pagpapaexpel nang mga torpeng playboy sa school.” - - Red
“Talaga? Sa susunod nga sabihin ko kay Zoey ipaexpel din yung mga panget sa school.”
“Huwag mo nang subukan Cloud. Wala nang maeexpel dito nun, wala ka na eh.” - - Red
“Hooo! Hirap mo talagang kausap nuh! Makaalis na nga!”
“Mabuti pa nga nang mawalan ako nang katabing unggoy dito.” - - Red
Lumabas ako nang room nila. Nakakaimpyerno sa loob nun kapag kasama ko talaga si Red. Demonyitang anghel talaga yun sa lupa eh. Pumunta ako sa cafeteria tapos hinanap ko si Raine para ibigay sa kanya ‘to. Nakita ko siyang naglalakad sa hallway kasama si Jules. Hinarang ko sila tapos inabot ko sa kanya yung Chuckie.
“Sorry talaga sa pagtapon ko sayo nang Chuckie nung isang araw, hindi ko sinasadya yun. Ito yung kapalit.”
Tiningnan niya lang sandali yung Chuckie tapos ako naman yung tiningnan niya.
BINABASA MO ANG
Frozen Hearted Princesses
Teen FictionTatlong prinsesang magbebestfriend. Tatlong prinsesang bitter. Tatlong pusong binabalot nang yelo dahil sa lungkot, kasawian, takot at pagdududa. Tatlong pusong nawalan nang tiwala sa pag-ibig. Tatlong pusong natatakot na magbukas ulit nang panibago...